NEW
Font size
WorksheetsParallel Test- Filipino 7
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
Ito ang awit na patungkol sa patay ng mga Ilokano.
a. dalit
b. dung-aw
c. maluway
d. sambotani
Ito ang awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya.
a. kundiman
b. maluway
c. sambotina
d. balitaw
Ito ang awit na panrelihiyon o himno ng pagdakila sa Maykapal.
a. dalit
b. dung-aw
c. maluway
d. sambotani
Ito ang uri ng awit sa paggagaod o pamamangka.
a. dalit
b. dung-aw
c. maluway
d. talindaw
Ito ang awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Tagalog.
a. kundiman
b. maluway
c. sambotina
d. balitaw
Ito ay tinatawag na kantahing-bayan at uri ng sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa man dumating ang mga Espanyol.
a. awitin
b. awiting-bayan
. c. kanta
d. oyayi
Ito ay ginamit ng ating mga ninuno noon hanggang ngayon na mas kilala sa tawag na orasyon.
a. dasal
b. ritwal
c. bulong
d.awiting-bayan
Ito ang paraan na ginamit ng mga ninuno natin upang maipalaganap ang mga awiting-bayan at bulong.
a. pasulat
b.pakanta
c.pasalindila
d. pagkukuwento
Ito ay patungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at isa sa uri ng panitikan.
epiko
maikling kuwento
alamat
sanaysay
Ito ang naging bunga at katawagan sa mga dalagang sumuway sa utos ng kanilang ama.
Isla de los Siete Pecados
Isla la Siete de Pecados
Isla la Siete de la Pecados
Aling pangungusap ang gumagamit ng pahambing na palamang?
a. Si Jane at Mike ay magsinggaling sa larong basketball.
b. Si Zhanny ay aking pinsan at siya ay higit na maganda kaysa kay Lee na aking kapatid.
c. Si Alex ay ang gwapo kaysa sa iba.
Aling pangungusap ang wastong gumagamit ng pahambing na pasahol?
a. Ang bagyong Siony ay di masyadong malakas.
b. Ang bagyong Rolly ay di hamak na malakas sa bagyong Siony at Ulysses.
c. Ang bagyong Siony ay di masyadong malakas kung ikokompara sa bagyong Yolanda.
Ito ay uri ng panitikan na isang maikling salaysay na hinggil sa isang mahalagang pangyayari .
a. epiko
b. alamat
c. pabula
d. maikling kuwento
Ito ay isa sa uri ng maikling kuwento na patungkol sa kapana-panabik na pangyayari.
a. kuwentong ng pakikipagsapalaran
b.kuwento ng kababalaghan
c. kuwento ng tauhan
d. kuwento ng talino
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI ang pagkakagamit ng pahambing na pasukdol?
a. Ang hangin ay sakdal dilag.
b. Pinakamatalino sa Uly sa buong klase ng seksyon namin.
c. Si Lee ay hari ng sablay sa lahat ng kanyang ginagawa.
d. Ang ubas ay ubod ng sarap kung ikokompara mo sa mansanas at saging.
Sa anong kaantasan ng pang-uri ang salitang " Sintatag"?
lantay
palamang
pasukdol
patulad
Sa anong kaantasan ng pang-uri ang salitang " di gaanong mahaba "?
lantay
palamang
pasahol
patulad
Sa anong kaantasan ng pang-uri ang salitang " makukulay" ?
lantay
patulad
pasahol
palamang
1. "Mas mahirap ang taong walang pangarap kaysa sa taong mayroon.”
Ang naka-bold na salita sa pangungusap ay nasa anong kaantasan ng pang-uri?
pasahol
palamang
pasukdol
patulad
Anong uri ng panitikan ang "Si Pinkaw" na isinulat ni Isabel S. Sobrevega?
alamat
epiko
maikling kuwento
sanaysay
