WorksheetsESP Q1 Week 2
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
1. Ang pagbibigay ng tamang desisyon para sa pangyayari sa buhay ng tao ay nagdudulot ng ________.
A. Hindi pagtulong sa pag-unlad ng buhay.
B. Magandang bunga upang ang isang tao ay maging produktibo.
C. Hindi kailangan ng desisyon sa mga bagay na gagawin.
D. Wala sa nabanggit.
2. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinag-aral siya ng pamahalaan bilang iskolar hanggang sa maging doctor. Sa mismong araw ng kanyang pagtatapos ay mayroon na agad umalok sa kanya ng trabaho sa ibang bansa. Ano ang dapat gawin ni Nicholas?
A. Tanggapin agad ang alok na magtrabaho sa dayuhang bansa dahil mas malaki ang kita doon.
B. Magalang na tanggihan ang alok na trabaho at sa sariling bansa maglingkod upang makatulong sa mga kababayan.
C. Sikretong tanggapin ang inaalok na trabaho.
D. Sabihang magtatrabaho muna siya sa sariling bansa ng ilang taon at saka lilipat ng trabaho sa ibang bansa.
3. Ang pasya na dapat gawin ay para sa kabutihang_________.
A. pansarili
B. pangmarami
C. para sa mga lider
D. para sa hindi miyembro ng pangkat
4. Naipapakita ang pakikipagtulungan sa _________.
A. hindi paggawa sa napagkasunduan
B. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
C. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob sa ibang miyembro ng pangkat.
D. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kanyang isip kahit hindi sang- ayon ang iba pang miyembro.
5. Sa paggawa ng mga pasya, dapat _______.
A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang miyembro na magpasiya para sa lahat
D. nagpapakita ng pangkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasya
6. Sa pagbuo ng pasya, kailangan mong ______.
A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang iyong opinyon
C. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananaw.
7. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa contest ay lumiban dahil may sakit ito. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Tanggapin ito nang buong puso at galingan sa paligsahan
B. Tanggihan ang paligsahan dahil hindi ka sigurado kung mananalo ka.
C. Puntahan ang lumiban na kaklase at piliting pumunta sa paligsahan.
D. Ipagmayabang sa kaklaseng pinalitan na ikaw ang sasali sa paligsahan.
8. Magkakaroon ng eleksyon ng Supreme Pupil Government o SPG sa inyong paaralan. Nagkataong magkalaban sa pagka-pangulo ang iyong matalik na kaibigan at pinsan. Ano ang gagawin mo?
A. Susuportahan ang matalik na kaibigan dahil nangako kayong walang iwanan
B. Susuportahan ang pinsan dahil siya ay kapamilya mo.
C. Susuriin kung sino ang mas may kakayanan mamuno at iyon ang iboboto.
D. Wala kang iboboto sa pagka-pangulo.
9. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kanyang mga magulang. Alin ang dapat gawin ni Luisa?
A. Gusto na lang ni Luisa na mag-asawa para lang siya makaaalis sa puder ng mga magulang.
B. Magrerebelde si Luisa upang ipakita ang galit sa mga magulang
C. Makinig sa magulang at aayusin ang pag-aaral dahil ito ang mas nakabubuti para kanya.
D. Maglayas at sumama sa mga barkada na nagpapasaya sa kanya.
10.May fieldtrip ang paaralan niyo at gusto mong sumama subalit ang perang pambayad sa field trip ay biglang nagamit ng nanay mo pambili ng gamot sa bunsong kapatid mo na nagkasakit. Ano ang gagawin mo?
A. Magagalit sa nanay mo.
B. Mangungutang ng pambayad
C. Sasama na lamang sa susunod dahil mas mahalaga ang gamot upang gumaling sa sakit ang bunso ninyo.
D. Magagalit sa bunsong kapatid dahil siya ang dahilan ng hindi mo pagsama sa fieldtrip.
