WorksheetsREVIEWER_ARALING PANLIPUNAN 4
Total questions: 15
Worksheet time: 10mins
Ito ang lalawigan sa Rehiyon IV-A na may pinakamalaking produksiyon ng langis at kopra sa buong bansa.
NCR
Quezon
Dagupan
Ang rehiyong ito ang sentro ng kalakalan, serbisyo, edukasyon, transportasyon, at pamahalaan ng buong Pilipinas.
NCR
Quezon
Rehiyon I
Ang pamilya ni Aila ay naninirahan malapit sa baybayin ng Pangasinan. Ang lalawigan ng Pangasinan ay tinaguriang “Bangus Capital of the Philippines.” Ano ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya ni Aila?
pagtatanim ng palay at mais
paggawa ng sardinas
pagpaparami ng bangus
Ito ay polusyong sanhi ng mataas na bilang ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok, maruming usok na ibinubuga ng mga pabrika, at ang pagsusunog ng mga bagay na lumilikha ng maruming usok sa papawirin.
polusyon sa lupa
polusyon sa tubig
polusyon sa hangin
Ito ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa likas na yaman ng bansa.
Department of Enivironment and Natural Resources
Department of Agriculture
Department of Tourism
Maraming pabrika at pagawaan ang matatagpuan sa bayan nina Joan. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng maraming pabrikang naglalabas ng usok sa kalusugan ng mga tao?
magkakaroon ng sakit ang mga tao
magiging sanay ang katawan sa usok nilalabas ng mga pabrika
mangingitim ang kulay ng mga tao
Bakit mahalaga ang matalinong paggamit sa mga pinagkukunang-yaman ng bansa?
Dahil tungkulin ng pamahalaan at mga mamamayan na pangalagaan at pangasiwaan ang yaman ng bansa.
Dahil ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga likas na yaman ay nagdudulot ng maraming kapakinabangan sa bansa.
Dahil ang biyayang dulot ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas ay may kaakibat na pananagutan.
Alin sa mga sumusunod ang hamon sa pagsasaka sa ating bansa?
pagpapatayo ng mga marine park
pagko-convert ng mga lupang sakahan upang maging subdibisyon
pagkasira ng mga mangrove swamp bunga ng pagputol ng mga bakawan
Alin ang hindi epekto ng organic farming?
nakapagpapababa ng polusyon at pinsala sa kalikasan
nagdadala ng mas malaking kita sa mga magsasaka
hindi mabili at mahal ang mga gulay na organiko
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas kung saan binigyang-pansin ang kagitingan ng mga Pilipino ay may pamagat na _____.
Bayang Magiliw
Lupang Hinirang
Perlas ng Silangan
Ipinagdiriwang ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsisimba, pangangaroling, pagpapalitan ng regalo, pagtatayo ng belen, at pagsasalo-salo ng mag-anak tuwing Noche Buena.
Kadayawan Festival
Pista ng Pahiyas
Pasko
Ipinagdiriwang ito sa Lungsod ng Davao tuwing ikatlong lingo ng Agosto bilang pasasalamat sa biyaya ng ani at pagkakaroon ng masaya at matiwasay na buhay.
Pista ng Pahiyas
Kadayawan Festival
Sinulog Festival
tinuturing ito na isa sa pinakamagandang simbahan na matatagpuan sa Pilipinas.
Simabahan ng San Agustin de Paoay
Simbahan ng Sta. Maria
Simbahan ng San Agustin
Ano ang ibig sabihin ng kulay bughaw na makikita sa watawat ng Pilipinas?
kapayapaan, katotohanan at katarungan
kagitingan at pagmamahal sa bayan
pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay
Ito ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga at nagpapaunlad sa kulturan Pilipino.
Komisyon sa Wikang Filipino
National Library of the Philippines
National Commission for Culture and the Arts
