wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahan: Mahabang Pagsusulit sa Filipino 9 WISDOM

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Mula sa akdang "Impeng Negro", ano ang hanap-buhay ni Impeng?

a)

Kargador

b)

Magbobote

c)

Agwador

d)

Lahat ng nabanggit

2.

Mula sa akdang "Impeng Negro" ,sino ang mapang-api at mapangutyang tauhan sa kwento?

a)

Mga agwador

b)

Ogor

c)

Impeng Negro

d)

Lahat ng nabanggit

3.

Ito ay bahagi ng banghay na kung saan nabigyang linaw na ang pangyayari sa akda.

a)

Kakalasan

b)

Wakas

c)

Saglit na Kasiglahan

d)

Panimula

4.

Ito ang nagsisilbing ganapan ng kwento. Anong Elemento ng Maikling Kwento ang binanggit?

a)

Talinhaga

b)

Tauhan

c)

Tema

d)

Tagpuan

5.

Siya naman ang itinuturing na "Ama ng Maikling Kwento".

a)

Deogracias Rosario

b)

Juan Miguel Severo

c)

Benjamin Pascual

d)

Rogelio Sikat

6.

"Bawal pala ang mangutya at mang-asar ng kapwa tao." Anong Elemento ng Maikling Kwento ang binanggit?

a)

Tema

b)

Paksa

c)

Aral

d)

Talinhaga

7.

Mula sa akdang “Ang Kalupi”, binatak ni Aling Marta si Andres. Ano ang ibig sabihin ng BINATAK?

a)

Hinila

b)

Pinagkumpol

c)

Pinagsama

d)

Hiniwalay

8.

“Nawawala ang aking kalupi, sigurado ako ang batang madungis ang kumuha” (Ang Kalupi) Ano ang ibig sabihin ng KALUPI?

a)

Bag

b)

Kwintas

c)

Pitaka

d)

Relo

9.

Mula sa akdang “Ang Kalupi”, hawak niya ang kaniyang maduming panyolito. Ano ang ibig sabihin ng PANYOLITO?

a)

Pantalon

b)

Damit

c)

Maliit na bangus

d)

Kapirasong tela

10.

Mula sa akdang “Ang Kalupi”, naglipahan ang mga tao sa palengke. Ano ang ibig sabihin ng NAGLIPAHAN?

a)

Nagsisigawan

b)

Nagsayawan

c)

Nagdatingan

d)

Nagkalat

11.

Mula sa akdang “Ang Kalupi”, saan napunta ang kalupi ni Aling Marta?

a)

Bata

b)

Nasa anak na magtatapos

c)

Naiwan sa bahay

d)

Lahat ng nabanggit

12.

Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat. Anong uri ito ng Elemento ng Maikling Kwento?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Pananaw

13.

Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda. Anong uri ito ng Elemento ng Maikling Kwento?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Pananaw

14.

Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari. Anong uri ito ng Elemento ng Maikling Kwento?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Pananaw

15.

Ito ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Sukat

b)

Saktong

c)

Tugma

d)

Kariktan

16.

Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Talinhaga

b)

Tema

c)

Kariktan

d)

Simbolismo

17.

Ito ay tumutukoy sa taludtod na magkasing-tunog. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Sukat

b)

Kariktan

c)

Saknong

d)

Tugma

18.

Ito ay isang sangkap ng tula kung saan ang mga salita ay may itinatagong kahulugan. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Simbolismo

b)

Talinhaga

c)

Kariktan

d)

Tema

19.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig o syllalbe ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Kariktan

d)

Saknong

20.

Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.

a)

Nobela

b)

Maikling Kwento

c)

Tula

d)

Sanaysay

21.

Kailangang magtaglay ng maririkit o magagandang salita ang isang tula upang mapukaw ang damdamin at kaisipan ng mga mambabasa. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Simbolismo

b)

Kariktan

c)

Tema

d)

Talinhaga

22.

Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa.

a)

Sulating Di-pormal o Impormal

b)

Sulating Pormal o Maanyo

c)

Liham

d)

Pagsulat ng Balita

23.

Ito ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda.

a)

Sulating Di-pormal o Impormal

b)

Sulating Pormal o Maanyo

c)

Liham

d)

Pagsulat ng Balita

24.

Kung ikaw si Impeng, gagawin mo rin ba ang ginawa niya kay Ogor? (Impeng Negro)

a)

Hindi, dahil masama ang makipag-away.

b)

Oo, para malaman niyang mali na ang kaniyang ginagawa. Hindi naman masama ang lumaban minsan lalo na kapag inaapakan ka na nang sobra.

c)

Oo, para makabawi ako sa kanya.

d)

Hindi, dahil lahat naman nadaanan sa magandang usapan. Hindi ko na lamang siya papansinin kahit pa saktan niya ako.

25.

Mula sa akdang "Impeng Negro", makatwiran ba ang ginagawa ni Ogor?

a)

Oo, dahil totoo naman na maitim si Impeng

b)

Oo, upang patuloy na katakutan siya ng mga tao

c)

Hindi, dahil dapat hindi nakikialam si Ogor sa buhay ni Impeng

d)

Hindi, dahil masama ang mangutya ng kapwa tao ano man ang katayuan nito sa buhay. Walang karapan si Ogor para saktan at kutyain ang buong pamilya ni Impeng

26.

Nagtatanong kay Luisa kung nasaan si Joy. Alin sa mga sumusunod ang sinasabi ng pahayag?

a)

Nasaan si/ Joy Luisa?

b)

Nasaan / si Joy / Luisa!

c)

Nasaan si Joy Luisa?

d)

Nasaan si Joy/Luisa

27.

“Ako ang kumuha ng pera” Alin sa mga sumusunod ang sinasabi ng pahayag?

a)

Hindi/ ako ang kumuha ng pera ni Tatay//

b)

Hindi ako ang kumuha ng pera ni Tatay//

c)

Hindi ako ang kumuha/ ng pera ni Tatay//

d)

Wala sa nabanggit

28.

“Hindi siya ang kumuha ng pera” Alin sa mga sumusunod ang sinasabi ng pahayag?

a)

Hindi/ ako ang kumuha ng pera ni Tatay//

b)

Hindi ako ang kumuha ng pera ni Tatay//

c)

Hindi ako ang kumuha/ ng pera ni Tatay//

d)

Wala sa nabanggit

29.

“Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.” Suriin at piliin ang wastong kasagutan.

a)

Tito Juan Anton ang pangalan niya//

b)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya//

c)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//

d)

Tito/ Juan /Anton ang pangalan niya//

30.

“Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan Anton” Suriin at piliin ang wastong kasagutan.

a)

Tito Juan Anton ang pangalan niya//

b)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya//

c)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//

d)

Tito /Juan /Anton ang pangalan niya//

31.

“Ipinakikilala sina Tito at Juan kay Anton” Suriin at piliin ang wastong kasagutan.

a)

Tito Juan Anton ang pangalan niya//

b)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya//

c)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//

d)

Tito /Juan /Anton ang pangalan niya

32.

Ano sa tingin mong mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita isang tao?

a)

Mas maganda ang pagsasalita

b)

Magiging mas malinaw ang pagsasalita

c)

Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig

d)

Walang ideya

33.

Tama ba ang ginawa ni Aling Marta na pinilipit ang kamay ng bata? (Ang Kalupi)

a)

Hindi, mali ang manakit kapag walang ebidensyang nakita.

b)

Hindi, may ebidensya man o wala, walang karapatan si Aling Marta na manakit ng iba. Dapat lahat ay dumadaan sa proseso.

c)

Oo, dahil ito ay magnanakaw.

d)

Oo, upang makita ng iba at hindi pamarisan.

34.

Kung ikaw 'yong pulis, iiwan mo ba ang batang pinagbintangan sa kamay ni Aling Marta? (Ang Kalupi)

a)

Hindi, dahil nakikita kong sinasaktan ni Aling Marta ang bata.

b)

Hindi, dahil dadalhin ko na lamang sila sa malapit na prisinto.

c)

Hindi, dahil madami ang maaaring mangyari kapag iniwan ko silang dalawa.

d)

Lahat ng nabanggit

35.

Sa harap ng hardin na nababakuran ng mataas na pader. Ano ang tinutukoy na elemento ng nobela?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Pananaw

d)

Banghay

36.

TIMBANGAN PARA SA BAWAT MAMAYAN. Ano ang sinisimbolo ng pahayag?

a)

Kilohan ng karne

b)

Tamang timbang ng mga pinamimili

c)

Tama, wasto at pantay na pagtingin sa lahat ng mamamayan

d)

Wala sa nabanggit

37.

Suriin mula sa pahayag ang trabaho/ginagawa ng isang director mula sa Elemento ng Dula.

a)

“Dagdagan pa ng emosyon, umiyak ka nang may kasamang hikbi, linawan ang pagbigkas sa mga linya”

b)

“Ako na po ang magbubuhat sa inyong mga damit”

c)

“Sa twing magsasara ang tabing, kukunin ko na ang mga ginamit sa bawat tagpo.”

d)

Lahat ng nabanggit

38.

Suriin mula sa pahayag ang trabaho/ginagawa ng isang aktres/aktor mula sa Elemento ng Dula.

a)

“Wow! Nakakaiyak ang pangayayari sa bawat tagpo. Habang binibitawan ang mga linya lalo akong nadadala sa husay ng pagkaka-arte”

b)

“Damang-dama ako ang kasiyahan dahil sa mga salita na binigkas”

c)

“Ikaw! Hampas lupa, wala kang magawang matino sa buhay!”

d)

Lahat ng nabanggit

39.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (BU:hay)

I. Ang buhay ko ay hindi natatapos dito.

II. Buhay pa ang aking pinakamamahal na lolo.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

40.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (bu:HAY)

I. Ang buhay ko ay hindi natatapos dito.

II. Buhay pa ang aking pinakamamahal na lolo.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

41.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (LA:bi)

I. Ang kaniyang labi ay mapula-pula.

II. Ang labi ng patay ay dadalhin sa Isabela.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

42.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (la:BI)

I. Ang kaniyang labi ay mapula-pula.

II. Ang labi ng patay ay dadalhin sa Isabela.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

43.

Ano ang pundo de vista ng sanaysay na pinamatagatang “Sapatos ni Aris Natividad”?

a)

Hindi matutumabasan nang kahit anong materyal na bagay ang pagmamahal ng isang ina.

b)

Huwag maging makasarili, matutong umunawa sa sitwasyon ng bawat isa.

c)

Iparamdam at ipakita sa magulang ang pagmamahal habang kapiling pa natin sila.

d)

Lahat ng nabanggit

44.

Ano ang aral na nakuha mo sa akdang “Sapatos ni Aris Natividad”?

a)

Matutong magpahalaga kahit sa maliit na bagay

b)

Ipakita at iparamdam sa magulang ang pagmamahal

c)

Magbigay ng respeto sa magulang

d)

Lahat ng nabanggit

45.

Tama bang magselos tayo sa ating kapatid? (Sapatos ni Aris Natividad)

a)

Oo, lalo na kung may pinapanigan talaga.

b)

Oo, dahil dapat pantay ang pagtrato.

c)

Hindi, wala rin namang mangyayari.

d)

Hindi, dahil magkapatid kayo kailangan mag-unawaan kayo.

46.

Kung ikaw si Bryan sa sanaysay na “Ang Sapatos” gagawin mo rin ba ang ginawa niya?

a)

Oo, upang malaman ni inay na mali siya.

b)

Oo, upang malaman ni inay na kaya ko rin bumili ng sarili kong gamit.

c)

Hindi, di ko nalang sila papansinin at kakausapin ni ate.

d)

Hindi, dahil mali ang sumbatan at sagutin ang magulang dapat nirerespeto sila.

47.

Mula sa akdang Sa Pula, Sa Puti, tama ba ang ginawang pag-uutos kay Teban na pagtataya ng palihim ni Celing sa kalaban ng kanyang asawa?

a)

Oo, upang hindi maubos ang kanilang yaman.

b)

Oo, upang magulangan din ni Celing ang kanyang asawa.

c)

Hindi, dahil masama ang magsugal.

d)

Hindi, dapat kinausap nalang ni Celing ang asawa at hindi na ito muli pang binigyan ng pangtaya ng kanyang asawa.

48.

Mula sa akdang Sa Pula, Sa Puti, maituturing bang pagsusugal ang pagsasabong?

a)

Hindi, ito ay isang libangan lamang.

b)

Hindi, ito ay pampalipas oras sa mga taong naiinip sa buhay.

c)

Oo, dahil tumataya ang maraming tao.

d)

Oo, dahil madami nang pera ang natalo dahil sa bisyong pagsasabong.

49.

Ano ang suliranin sa akdang “Titser” ni Liwayway Arceo?

a)

Hindi sang-ayon si Aling Rosa sa kurso na kinuha ni Amelita dahil ito raw ay mababang kurso lamang at maliit ang sweldo.

b)

Hindi rin sang-ayon si Aling Rosa kay Mauro dahil si Mauro ay isa lang din daw na tagapagturo.

c)

Nais ipakasal ni Aling Rosa si Amelita sa isang mayaman sa si Osmundo.

d)

Lahat ng nabanggit

50.

Kung ikaw si Amelita, aalagaan mo pa rin ba ang iyong ina kahit na hindi maganda ang pagtrato niya sa iyo sa mahabang panahon? (Titser ni Liwayway Arceo)

a)

Oo, dahil kawawa naman siya.

b)

Oo, dahil wala ko sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila na magulang ko.

c)

Hindi, dahil wala siyang ginawang maganda sa aking sariling binuong pamilya.

d)

Hindi, upang maranasan din niya ang lahat ng sakit na ipinaranas niya sa akin.