Font size
WorksheetsPARALLEL TEST -FILIPINO 8
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
1. Aling pangungusap ang gumagamit ng konotasyon?
a. Maraming aso na nakakulong sa kulungan nila John.
b. Ang aming kumunidad ay puno ng aso’t pusa na nakikipag-agawan sa ibibigay na relip ng gobyerno.
c. Ang tatamis ng pinitas na prutas ni Aling Fe sa kanilang bakuran.
2. Aling pangungusap ang wastong gumamit ng idyomang “basang sisiw”?
a. Basang sisiw ang naging hitsura namin sa pagsasabuhay sa kuwentong “ Ang Uwak at Inahin”.
b. May mga basang sisiw si John dahil sa nabutas ang yero ng kanilang bahay.
c. Matapos gawin ang pagtatanim ng mga palay ang mga mamamayan ay tila baga basang sisiw.
3. Aling pangungusap ang gumagamit ng denotasyon?
a. Si Mike ay aklat ng aming klase.
b. Marami kang matatagpuan na aklat sa aming silid-aklatan.
c. Ang mga anak ni Manong ay tila baga mga bulaklak.
4. Aling pangungusap ang gumagamit ng aspektong perpektibo o naganap na?
a. Ang ina ay lumilikha ng saranggola para sa anak.
b. Ang ama ng bata ay lumikha ng saranggola.
a. Kalilikha lang ng saranggola ng ama para sa bata.
5. Aling pangungusap ang gumagamit ng aspektong kontemplatibo o magaganap pa?
a. Si Aling Fe ay nag-aalaga ng kambing
b. Ang kambing na binili ni Aling Fe ay kanyang inaalagaan.
c. Pumunta si Aling Fe sa bukid sapagkat mag-aalaga siya ng kanyang kambing.
6. Aling pangungusap ang gumagamit ng aspektong imperpektibo o nagaganap ?
a. Sinasabi ko sa iyo na mag-aral ka nang mabuti.
b. Sasabihin ko sana sa iyo na mag-aral ka nang mabuti.
c. Sinabi ko na sa iyo na mag-aral ka nang mabuti, di ba?
7. Ito ang tawag sa pag-iisang tunog ng huling pantig sa bawat taludtod ng tula.
tugma
sukat
taludtod
8. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
daloy
balangkas
banghay
Siya ang namamagitan sa dalawang panig sa pagsasagawa ng balagtasan.
lakambini
makata
lakandiwa
10. Ito ang problema na kinakaharap ng tauhan sa kuwento.
suliranin
solusyon
tunggalian
11. Ito ang usapan ng mga tauhan na nagbibigay ng higit na buhay sa kuwento.
Usapan
Salitaan
Kariktan
12. Ito ang panig na nagtatalo o nagpapahayag ng katwiran at ideya sa balagtasan.
lakandiwa
manonood
makata
13. Ito ang pinakamaaksyon at pinakamataas ng uri ng pananabik sa kuwento.
kakalasan
talinhaga
kasukdulan
14. Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa tindi o antas ng kahulugan.
denotasyon
konotasyoon
clining
idyoma
15. Ito ay uri ng panitikan na naglalahad ng sariling opinion,saloobin o kuro-kuro tungkol sa isang paksa.
maikling kuwento
sanaysay
salaysay
balagtasan
16. Ano ang imperpektibo ng salitang-ugat na LARO at unlaping NAG-?
naglaro
lalaro
maglalaro
naglalaro
17. Ano ang kontemplatibo ng salitang-ugat na KAIN at unlaping IN-
kainin
kakain
kinakain
kinain
18. Ano ang perpektibo ng salitang-ugat na UPO at gitlaping -UM- ?
umuupo
umupo
uupo
uupuan
19. Ano ang kontemplatibo ng salitang ugat na LIMOT at hulaping -IN?
limutin
lilimot
lilimutin
nilimot
20. Anong uri ng panitikan ang " Saranggola" na isinulat ni Efren R. Abueg?
sanaysay
balagtasan
maikling kuwento
kuwento
