NEW
Font size
WorksheetsSUBUKIN (HILIG)
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ito ay tumutukoy sa preperensya ng mga partikular na uri ng gawain
Talento
Kasanayan
a. Hilig
Ambisyon
Ang hilig kasama ng aptityud, potensyal at pangkalahatang karunungan ay
a. Nakatutulong sa mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng kasanayan
b. Nakapagbibigay kaalaman sa gagawing pagpili
c. Nakatutugon sa mga kakulangang pampaaralan
d. Nagpapasaya ng pakiramdam
Nararapat na magbunga ng kasiyahan ang mga gawain ng tao upang
a. Hindi siya mabagot
b. Magpatuloy siya sa kanyang ginagawa
c. Ituon niya ng buong husay ang paggawa sa isang bagay
d. Magkaroon ng kabuluhan at dahilan ang kanyang ginagawa
Mahalagang mabatid ang mga hilig dahil sa mga sumusunod na dahilan
MALIBAN sa
a. Gabay sa pagpili ng mga gawain
b. Batayan ng kasanayan, kakayahan at kahusayan
c. Makahanap ng malaking sweldo kahit di magiging masaya
d. Palatandaan sa uri ng trabaho na magbibigay kasiyahan at kaganapan bilang tao
Si Jose ay isang mahusay na manlalangoy nuong kabataan nya. Ngayon ay coach na siya ng kanyang tatlong anak na babae na atleta bilang manlalangoy sa Palarong Pambansa. Ang hilig ng mga anak ay
Minana
Galing sa kakayahan
Mula sa mga pagpapahalaga
Natutuhan mula sa karanasan
Mula elementarya hanggang ngayon na nasa ika-7 baitang ay masigasig at masayang tumutulong si Maria sa mga gawaing pampamayanan dahil inspirasyon niya ang mga dumaraming babaeng pulis kaya lalo siyang nahihikayat. Ang pagnanais niya na maging pulis ay
Minana
Galing sa kakayahan
Mula sa mga pagpapahalaga
Natutuhan mula sa karanasan
Ang kuya ni Paulo ay isang digital animator na work from home dahil sa pandemya. Dahil dito ay nagkakaroon siya ng pagkakataong makapagpaturo ng basic animations. Natutuwa siya sa kanyang mga natututunan at lalo siyang humusay sa paglikha ng mga digital arts. Ang hilig na ito ay
Minana
Galing sa kakayahan
Mula sa mga pagpapahalaga
Natutuhan mula sa karanasan
Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig MALIBAN sa
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Pagnilayan ang mga libangan at paboritong gawin
c. Siyasatin ang mga gawaing nakakapagpasigla ng pakiramdam
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng gawaing kinahihiligan?.
a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko o teknikalbokasyonal?
a. Magtutulak ito upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap
b. Makatutulong ito upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap
c. Makakatulong ito upang matiyak na maipapakita ang galing sa pag-aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto
d. Makatutulong ito upang mapili ng angkop na kursong pang- akademiko o teknikal-bokasyonal
