NEW
Font size
WorksheetsEPP 4-Week 5: TAYAHIN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang mga halimbawa ng basurang ito ay tuyong
dahon, mga tirang pagkain at balat ng prutas at
gulay.
A. Nabubulok
B. Di-nabubulok
C. Pagrecycle
D. Waste segregation
2. Ito ay ang muling paggamit ng mga basura na
pwede pang pakinabangan.
A. Nabubulok
B. Pagrecycle
C. Di-nabubulok
D. Waste segregation
3. Dito pwedeng ilagay ang mga nabubulok na
basura upang maging pataba.
A. Waste segregation
B. Nabubulok
C. Compost pit
D. Di-nabubulok
4. Diaper, Styrofoam, at plastic bag ay mga
halimbawa ng basurang ito.
A. Nabubulok
B. Di-nabubulok
C. Waste segregation
D. Compost pit
5. Ito ang paghihiwalay ng mga basura upang
maipatupad ang pagrerecycle ng mga bagay- bagay.
A. Nabubulok
B. Trashing
C. Waste segregation
D. Composting
B. 1. Ano ang gagawin kapag nakita mong sama-sama ang nabubulok at di- nabubulok na basura sa isang lagayan sa
inyong bahay?
A. hayaan na lamang ang mga ito
B. ihiwalay ang lagayan nito
C. Isumbong sa mga magulang
D. dagdagan pa ito ng basura
B. 2. Sinusunog ng iyong kapatid ang mga basura sa inyong
bakuran, ano ang iyong sasabihin?
A. Sasabihin kong isusumbong ko siya sa mga pulis.
B. Sasabihin kong huwag magsunog dahil bawal ito.
C. Sasabihan kong tama lang ang kanyang ginagawa.
D. Sasabihan kong sunugin niya ito sa kapitbahay.
B. 3. Ikinalat ng mga aso ang mga pinaghiwa-hiwalay mong
basura. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagpapaluin ang mga ito upang umalis.
B. Iayos ang mga basura at ilagay sa mataas na lugar.
C. Hayaan na lamang ito at kukunin ng mga nangongolekta.
D. Ipunin at itapon sa bakod ng nagmamay-ari ng mga aso.
B. 4. Ang isa mong kakilala ay nagtatapon ng basura kahit hindi nila iskedyul. Ano ang gagawin mo?
A. Gayahin din siya para mawala ang mga basura sa inyong
bahay.
B. Isumbong sa kapitan ng barangay upang malaman nila
ito.
C. Huwag nang pansinin upang hindi mapagalitan.
D. Ibalik mo sa kanilang bahay ang mga basura.
B. 5. Ano ang maaari mong maitulong upang mabawasan ang mga basurang itinatapon?
A. Bumili ng maraming supot upang paglagyan ng basura.
B. Gumamit ng mga recycled na bagay.
C. Kumain sa mga fastfood chain na gumagamit ng styro.
D. Huwag sundin ang batas ukol sa paghihiwalay ng mga
basura.
