wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Quarter Worksheet N0.2 Komunikasyon

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

1.Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang parikular na konteksto upang mapahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.

a)

Kakayahang Komunikatibo

b)

Kakayahang Pragmatiko

c)

kakayahang Sosyo-linggwistiko

d)

Kakayahang Pagtatanghal

2.

2.Ito ay uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat din.

a)

berbal

b)

di-berbal

c)

pahiwatig

d)

speect act

3.

3.Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kaanak, kaibigan, kakilala, pakikipagtalakayan sa klase at paglahok sa mga usapan sa kumperensya at seminar.

a)

Paraang pasulat

b)

paraang pasalita

c)

paraang oral

d)

paggamit ng pahiwatig

4.

4.Ilang posiyento ng isang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na elemento ayon kay Maggay.

a)

30

b)

50

c)

70

d)

80

5.

5.Tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ang kaayusan nito.

a)

Kapaligiran

b)

Paralanguage

c)

Kinesika

d)

Proksemika

6.

6.Mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito.

a)

Padaplis

b)

Pahaging

c)

parinig

d)

pasaring

7.

7.Itinuturing na isa sa pinakaunang anyo ng komunikasyon.

a)

Berbal

b)

di-berbal

c)

pahiwatig

d)

paghawak

8.

8.Tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.

a)

Kapaligiran

b)

Paralanguage

c)

Kinesika

d)

Proksemika

9.

9.Tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi ng ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng kamay, at tindig ng katawan.

a)

Proksemika

b)

Kinesika

c)

Paralanguage

d)

pahiwatig

10.

10.Mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.

a)

Padaplis

b)

Pahaging

c)

parinig

d)

pasaring

11.

11.Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan tulad nang pagtapik sa balikat or pagyakap sa kausap

a)

pahiwatig

b)

pandama

c)

proksemika

d)

kinestika

12.

12.Ito ay lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin o dili kaya ay maparating ang tampo o sama ng loob.

a)

kapaligiran

b)

katahimikan

c)

pahiwatig

d)

di-berbal

13.

13.Ito ay konsepto ng kakayahang pragmatiko na ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi "paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita".

a)

Speech Act.

b)

pragmatiko

c)

interlanguage pragmatics

d)

illocutionary force

14.

14.Ang isang taong may kakayahang _________ ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at ikinikilos ng kausap

a)

komunikatibo

b)

pragmatiko

c)

pagtatanghal

d)

mabasa ang pahiwatig

15.

15.Ito ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensyon sa pamamagitan ng iba't ibang speech act.

a)

Interlanguage Pragmatics

b)

speech act.

c)

illocutionary force

d)

pahiwatig

16.

16.Ito ay sangkap ng Speech Act. na sadya o intensyonal tulad ng; Pakiusap, utos, pangako.

a)

Illocutionary Force

b)

Locution

c)

Perlocution

d)

Interlanguage

17.

17.Ito ay sangkap ng Speech Act. na epekto sa tagapakinig. tulad nang pagtugon sa hiling, pagbibigay atensiyon

a)

Illocutionary Force

b)

Locution

c)

Perlocution

d)

Interlanguage

18.

18.Ito ay sangkap ng Speech Act. na - anyong lingguwistiko. tulad ng Patanong, pasalaysay .

a)

Illocutionary Force

b)

Locution

c)

Perlocution

d)

Interlanguage

19.

19.Ayon sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa niya, kaniyang binigyang-diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig.

a)

J.L.Austin

b)

Lightbown

c)

Spada

d)

Maggay

20.

20.Ito ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon.

a)

pahiwatig

b)

non-berbal

c)

pandama

d)

pragmatiko

21.

21.Ito ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton o ng mga verbal na palatandaang kaakibat nito.

a)

berbal

b)

di-berbal

c)

pahiwatig

d)

pandama o Paghawak

22.

22.Ito ay mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing,

a)

pahaging

b)

pasaring

c)

papansin

d)

paandaran

23.

23.Ito ay may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang naipapahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos,

a)

paramdam

b)

papansin

c)

sagasaan

d)

parinig

24.

24.Ito ay isang mensaheng pinaabot ng tao, o maging ng espiritusa pamamagitan ng ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan at iba pa.

a)

paramdam

b)

papansin

c)

pasaring

d)

pahaging

25.

25.Ito ay mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakakarinig na kunwari ay labas sa usapan.

a)

pahaging

b)

padaplis

c)

parinig

d)

pasaring