wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GLOBALISASYON

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang nagsabi na ang lipunan ay kinakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan na nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay ng antas sa lipunan. Sa kaniyang ideya nabuo ang ideolohiyang Komunismo.

a)

Emile Durkheim

b)

Adam Smith

c)

Karl Marx

d)

Thomas Friedman

2.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng Komunismo

a)

May kapangyarihan ang mga negosyante na magdesisyon, magsaliksik at magtakda ng presyo ng produkto

b)

May oportunidad na makilala ang produkto ng mga maliliit na negosyante

c)

Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon at sistema ng kabuuang ekonomiya

d)

Bukas sa malawak at malayang pakikipagkalakalan

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapaliwanag tungkol sa Globalisasyon ?

a)

Pinabibilis ang mekanismo ng pakikipag-ugnayan ng mga bagay sa mundo

b)

Kabuuang kita ng bansa o lugar sa buong taon na nakaapekto sa ekonomiya

c)

Proseso ng malawak na kaisipan, interaksyon at integrasyon

d)

Paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon sa daigdig

4.

Siya ang nagsabi na ang Globalisasyon ay sinasalamin ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ang ugnayan ng tao sa bawat isa.

a)

Nayan Chanda

b)

Thomas Friedman

c)

Goran Therborn

d)

George Ritzer

5.

Ang malawak na impormasyon ay isang sangkap ng Globalisasyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag tungkol dito ?

a)

Pagtatayo ng mga gusaling pang negosyo sa iba't ibang bansa

b)

Pagkatuto sa mga bagong kaalaman sa edukasyon, politika, kalusugan, ekonomiya atbp.

c)

Pagtaas ng GNP at GDP ng mga bansa dulot ng malawak na pakikipagkalakalan

d)

Pagkakaroon ng higit na "export" kaysa sa "import" na may mabuting dulot sa ekonimiya ng bansa

6.

Ang online selling ay halimbawa ng Globalisasyon. Nakapaloob dito ang Teknolohiya, Kalakalan, Impormasyon, at Pamumuhunan. Alin sa mga sumusunod ang may kompletong pagpaliwanag tungkol dito.

a)

Pakikipag-usap ng mamimili sa nagtitinda tungkol sa presyo ng produkto

b)

Pagpopost ng impormasyon tungkol presyo, itsura at pagpapadala ng produkto gamit ang cellphone

c)

Pagpapadala ng mga produkto sa eksaktong lokasyon ng mamimili saan mang panig ng daigdig

d)

Pag-uupgrade at pagdodownload ng mga apps sa cellphone para sa pagsisimula ng online selling sa internet

7.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng Globalisasyon sa kultura ?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa

b)

Paglitaw ng mga makabagong kasuotan

c)

Pagdiriwang ng mga makabayang okasyon

d)

Paglalagay ng mga paalala sa mga kalye o lansangan

8.

Ang mga sumusunod ay mga magandang dulot ng Globalisasyon MALIBAN sa ______.

a)

KAWALGAP GN NALAKALAK

b)

TAKNGAAGAP GN OTKUDORP

c)

NOATAKAKGAP AN OYSONEGGAM

d)

PANAGALGAP GN OMSIRORET

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng paggalaw ng tao kaugnay ng Globalisasyon ?

a)

Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa

b)

Pagdami ng mga nangingibambayan na naghahanap ng trabaho

c)

Pagbaba ng antas ng demand para sa mga produktong banyaga

d)

Pagtanngkilik ng mga kabataan sa mga online games na pinakilala ng mga dayuhan sa bansa

10.

Nagwagi si Manny Pacquiao sa kanyang laban sa larangan boxing sa Amerika kamakailan. Ang kaniya kinita rito at pasok sa bilang ng _______ ng Pilipinas

a)

GDP

b)

Net Income

c)

GNP

d)

Remittance

11.

Isang manggagawa Pilipino sa malaking pabrika ng damit si Lawrence sa Germany. Ang kaniyang kinikita roon ay pasok sa ______ ng bansang Germany.

a)

GNP

b)

Tax

c)

Net Income

d)

GDP

12.

Ang konsepto ng pabayaan lamang ang mga bagay-bagay mula sa ideya o kaisipan ng Kapitalismo ay tinatawag na _______

a)

Laissez Faire

b)

Laisse Faire

c)

Laissez Fairre

d)

Laissez Fair

13.

Ayon sa kaniyang pananaw, ang Globalisasyon ay malawak, mabilis, mura, at malalim.

a)

Goran Therborn

b)

Nayan Chanda

c)

Jaan Aart Scholte

d)

Thomas Friedman

14.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nagbibigay kahulugan sa Kapitalismo ?

a)

Interakasyon

b)

Pamumuhunan

c)

Teknolohiya

d)

Pakikipagkalakalan

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Sistemang Kapitalismo ?

a)

Pamahalaan lamang ang nagdedesisyon sa ekonomiya

b)

Maraming pagpipilian na produkto sa pamilihan

c)

May mga pribadong nagmamay-ari ng mga negosyo

d)

May kalayaang mamuhunan ang isang indibidwal

16.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa pananaw ni Nayan Chanda tungkol sa Globalisasyon ?

a)

Pagnanais manakop at mandigma

b)

May pakikipagkalakalan

c)

Nagkakaroon ng paglitaw ng mga bagong teknolohiya

d)

Kaugalian ng tao na maglakbay sa iba't ibang lugar

17.

Bakit maituturing na Kontemporaryong isyu ang Globalisasyon ?

a)

Sapagkat kailangan ito ng lahat ng tao daigdig

b)

Dahil binago, binabago at hinahamon nito ang pamumuhay ng mga tao at mga institusyon sa daigdig

c)

Nakapagbibigay ito ng malaking problema sa mga tao sa araw araw na pamumuhay

d)

Patuloy nitong pinabibilis ang buhay sa mundo sa iba't ibang larangan sa mga nakalipas na panahon

18.

Ang bansang nangunguna at may pinakamataas na antas ng sistemang Kapitalismo ay _________

a)

RUSSIA

b)

UNITED STATES

c)

CHINA

d)

JAPAN

19.

Sa pag-usbong ng Globalisasyon, sinasabing ang mga kaganapan sa ika-20 siglo ang may pinakamalaking implikasyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naganap sa ika-20 siglo ng daigdig ?

a)

Naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

b)

Pagpapadala ng mga sattelites sa labas ng ating daigdig

c)

Naimbento ang telepono bilang kagamitan sa komunikasyon

d)

Pananakop ng mga Europeo sa mga lupain ng mga pampalasa o spices

20.

Ano ang ibig-sabihin ni Jan Aart Scholte sa kaniyang sinabi na "Higit na mahalagang tignan ang iba't ibang siklong pinagdaanan ng Globalisasyon"

a)

Tignan ang bawat pagikot ng pangyayari ng Globalisasyon

b)

Tignan ang pagsisimula at pagtatapos ng bawat Globalisasyon

c)

Tignan ang bawat ilalim at ibabaw ng Globalisasyon

d)

Tignan ang mahalagang pangyayari at aral sa bawat kaganapan kaugnay ng Globalisasyon