WorksheetsAralin 5: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari at Retorikal na
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Sa kabila ng nangyari ay naisip ni Aling Marta ang asawa at anak na naghihintay sa kanya sa pananghalian kaya ipinagpatuloy niya ang pamimili. Ang pangyayari ito sa kuwento ay nasa bahaging________.
tunggalian
kasukdulan
tagpuan
kakalasan
Espesyal para kay Aling Marta ang araw na ito sapagkat hindi biro ang makapagpatapos ng anak sa pag-aaral. Ang ganitong pangyayari ay matatagpuan sa bahaging ______________.
suliranin
simula
kasukdulan
katawan
Ang pangyayaring angkop na maging wakas ng kuwento ay ___________.
Pagkawala ng kalupi ni Aling Marta sa palengke.
Nalimutan ng asawa ni Aling Marta na ibalik ang kanyang kalupi sa bulsa kaya niya ito naiwan.
Hindi maipaliwanag ni Aling Marta ang kanyang madarama nang matuklasan ang totoon nangyari
Patuloy na pagtanggi ng bata na wala siyang kinuhang kalupi.
Ang pangyayari na tumutugon sa suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa kuwento ay __________.
Pagkawala ng kalupi ni Aling Marta sa palengke.
Pangungutang ni Aling Marta para makapamili.
Pagdadala sa bata sa istasyon ng pulis dahilan sa pagnanakaw.
Pagbibintang ng pagkuha ng kalupi.
Ang bata ay nakasuot ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Ang ganitong pangyayari ay makikita sa bahaging _______.
simula
tunggalian
katawan
kasukdulan
Ang sumusunod ay nilalaman ng panimula maliban sa ___________.
pagpapakilala sa tauhan
pagtukoy sa lugar o tagpuan
paglalahad ng suliranin
pakikipagtunggali ng tauhan sa kanyang suliranin
“Kahit kapkapan pa ninyo ang aking bulsa ay wala kayong makikita,” ang wika ng bata bago tuluyang mawalan ng hininga. Ang pangyayaring ito ay nasa bahagi ng __________.
pook
tagpuan
kasukdulan
banghay
Ang panimulang pangyayari sa kuwento ay ____________.
Nabunggo ng bata si Aling Marta sa palengke.
Maagang nagtungo si Aling Marta sa palengke upang mamili ng pananghalian.
Dumating ang isang pulis at kinuha ang detalye sa insidente.
Nangutang si Aling Marta sa kanyang suki upang may pagkaing maiuuwi sa mag-ama.
Hindi maipaliwanag ni Aling Marta ang nadama nang malamang naiwan ang kanyang kalupi sa kanilang bahay. Ang pangyayaring ito ay matatagpuan sa bahagi ___________.
wakas
gitna
kasukdulan
simula
Ang ____________ ang tawag sa maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
pook
tagpuan
kasukdulan
banghay
