NEW
Font size
WorksheetsESP 8 MOD 4: TAYAHIN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay dahil ipinatawag siya ng boss tungkol sa negosyo at nakita niyang umiiyak ang sanggol na kapatid at tila nagugutom. Sa halip na ipagtimpla ng gatas ay nagmamadali siyang umalis ng bahay. Angkop ellen?
A. Oo, sapagkat ipinatawag siya ng boss
B. Hindi, dahil iniwan nya ang kapatid na gutom
C. Oo, dahil mas importante ang trabaho kaysa pamilya
D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya bago ang trabaho dahil makapaghihintaynaman ito.
Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng isang miyembro ng pamilya
A. pag-aaksya ng oras at panahon
B. magliliwaliw sa mga gustong lugar
C. pagtatangkilik ng mga mabubuting kilos
D. pagsantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Ang pamilya Catipun ay pinapairal ang pagiging madamot sa kapwa
B. Ang pamilyang San Diego ay tinatawananang mga problemang kinakaharap
C. Ang pamilyang Monteclaro ay nagbabangayan sa tuwing may mabigat na gawain
D. Ang pamilyang Cruz ay binibigyan ng gamot at inaalagaan ang miyembro ng pamilya sa tuwing may nagkakasakit
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatatag sa sa pagtutulungan ng pamilya?
A. Sinasarila ni Agatha ang probema sa pamilya kaya nakaranas ito ng depresyon
B. Tila walang narinig si Romeo sa mga pangaral na ibinibigay ng ina kya napariwara ang buhay nito
C. Nakasanayan na ni Erning ang pagsinungaling sa kanyang magulang at napagtanto niyang hindi ito mabuti
D. Sama-samang gumagawa ng mga gawaing bahay ang pamilyang Ligaya kaya't napabibilis ang pagtaos nito
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
A. Si Bernardo ay pamilyadong tao. Bumili siya ng pagkain para sa kanyang sarili lamang kaya lubos itog ikinagalit ng kaniyang asawa
B. Si Pablo ay naglalaan ng sapat na oras at panahon upang maipasyal ang pamilya sa plaza nang mapag-usapan ang mga problemang nararanasan
C. Ang pamilyang Remorosa ay sama-samang kumakain sa hapag kainan. Pagkatapos kumain ng lahat ay hinuhugasang mag-isa ni Jeasel ang pinagkainan.
D. Ang pamilyang Pecundo ay walang pakialam sa isa't isa.Parati na lang nag-aaway ang mag-asawa. Ang mga anak naman nito ay nalulong na sa online games.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan?
A. Maririnig ang napakalakas na sigawan sa loob ng tahanan nila Carlos at Alexa.
B. Palaging nagbabangayan ang magkakapatid na Mary at Jane dahil lang sa maliit na bagay
C. Nagpapalitan ng masasakit na salita ang mag-asawang Ariel at Mae na nagbunga ng kanilang paghihiwalay
D. Tinatanggap ni Clarese ang kamalian ng kanyang kapatid at pinatawad ito sa mga nagawang kamalian
Pinag-aawayan ng dalawang anak na sina Pat at Rick ang bagong bilang ng laruan. Bilang ina, ano ang maari mong gawin upang pagbatiin at hindi maisip ng dalawa na may kinampihan ka?
A. Kakampihan ng ina si Pat
B. Sisigawan ng ina ang dalawang anak
C. Hahayaan ng ina ang dalawa dahil away bata lang ito
D. Ipaalala sa mga anak ang kahalagahan ng pagbibigayan
Bakit mahalagang maisagawa ang mga angkop na kilos sa pamilya?
A. upang mapatibay ang relasyong pampamilya
B. upang maipakita na ang bawat miyembro ng pamilya ay perpekto
C. upang mapatibay ang relasyong pakikipapgkapwa tao
D. upang maipagmalaki sa iba ang katatagan ng kanilang pamilya
Nagkasakit ang ina ni Sandro at wala itong pambili ng gamot. Sa kawalan ng pera nagawa niyang magnakaw. Angkop ba ang kilos na ginawa ni Sandro?
A. Hindi, dahil ipinagbabawala ang magnakaw
Oo, sapagkat iniisip lamang niya ang kaligtasan ng ina
C. Oo, dahil sa takot at pangamba nagawa iyang magnakaw
D. Hindi, sapagkat marami pa siyang pwedeng gawing paraan upang matulungan ang inang may sakit sa marangal na pamamaraan
alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na oamilyang may pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Madaling mapikon si Andrew sa tuwing binibiro ng kapatid
B. Sina Kat at Rina ay matalik na magkaibigan at hindi nag-aaway kahit minsan
C. Sa tuwing may problema ang isa sa miyembro ng pamilya ay nakahandang magbigay ng tulong at payo ng magulang
D. Hindi kumikibo si Angelo sa tuwing kinakausap siya ng kanyang magulang dahil sa nahihiya siyang magbahagi ng kanyang problema.
