wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panlipunan at pampolitikang papel ng pamilya

Total questions: 12

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na laman ng plakards ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?

a)

Tutulan! Black sand mining sa Lingayen!

b)

Mahigpit pong ipinagbabawal ang panghuhuli at pagbebenta ng tuko sa bayang ito!

c)

Suportahan po natin ang proyektong pabahay ng Gawad Kalinga!

d)

Sahod itaas! Pasahe ibaba!

2.

Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?

a)

Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

b)

Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung anu-ano ang karapatan at tungkulin nito.

c)

Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitkal ng pamilya.

d)

Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.

3.

Ito ay isa sa mga papel ng pamilya na kung saan mahalaga itong papel na magampanan upang makatulong sa pagbuo ng matiwasay na lipunan.

a)

a. Papel na Panlipunan

b)

b. Papel sa Kapaligiran

c)

c. Papel Pampolitikal

d)

d. Wala sa nabanggit

4.

Ito ay mahalagang papel ng pamilya na kung saan sila ay may karapatang bumoto ng kandidatong nais nilang mamahala.

a)

a. Papel na Panlipunan

b)

b. Papel sa kapaligiran

c)

c. Papel Pampolitikal

d)

d. Wala sa nabanggit

5.

Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa isang pamilyang tumutulong sa ibang pamilya sa oras ng kanilang pangangailangan?

a)

Maawain

b)

bukas-palad

c)

mayaman

d)

pinagpala

6.

Ano ang tawag sa pagtulong nang walang bayad ng mga Pilipino sa mga kababayan nilang nangangailangan ng tulong?

a)

Bayanihan

b)

Alalayan

c)

Tulungan

d)

Damayan

7.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng panlipunang gampanin ng pamilya?

a)

Pag- aaksaya ng mga likas yaman

b)

pagbabantay sa mga Karapatan ng pamilya

c)

pagbubukas ng mga pintuan sa mga nangangailangan

d)

Pag-iimpok upang may madudukot sa pahanon ng kagipitan

8.

Bakit ang tao ay hindi maaaring mabuhay ng nag iisa sa lipunang kanyang ginagalawan?

a)

Dahil siya ay hindi mabubuhay ng walang kaibigan

b)

Hindi magiging ganap ang kanyang pagkatao

c)

Hindi niya makakamit ang kanyang mga mithiin

d)

Dahil siya ay panlipunang nilalang

9.

Ito ay isa sa mga papel ng pamilya na kung saan mahalaga itong papel na magampanan upang makatulong sa pagbuo ng matiwasay na lipunan.

a)

a. Papel na Panlipunan

b)

b. Papel sa Kapaligiran

c)

c. Papel Pampolitikal

d)

d. Wala sa nabanggit

10.

Ito ay mahalagang papel ng pamilya na kung saan sila ay may karapatang bumoto ng kandidatong nais nilang mamahala.

a)

a. Papel na Panlipunan

b)

b. Papel sa kapaligiran

c)

c. Papel Pampolitikal

d)

d. Wala sa nabanggit

11.

Ito ay papel ng pamilya na kung saan pinapangalagaan nila ang ating kalikasan.

a)

a. Papel na Panlipunan

b)

b. Papel sa Kapaligiran

c)

c. Papel Pampolitikal

d)

d. Lahat ng nabanggit

12.

Sa konsepto ng pagbibigayan unang nasisilayan ito dahil ang mga tao ay nagkakaisa sa lahat ng suliranin na kinakaharap nila.

a)

a. Pagmamahalan at pagbibigayan

b)

b. Tiyaga

c)

c. Pagbabayanihan

d)

d. Paggalang sa kinauukulan