Font size
WorksheetsUNANG MAHABANG PAGSUSULIT FIL 6
Total questions: 31
Worksheet time: 30mins
Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
(a)
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
(a)
Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
(a)
Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
(a)
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Kariktan
Talinhaga
Tugma
Indayog
Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
Kariktan
Talinhaga
Tugma
Indayog
Anong uri ng tula na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
Tulang Liriko
Tulang Pasalaysay
Anong uri ng tula ang may balangkas at maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari karaniwang hindi madrama.
Tulang Liriko
Tulang Pasalaysay
Ito ay Uri ng tayutay na naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, at pangyayari; ginagamitan ito ng mga salitang tulad, wangis, wari, at iba pa.
(a)
Ito ay Uri ng tayutay na pagbibigay katauhan ay pagsasalin ng mga katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
(a)
Ito ay Uri ng tayutay na tiyakan o tuwirang paghahambing na hindi na gumagamit ng mga salitang tulad, wangis, wari at iba pa.
(a)
Ito ay Uri ng tayutay na nagpapakita ng lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari; ginagamit upang ipakita ang sukdulang pangyayari.
(a)
Ito ay Uri ng tayutay na pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ito'y buhay na tao o di kaya ay sa isang tao gayong wala naman .
(a)
Ito ang nagbibigay proteksyon sa aklat.
(a)
Makikita rito ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag, at ang lugar kung saan ito inilimbag ang aklat.
(a)
Ito ang pahinang kasunod ng pabalat na nagtataglay ng parehong impormasyong nagtataglay ng parehong impormasyong nakatala sa pamagat.
(a)
Ito ay nagtataglay ng mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa kaugnay ng aklat.
(a)
Ito ang listahan ng mga nilalaman o paksang tatalakayin sa aklat.
(a)
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat.
(a)
Dito nakatala ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito. Nakaayos ang mga ito ng paalpabeto.
(a)
Talaan ng mga paksang nakaayos nang paalpabeto at pahina kung saan ito matatagpuan.
(a)
Ito ay salitang nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
(a)
Ito ay Uri ng pang-uri na naglalarawan at nagsasaad ng hugis, kulay, anyo at katangian.
(a)
Ito ay Uri ng Pang-uri na nagsasaad ng tiyak o di-tiyak na bilang
(a)
Ito ay Uri ng Pang-uri na binubuo ng pangngalang pambalana at pangngalang pantanging ang huli ay naglalarawan sa una. Ang pangngalang pantangi ay tumuturing sa pangngalang pambalana.
(a)
Ito ay Uri ng Pamilang na nagpapakita ng mga likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang.
(a)
Ito ay Uri ng Pamilang na nagsasaad ng ayos ng pagkakasunud- sunod ng mga bagay o bilang.
(a)
Ito ay Uri ng Pamilang na ginagamit sa pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati sa kabuuan.
(a)
Ito ay Uri ng Pamilang na nangangahulugang minsanan, maramihan, at langkay-langkay ang bilang.
(a)
Ito ay Uri ng Pamilang na nagsasaad ng tiyak na bilang, hindi mababawasan, o madaragdagan man, eksakto ang bilang nito.
(a)
Ito ay Uri ng Pamilang na nagsasaad ng halaga ng bagay na binibili,binili, o bibilhin.
(a)
