wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAUNANG PAGTATAYA SA ESP 8

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Si Flor na nagpaalam sa kaniyang nanay na siya ay may gagawin na proyekto kasama ang ka-grupo sa EsP at nangako na uuwi bago ang alas-singko ng hapon. Ito ay nagpapakita ng?

a)

Pagiging maalalahanin

b)

Pagtupad sa itinakdang oras

c)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

d)

Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

2.

Ang kambal na sina Jennie at Jannie ay madalas na nagkakatampuhan sa paghihiraman ng kanilang kagamitan dahil si Jennie ay hindi nagiging maingat sa pagbabalik na mga gamit ni Jannie. Ano ang hindi naipakita na gawain ng paggalang ng magkapatid?

a)

Pagiging maalalahanin

b)

Pagtupad sa itinakdang oras

c)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

d)

Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

3.

Madalas ay sinosorpresa ni Simeon ang kaniyang ama at ina sa tuwing sasapit ang kanilang anibersaryo. Labis itong ikinatutuwa ng kaniyang magulang mula sa simpleng paraan na inihahanda niya. Ito ay nagpapakita ng?

a)

Pagiging maalalahanin

b)

Pagtupad sa itinakdang oras

c)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

d)

Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

4.

Sa tuwing makikipag-usap sa nakatatanda si Sofia ay hindi niya nalilimutan na gumamit ng magagalang na salita dahil ito ang turo at bilin ng kaniyang lolo at lola. Ito ay nagpapakita ng?

a)

Pagiging maalalahanin

b)

Pagtupad sa itinakdang oras

c)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

d)

Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

5.

Mas madalas ay sa tahanan naghuhunog ang kagandahang-asal ng anak, kaya nararapat na sa murang edad ay nababantayan ang mga kilos at gawi ng isang bata. Ang lahat ay may katotohanan maliban sa?

a)

Ang magulang ang gumagabay sa anak na may kalakip na pagmamahal tungo sa pakikipagkapwa

b)

Ang magulang ang aagapay sa anak na makilala ang halaga ng paggalang at pagsunod

c)

Ang magulang may malaking hamon na kailangan harapin sa pagpapalaki ng anak

d)

Ang magulang ang dapat na laging sisisihin sa anak na naligaw ng kaniyang landas

6.

Bilang isang kabataan, ikaw ay may tungkulin na makiisa at makisangkot sa mga gawaing panlipunan na may pusong marunong sumunod at gumalang. Ano ang katotohanan dito?

a)

Ang pagsunod at paggalang ay maaring magbunga sa lipunan ng kapayapaan, disiplina at mapabuti ang kapakanan ng bawat isa

b)

Ang pagsunod at paggalang ay ibibigay lamang sa piling taong nakakasama

c)

Ang pagsunod at paggalang ay may layuning pansariling interes lamang

d)

Ang pagsunod at paggalang ay tahanan lamang dapat ipakita

7.

Sila ang may kapangyarihang magpatupad ng batas, alituntunin na sinusunod ng mga mamayan. Sila din ang nagpapanatili ng pagkakaisa, pagtutulungan, kaayusan ng komunidad at nangunguna sa pagkamit ng kabutihang panlahat

a)

Kapitbahay

b)

Magulang

c)

Awtoridad

d)

Kaibigan

8.

Ang ating ginagawa ay may kaakibat na responsibilidad kaya nararapat na may limitasyon o pag-iingat upang makaiwas sa gawaing hindi mabuti.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Ang nakakasamang magulang, nakatatanda o may awtoridad, ay nagsisilbing gabay ng isang bata upang kumilos ng may pananagutan na may paggalang at pagsunod.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang pagwawasto sa maling gawain ng anak ay hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng buhay sa hinaharap.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Ang pamilya na may matibay na ugnayan at pundasyon ay nagpapahalaga sa paggalang at pagsunod.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Sa labas ng tahanan mas madalas nakikita at nagmumula ang mga gawain na may paggalang at pagsunod.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa ay isang magandang gawain na may kaugnayan sa paggalang at pagsunod.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ang may awtoridad ang nagpapanatili ng kapayapaan, pagtutulungan ng pagkakaisa sa komunidad na ginagalawan.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Lubos na kalugod-lugod ang isang kabataan na nagsasabuhay at kumikilala sa kaniyang magulang, nakatatanda at may awtoridad na nagpapasakop sa kanilang utos o bilin.

a)

TAMA

b)

MALI