WorksheetsFilipino 1st Summative.lge
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Isang araw habang naglalakad si Amy, nakasalubong niya ang isang pusa na giniginaw at basang-basa. Inuwi niya ito at pinunasan.
Ano ang nakita ni Amy?
daga
pusa
aso
Ano ang ginawa niya sa pusa?
iniwan
inuwi
pinamigay
Anong uri ng bata si Amy?
mapagbigay sa hayop
malupit sa hayop
mapagmahal sa hayop
Ano ang akma na salita sa tanong? Punan ang patlang.
_____ang nakakita ng pusa?
Ano
Sino
paano
Inuwi ni Amy ang pusa sa bahay. Ano ang tamang salita na gagamitin upang mabuo ang tanong?
_____dinala ni Amy ang pusa?
Saan
Paano
Kailan
Tinulungan ng Lawin si Langgam kaya siya ay nakaligtas sa tubig. Alin ang tumutukoy sa tauhan?
tinulungan
Lawin
Lawin at Langgam
Ano ang tamang pagsagot sa telepono?
Magandang umaga po, ano po ang maipaglilingkod ko?
Sino sila?
Ano kailangan mo?
Nag-uusap ang nanay at kaibigan mo sa pintuan ng dumating ka galing paaralan. Nais mo na pumasok sa loob ng bahay. Ano ang sasabihin mo?
Kumusta po kayo?
Magandang umaga po.
Makikiraan po
Hindi mo maabot ang ulam sa mesa. Ano ang iyong sasabihin?
Akin na ang ulam.
Makikiabot po ng ulam.
Ibigay mo ang ulam sa akin.
Sa kwentong ang uwak at ang pitsel, ano ang magandang aral na natutunan mo?
Maging matulungin sa kapwa.
Magsikap upang makamit ang tagumpay.
Mag ipon upang may madudukot.
Si Uwak ay hinahalintulad natin sa isang taong?
mabait
matulungin
masikap
Ang COVID 19 ay isang virus na lumalaganap sa buong mundo. Dahil sa ito ay nakamamatay, ang lahat ng tao ay pinapayuhan na gumamit ng face mask, face shield, alcohol at iba pa na proteksyon laban dito. Tungkol saan ang teksto na iyong binasa?
sa COVID 19
mga tao sa mundo
tungkol sa panlaban sa virus
Ang pagtapon ng basura sa ilog ay nakakasira sa ating kalikasan. Ano sa tingin mo ang magiging epekto nito?
magkakaroon ng bagyo
magkakaroon ng baha
magkakaroon ng gulo
Bilang isang bata, ano ang magagawa mo upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan?
Itapon ang basura sa tamang basurahan.
Magtanim ng mga puno at halaman.
Lahat ng nabanggit ay tama
Bulaklak ay humahalimuyak
Sa tahanan naming payak.
Taglay nitong ganda
Tunay na nakakahalina
Ano ang nais ipabatid ng saknong na ito?
Ang bulaklak ay nagbibigay saya.
Ang tahanan ay maganda.
Maraming bulaklak sa paligid ng bahay.
Ang tanong na paano ay tumutukoy sa pamamaraan ng paggawa o kilos.
tama
mali
siguro
Anong buti ang maidudulot ng mga puno sa tao?
Nakakapagbigay ng lilim at sariwang hangin.
Nakakatulong sa pagpigil ng baha.
Lahat ng nabanggit ay tama
Sa panahon ngayon ay laganap ang sakit na Corona Virus. Ano ang dapat mong gawin bilang isang bata upang makaiwas rito?
Makipaglaro sa mga bata sa labas.
Manatili sa loob ng bahay.
Sumama sa nanay sa palengke.
"Ang prutas at gulay ay pampahaba ng buhay". Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito?
Ang prutas at gulay ay may buhay.
Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog at di sakitin.
Lahat ng prutas at gulay ay humahaba.
Tinulungan mo ang matanda sa pagtawid sa kalsada. Nagpasalamat ang matanda sa iyo. Ano ang nararapat na isagot mo?
Salamat po
Walang anuman po
Ok lang po.
