NEW
Font size
WorksheetsSanhi at Bunga
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ibigay ang sanhi:
Ang isang bayani ay hinahangaan ___________________.
sapagkat ito ay handang tumulong samga inaapi.
kaya siya sikat, lalo na sa mga bata.
kung kaya marami ang umaasang darating siya.
kasi nakakaaya ang kanilang pisikal na anyo.
Ibigay ang sanhi:
Inutusan ng hari ang kapatid na prinsipe upang labanan ang mga halimaw ________________________.
kaya namatay ang prinsipe sa pakikipaglaban.
dahil nangangailangan ng tulong ang mga tao.
tuloy napatay niya ang tatlong halimaw.
kaya naman mabilis na sumunod ang kapatid na prinsipe.
Ibigay ang sanhi:
Sinundan ni hari Indarapatra ang kapatid na prinsipe __________________
bunga nito siya ang nakapatay sa pang-apat na halimaw na.
dahil ang pagkalanta ng halaman ay tanda ng pagkasawi ng kapatid.
kaya nakita niya ang bangkay nitong nadaganan ng ibon na si Pah.
palibhasa alam niyang hindi kakayanin ng kapatid ang makipaglaban sa mga halimaw
Ibigay ang bunga:
Dumating ang apat na halimaw na kumakain ng tao sa pulo ng Mindanao ______________________________.
dahil ang lugar na ito ay pawang kabundukan na tirahan ng maraming tao.
sapagkat maraming tao ang maaari nilang kainin.
kaya naman walang makikitang tao sa paligid.
palibhasa ang pulo ay sagana sa likas na yaman.
Ibigay ang bunga:
Nakita ng haring Indarapatra ang bangkay ng kapatid na Sulayman nadaganan ng ibon ___________________________.
kasi sinundan niya ito nang makitang nalanta ang halaman.
palibhasa'y matalas ang mga mata nito.
kaya labis ang pagtangis nito sa pagkamatay ng kapatid.
sapagkat ikinamatay nito ang bigat ng pakpak ng halimaw na ibon.
Ibigay ang bunga:
Nabuhay muli si prinsipe Sulayman _____________________________.
kaya naman pinauwi na siya ng haring Indarapatra.
palibhasa ay may kapangyarihan ang hari.
dahil sa bisa ng iwnisik na tubig ni Indarapatra.
tuloy si Indarapatra ang sumunod na nasawi.
Piliin ang tamang hudyat na kukumpleto sa pahayag.
Umalis ang alaga kong aso _________ ako ngayon ay labis na nalulungkot
dahil
kaya
sapagkat
kasi
Piliin ang angkop na hudyat ng sanhi at bunga.
Mahusay sa pakikipaglaban sa mga halimaw ang magkapatid _______________ naging tahimik at payapa ang pulo ng Mindanao.
palibhasa
bunga nito
tuloy
dahil
Ibigay ang tamang pahayag gamit ang tamang hudyat ng sanhi at bunga.
"Umiiyak si Maya, at may ice cream sa lupa malapit sa kanyang paanan".
Umiiyak si Maya kaya naman napagsabihan siya ng nanay na maging maingat sa susunod.
Malakas ang iyak ni Maya tuloy nahulog ang kinakain niyang ice cream sa lupa.
Umiiyak ang na naman si Maya palibhasa iyakin siya mula pa pagkabata.
Umiyak si Maya si Maya dahil nabitawan niya ang kinakain niyang ice cream.
Piliin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na pahayag.
Ginalingan niya ang pagsagot, palibhasa naperfect niya ang quiz.
Nakinig siya ng mabuti kaya naman tama lahat ang sagot niya.
Natuwa siya sa perfect score niya bunga nito alam niyang ginalingan niya sa pagsusulit.
Tama lahat ang sagot niya tuloy naunawaan niyang mabuti ang tinalakay na paksa.
