wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test in AP (1st Quarter)

Total questions: 30

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

a)

Arkeolohiya

b)

Antropolohiya

c)

Heograpiya

d)

Kasaysayan

2.

Ito ang teoryang isinulong ni Alfred Wegener, isang German, tungkol sa pagkakaroon ng mga kontinente sa daigdig.

a)

Big Bang Theory

b)

Continental Drift Theory

c)

Nebular Theory

d)

Planetesimal Theory

3.

Alin sa mga sumusunod na salaysay ang suliraning maaaring idulot ng maraming wika sa isang bansa?

a)

Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya

b)

Maramimg sigalot sa mga bansa

c)

May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan

d)

Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa

4.

Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, kultura at pangkat-etniko.

a)

Topograpiya

b)

Heograpiyang Pantao

c)

Sikolohiya

d)

Antropolohiya

5.

Hango sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.”

a)

Pilosopiya

b)

Wika

c)

Kultura

d)

Relihiyon

6.

Saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?

a)

Kapatagan

b)

Kabundukan

c)

Lambak-ilog

d)

Disyerto

7.

Sa panahong ito ay nagsimulang paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na mga bagay.

a)

Panahong Paleolitiko

b)

Panahong Neolitiko

c)

Panahong Metal

d)

Prehistoriko

8.

Ano sa panahon ng kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamahabang yugto ng sangkatauhan?

a)

Mesolitiko

b)

Panahong Metal

c)

Panahong Paleolitiko

d)

Panahong Neolitiko

9.

Ano ang tanyag na hardin sa Babylonia ang ipinagawa ni Haring Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawang si Reyna Amethyst?

a)

Alexandria

b)

Hanging Gardens of Babylon

c)

Pyramid

d)

Ziggurat

10.

Suriin at piliin sa mga sumusunod na salaysay ang pinakamahalagang pangyayari sa Panahong Neolitiko.

a)

Pagpapangkat ng mga tao

b)

Pagpipinta sa kuweba

c)

Rebolusyong agrikultural o pagsasaka

d)

Paggawa ng kagamitang yari sa makikinis na bato

11.

Ang gusali o istruktura na nagsilbing tahanan at templo ng mga patron sa Kabihasnang Mesopotamia.

a)

Alexandria

b)

Hanging Gardens of Babylon

c)

Pyramid

d)

Ziggurat

12.

Paano pinahahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?

a)

Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.

b)

Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang ambag.

c)

Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.

d)

Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

13.

Ito ang itinuturing na kaluluwa ng kultura.

a)

Wika

b)

Relihiyon

c)

Pilosopiya

d)

Rehiyon

14.

Ano sa mga sumusunod na pamilya ng wika ang may pinakamaraming taong gumagamit?

a)

Afro-Asiatic

b)

Indo-European

c)

Austronesian

d)

Niger-Congo

15.

Suriin ang dayagram sa itaas at sagutin kung ano ang relihiyong may pinakamataas na bahagdan ng tagasunod?

a)

Islam

b)

Hinduismo

c)

Kristiyanismo

d)

Budismo

16.

Ang mga sumusunod ay mga pamana ng Kabihasnang Mesopotamia, maliban sa:

a)

Ziggurat

b)

Code of Hammurabi

c)

Cuneiform

d)

Calligraphy

17.

Kinilala siya bilang pinakamahusay na babaeng pinuno sa kasaysayan ng sinaunang Kabihasnang Ehipto.

a)

Gabriela

b)

Cleopatra

c)

Hatshepsut

d)

Princess Diana

18.

Ito ang pinakamahalagang ilog sa Ehipto.

a)

Ilog Huang Ho

b)

Ilog ng Cagayan

c)

Ilog Nile

d)

Ilog ng Tigris at Euphrates

19.

Bakit mahalaga ang mummification sa kultura ng sinaunang kabihasnan ng Egypt?

a)

Naniniwala ang mga taga-Ehipto sa muling pagkabuhay ng kanilang mga yumao

b)

Nagsisilbi itong palamuti sa mga museo

c)

Pagbibigay ng alaala sa kanilang mga mahal sa buhay

d)

Pagdakila sa kanilang mga pinuno

20.

Nabibilang sa kabihasnang ito ang pamumuno ng pharaoh at pagtatayo ng mga piramide.

a)

Kabihasnang Mesopotamia

b)

Kabihasnang Indus

c)

Kabihasnang Tsino

d)

Kabihasnang Egyptian

21.

Sa kabihasnang ito umusbong ang mga natatanging dinastiya sa daigdig gaya ng Dinastiyang Xia at Chou.

a)

Kabihasnang Mesopotamia

b)

Kabihasnang Indus

c)

Kabihasnang Tsino

d)

Kabihasnang Egyptian

22.

Dito matatagpuan ang malalaking tangway tulad ng Italy.

a)

Asia

b)

Europe

c)

Africa

d)

North America

23.

Kung ang Great Wall ay nagmula sa China, ang Ziggurat naman ay nagmula sa __________.

a)

Indus

b)

Mesopotamia

c)

Egypt

d)

Mesoamerica

24.

Aling kontinente sa daigdig ang hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahagi ng Ekwador hanggang sa Cape Horn sa katimugan?

a)

Asia

b)

Europe

c)

Antarctica

d)

South America

25.

Kumpletuhin ang salaysay:

Ang kultura at pamumuhay ng tao ay __________.

a)

naaapektuhan ng mga pagbabago sa kasaysayan

b)

naaapektuhan ng mga artifacts

c)

hindi nagbabago sa paglipas ng panahon

d)

nagkakapareho sa buong mundo

26.

Paano nakatulong sa pamumuhay ng mga sinaunang tao ang taunang pagbaha ng mga ilog?

a)

Ang mga banlik o silt na naiwan ay nagsisilbing pataba sa mga lupa

b)

Maraming namatay sa taunang pagbaha nito

c)

Nasisira ang mga pananim dulot ng malaking pagbaha

d)

Nagsilbing daungan ng mga taong mananalakay

27.

Paano nakilala bilang maunlad na kabihasnan ang kambal na lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa sa Kabihasnang Indus?

a)

Ito ang kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning

b)

Nakilala sa paghuhula gamit ang oracle bone

c)

Matataas na Ziggurat

d)

Pagtatayo ng Great Wall bilang tanggulan laban sa kaaway

28.

Ang sistema ng pagsusulat ng Kabihasnang Egyptian.

a)

Cuneiform

b)

Calligraphy

c)

Hieroglyphics

d)

Oracle Bone

29.

Paano napakinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultural na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong Neolitiko?

a)

Agrikultura ang isa sa pangunahing ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.

b)

Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.

c)

Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong taong mag-alaga ng mga hayop.

30.

Ito ang tawag sa mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt.

a)

Scribe

b)

Pharaoh

c)

Egyptologist

d)

Historian