wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP9 1st Grading Summative Test

Total questions: 32

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a)

Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao

b)

Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao

c)

Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

d)

Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

2.

Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng magkaibang ________at_______.

a)

buhay at kayamanan

b)

lakas at kapangyarihan

c)

lakas at kahinaan

d)

relihiyon at paniniwala

3.

Maipapakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na pagpapahalaga ng kanyang mga ari- arian kaysa sa kaniyang sarili.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…

a)

lahat ay dapat mayroong pag-aari

b)

lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman

c)

lahat ay iisa ang mithiin

d)

likha ang lahat ng Diyos

5.

Sa ating lipunan,alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?

a)

Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan,kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan,dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.

b)

Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil may mayroon itong sentimental value sa kaniya.

c)

Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.Ayon sa kaniya,sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.

d)

Lahat ng nabanggit

6.

Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

a)

Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa kaniyang sarili

b)

Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi

c)

Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit

d)

Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari

7.

“Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa.Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan.Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.”Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?

a)

Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya

b)

Naipakikilala ng tao ang kanyang sarili sa husay niya sa paggawa

c)

Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kanyang naisin

d)

Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.

8.

Ito ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa samasamang pagtuwang sa isa’t-isa.

a)

Lipunang Politikal

b)

Lipunang Ekonomiya

c)

Lipunang Sibil

9.

Isinulong at naisabatas ang AntiSexual Harrassment Act (1995), Anti-Violence Against Women and their Children Act (2004), at iba pa.

a)

Peace Advocates Zamboanga

b)

Gabriela Movement

c)

Genesys

10.

Isang katangian ng lipunang sibil na walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.

a)

Pagkukusang-loob

b)

Bukas na pagtatalastasan

c)

Pagiging organisado

11.

Ito ay isang katangian ng lipunang sibil na walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.

a)

Pagkukusang-loob

b)

Bukas na pagtatalastasan

c)

Walang pang-uuri

12.

Ang lahat ng lipunang sibil ay government organizations sapagkat sila ay mga samahan na hindi kaugnay ng pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Isang mahalagang layunin ng pagkakabuo ng lipunang sibil ay ang pagiging tagapamagitan nito ng indibidwal at ng pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

14.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahulugan ng lipunan?

a)

Ito ay tumutukoy sa isang grupo ng tao sa isang tahanan

b)

Ito ay tumutukoy sa isa o higit pang grupo ng mga tao na permanenteng naninirahan sa isang lugar na pinakikilos ng iisang layunin

c)

Ito ay tumutukoy sa isang organisasyon na may layuning ayusin ang isang lugar

d)

ito ay tumutukoy sa isang pamayanan na binubuo ng ibat-ibang sector ng industriya

15.

Nagbabadyet ang pamahalaan bilang isang paraan ng pag-aalokasyon.

a)

TUMPAK

b)

LIGWAK

16.

ito ay binubuo ng iba’t-ibang sector, organisasyon, samahan o grupo na may natatanging tungkulin.

a)

Lipunan

b)

Bansa

c)

Pamahalaan

d)

Adminitrasyon

17.

Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa samasamang pagtuwang sa isa't-isa.

a)

Lipunang Sibil

b)

Lipunang Ekonomikal

c)

Lipunang Politikal

d)

Lipunang Militar

18.

Layunin ng lipunang sibil na bigyang pansin ang pagkukulang ng pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan.

a)

Media

b)

Simbahan

c)

Tsismosang Kapitbahay

d)

Trolls

20.

Sila ang nagsisilbing gabay natin sa espiritwal na kaganapan.

a)

Media

b)

Simbahan

c)

Psychiatrist

d)

Mga magagaling magpayo

21.

Marami kang takdang aralin, ngunit kailangan mo maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Gusto mong hingiin ang tulong ng iyong nakababatang kapatid, paano mo ito gagawin o sasabihin?

a)

Ikaw na ang maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay, marami akong takdang aralin.

b)

Pakitulungan mo naman ako sa paghuhugas at paglilinis ng bahay, kailangan ko kasi matapos agad para sa makagawa agad ng takdang aralin.

c)

Uy, hati tayo, ikaw maglinis ng bahay, ako maghugas ng pinggan.

d)

Sabihan ang iyong nanay na utusan ang kapatid dahil marami kang kailangang gawin.

22.

Ano ang HINDI totoo tungkol sa Lipunang Sibil?

a)

Ito ay boluntaryong pagtulong sa kapuwa.

b)

Hindi ito mula sa mga pulitiko o pamahalaan.

c)

Isinusulong nito ang pansariling interes ng mga pribadong indibidwal.

d)

Tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan na hindi naibibigay ng pamahalaan

23.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa lipunang sibil?

a)

Media

b)

Simbahan

c)

Senado

d)

Non-Government Organizations

24.

Layunin ng lipunang sibil na ito na ipahayag ang katotohanan, napapanahon at mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan.

a)

Simbahan

b)

Midya

c)

Radyo

d)

Balita

25.

Paano nakatutulong ang lipunang sibil sa pagtugon sa pangangailangan ng nakararami?

a)

Tinutugunan nila ang pangangailangan ng mga mamamayang hindi naaabot ng pamahalaan.

b)

Sa pamamagitan nito maisusulong ang pagdadamayan at pagtutulungan.

c)

Isinusulong nito ang pagiging responsableng mamamayan.

d)

Nagbibigay sila ng pagkakataon sa mga nangangailangan na ipahayag ang kanilang saloobin at pangangailangan.

26.

Bahagi ng layunin ng lipunang sibil na ito na gabayan ang mamamayan na matagpuan ang halaga ng kanilang buhay at ang mapa-unlad ang kanilang buhay-ispiritwal.

a)

Paaralan

b)

Simbahan

c)

Midya

d)

Church Servers

27.

Ang mga sumusunod ay katangian ng lipunang sibil, MALIBAN sa:

a)

Pagsulong ng personal na interes.

b)

Pagiging organisado.

c)

Pagkukusang-loob,

d)

Bukas na pakikipagtalastasan.

28.

Ano ang HINDI kabilang sa mga sumusunod?

a)

Radyo

b)

Telebisyon

c)

Newspaper

d)

Computer Games

29.

Bakit patuloy ang pangangailangan ng tao na maging bahagi ng pangkat pang-relihiyon?

a)

Ito ay bahagi ng pagpapalaki ng ating mga magulang.

b)

Nakasanayang kultura mula sa pagkabata.

c)

Sapagkat nakatutulong ito na matuklasan nila ang katuturan ng kanilang buhay.

d)

Maraming nakikilala at nabubuong pagkakaibigan.

30.

Ano ang pinakatunguhin ng pagtatatag ng lipunang sibil?

a)

pagtulong sa nangangailangan

b)

sumuporta sa pamahalaan

c)

pakikipamuhay kasama ang kapuwa

d)

pagtamo ng kabutihang panlahat

31.

Pagkilos na hindi ipinilit o kusang-loob at may layuning makatulong sa iba.

a)

Utos

b)

Bolunterismo

c)

Tungkulin

d)

Obligasyon

32.

Ang "Stay at Home" na kampanya ngayong panahon ng pandemic ay inilunsad ng pamahalaan at sinusuportahan ng lahat ng pribado ay pampublikong ahensya. Ano ang layunin nito?

a)

Ang hindi pagkalat ng sakit na Covid 19 at mapanatili ang maayos na kalusugan ng nakararami.

b)

Maiwasan ang traffic upang mabilis ang pagresponde ng mga frontliners.

c)

Hindi mahawaan ng sakit ang mga kabataan .

d)

Magpatuloy ang trabaho kahit nasa kani-kanilang tahanan.