wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsasanay para sa Bahagi ng Pangungusap

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang payak na simuno sa pangungusap?


Ang mga malalakas na bagyo ay sunud-sunod na nanalanta sa Pilipinas.

4 lines
2.

Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Nasira ang bubong ng isang simbahan sa Bicol dahil sa lakas ng hangin ng bagyong Rolly.

4 lines
3.

Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Si Bb. Tungal ay nanguna sa panghihikayat sa mga guro na magbigay ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.

4 lines
4.

Alin ang payak na panaguri sa pangungusap?


Patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa mga Pilipino.

4 lines
5.

Alin ang buong panaguri sa pangungusap?


Ang mga Pilipino ay nagsisikap na makayanan ang hirap na dala ng COVID-19 at mga kalamidad.

4 lines
6.

Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Kailangang magkaroon ng disiplina ang bawat mag-aaral para maging matagumpay sa Remote Learning.

4 lines
7.

Alin ang payak na simuno sa pangungusap?


Bagong karanasan para sa mga mag-aaral ang Remote Learning.

4 lines
8.

Alin ang payak na simuno sa pangungusap?


Matiyagang nag-aaral ang mga bata.

4 lines
9.

Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Ang pagkakaroon ng schedule o listahan ay makakatulong para matapos ang mga aralin.

4 lines
10.

Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Nagtutulungan ang mga mag-aaral at mga guro para mapadali ang mga gawain para sa Remote Learning.

4 lines
11.

Alin ang payak na panaguri sa pangungusap?


Ang mga batang babae ay kailangang matuto ng mga gawaing-bahay.

4 lines
12.

Alin ang buong panaguri sa pangungusap?


Ang pag-aalaga ng mga hayop ay nakatutulong upang maging responsable ang isang bata.

4 lines
13.

Alin ang payak na simuno sa pangungusap?


Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin.

4 lines
14.

Alin ang payak na panaguri sa pangungusap?


Tumutulong ako sa mga gawaing-bahay.

4 lines
15.

Alin ang buong panaguri sa pangungusap?


Inaayos ko ang aking kama pagkagising sa umaga.

4 lines