NEW
Font size
WorksheetsActivity 9 Masistemang Pangangalaga ng Tanim
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Sa paghahalaman, binibigyang pansin ang pangangalaga ng tanim upang maging mabilis at malusog ang pagtubo ng mga ito. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang maisakatuparan ito?
mga bulok na binhi
mga kahoy
abonong organiko
mga sirang pagkain
Napag-utusan kang maglagay ng pataba sa pananim na gulay. Kailan mo dapat ito ilalagay sa pananim?
habang inihahanda ang taniman
habang nagtatanim
bago magtanim
Lahat ay tama
Bakit kailangang maghugas ng kamay pagkatapos maglagay ng abono sa pananim?
upang makaiwas sa sakit
upang maging maganda sa paningin
upang mapansin ng iba
wala sa nabanggit
Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan upang makatipid sa gastusin sa patabang kanyang pananim?
Bigyan siya ng komersiyal na abono
Turuan siyang gumawa ng abonong organiko
Sabihan siya na bumili ng komersiyal na pataba
Hayaan na lamang siya
Mabagal tumubo at payat ang mga halamang tanim na gulay ni Mang Ambo. Ano ang dapat niyang gawin sa kanyang mga pananim?
lagyan ng pataba
lagyan ng damo
lagyan ng buhangin
lagyan ng bakod
Mainam na gawing organikong pamatay peste ang nakatala sa ibaba maliban sa ________.
Siling labuyo
Sampaguita
Luyang dilaw
Oregano
Ang paggamit ng kemikal na pamatay peste sa pananim ay nagdudulot ng _________.
polusyon sa tubig
pagkasira ng lupang taniman
malubhang sakit sa tao
lahat nang nabanggit
Kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng pananim?
umaga
umaga o hapon
hapon
tanghaling tapat
Upang masugpo ang pamiminsala ng mga kulisap at insekto sa mga pananim, maaari itong ___________.
tanggalin sa pamamagitan ng kamay
budburan ang mga dahon ng pulbos ng tabako
bombahin ng organikong pamatay peste
lahat nang nabanggit
Ang “manure tea” ay ginagamit ding pampataba ng halaman. Ito’y isang uri ng likido na ___________.
gamot sa ubo
galing sa dumi ng hayop
iniinom tulad ng kape
galing sa mga halamang gamot
Mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng pananim upang _____________.
mabawasan ng mga ugat
makahinga ang mga ugat
dumami ang mga ugat
bumaluktot ang mga ugat
Paano maiiwasang mapinsala ng mga ligaw na hayop ang iyong pananim?
lagyan ng pataba
lagyan ng bakod
lagyan ng bubong
lagyan ng karatula
Upang maiwasang mapinsala ang mga ugat ng pananim, kailangang gumamit ng angkop na pambungkal na kasangkapan tulad ng _____________.
asarol
piko
trowel o dulos
pala
Ilang beses sa isang linggo dapat bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?
isa
dalawa
tatlo
apat
Sa pagdidilig ng halaman, dapat gumamit ng ________ na butas upang maiwasang mapinsala ang mga bulaklak o bunga ng pananim.
maliliit
malalaki
malalalim
malalapad
