Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FPL REVIEW MOD 4-7

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa pagsipi ng mga tala ang________________

a)

hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon

b)

pangalan at petsa ng orihinal na awtor

c)

wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala

d)

lahat ng nabanggit

2.

Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at pagsulat ng mga akademikong tala MALIBAN sa______________.

a)

bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw

b)

magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap

c)

kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor

d)

sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso.

3.

Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa rito?

a)

Paglalagom

b)

Sinopsis

c)

Bionote

d)

Abstrak

4.

Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o pag-aaral.

a)

Paglalagom

b)

Sinopsis

c)

Bionote

d)

Abstrak

5.

Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang anyo ng sulatin ay ang pangongopya ay walang pormal na pagkilala sa tunay na awtor ng mga konseptong iyong kinuha. Dahil dito, maaari kang patawan ng parusang:

a)

Libelo

b)

Slander

c)

Forgery

d)

Plagiarism

6.

Talumpating agad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

a)

Manuskrito

b)

Biglaan

c)

Isinaulo

d)

Maluwag

7.

Talumpating hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig na may kahandaan at walang dalang manuskrito.

a)

Manuskrito

b)

Biglaan

c)

Isinaulo

d)

Maluwag

8.

Talumpating agad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.

a)

Manuskrito

b)

Biglaan

c)

Isinaulo

d)

Maluwag

9.

Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng akda gamit ang_____?

a)

sariling salita

b)

salita ng awtor

c)

salita ng kahit sino

d)

lahat ng nabanggit

10.

Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang _________ na ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

a)

sanggunian

b)

awtor

c)

aklat

d)

lagom

11.

Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng synopsis o buod?

a)

Pagbuo ng balangkas

b)

Pagbasa sa buong seleksiyon o akda

c)

Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal

d)

Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan

12.

Ang lagom ay ang ______________na bersiyon ng sulatin.

a)

payak

b)

pinaikli

c)

pinahaba

d)

teknikal

13.

Iwasan ang paglalagay ng mga statistical na figures o table sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag. Anong uri ng pagbubuod napabilang ang katangiang ito?

a)

Paglalagom

b)

Sinopsis

c)

Bionote

d)

Abstrak

14.

Isulat ang buod batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi. Anong uri ng pagbubuod napabilang ang katangiang ito?

a)

Paglalagom

b)

Sinopsis

c)

Bionote

d)

Abstrak

15.

Isaad sa teksto ang mga personal na impormasyon gaya ng interes at tagumpay na nakamit sa buhay ng tao. Anong uri ng pagbubuod napabilang ang katangiang ito?

a)

Paglalagom

b)

Sinopsis

c)

Bionote

d)

Abstrak

16.

Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinulat. Anong uri ng pagbubuod napabilang ang katangiang ito?

a)

Lahat ng nabanggit

b)

Sinopsis

c)

Bionote

d)

Abstrak

17.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.

Saang bahagi ito makikita sa abstrak?

a)

Rasyunal

b)

Metodolohiya

c)

Resulta

d)

Konklusyon

18.

Lumabas sa resulta ang tatlong temang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano – ang wika ng produkto, wika ng kasuotan/ kagamitan, at wika ng sayaw na umaayon sa malinaw ng sinag ng buwan.

Saang bahagi ito makikita sa abstrak?

a)

Rasyunal

b)

Metodolohiya

c)

Resulta

d)

Konklusyon

19.

Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”.

Saang bahagi ito makikita sa abstrak?

a)

Rasyunal

b)

Metodolohiya

c)

Resulta

d)

Konklusyon

20.

Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi, at kultura.

Saang bahagi ito makikita sa abstrak?

a)

Rasyunal

b)

Metodolohiya

c)

Resulta

d)

Konklusyon

21.

Isinusulat sa bahaging ito ang batayang akda, artikulo, babasahin na nauugnay sa pananaliksik upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.

a)

Panimula

b)

Kaugnay na Literatura

c)

Resulta

d)

Metodolohiya

22.

Saang bahagi ng pananaliksik, isinasaad ang malinaw na pakay o layunin ng pag-aaral?

a)

Panimula

b)

Kaugnay na Literatura

c)

Resulta

d)

Metodolohiya

23.

Nailalahad ang pamamaraan, plano, o sistema sa pangangalap ng datos para mabigyang kasagutan ang mga tanong sa pag-aaral. Anong bahagi ito ng pananaliksik?

a)

Panimula

b)

Kaugnay na Literatura

c)

Resulta

d)

Metodolohiya

24.

Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya at kasagutan na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa paksa.

a)

Konklusyon

b)

Kaugnay na Literatura

c)

Analisis at Interpretasyon ng Datos

d)

Metodolohiya

25.

Sa bahaging ito, ipinipresenta ang mga nasuri at nasiyasat na mga datos na nakalap ng mananaliksik.

a)

Konklusyon

b)

Kaugnay na Literatura

c)

Analisis at Interpretasyon ng Datos

d)

Metodolohiya