Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ekonomiks - Q1 - Aralin 4: Alokasyon

Total questions: 20

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North Korea

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag-aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na --------------.

a)

kakapusan

b)

alokasyon

c)

ekonomiks

d)

pamimigay

13.

Ang --------------------------------- ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.

a)

sistemang pang-ekonomiya

b)

sistemang pang-bansa

c)

sistemang pang-politika

d)

sistemang pang-sibiko

14.

Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang ---------------------------------------. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

15.

Sa--------------------------------, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

16.

Sa ------------------------, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

17.

Ang ---------------------------- ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

18.

Piliin ang mga tamang sagot:


Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang yaman, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko:

a)

Ano-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin?

b)

Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

c)

Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

d)

Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

e)

Kailan gagawin ang produkto at serbisyo?

19.

Piliin ang mga tamang sagot:


Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:

a)

Tradisyonal na Ekonomiya

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

e)

Local Economy

20.

Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig, Maliban sa isa.

a)

Lokal na Ekonomiya

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy