NEW
Font size
WorksheetsSecond Quarter Worksheet #4 ESP 10
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa at pagkamalikhain.
Sino sa mga sumusunod ang hindi nakakatulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.
Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa,sa kaniyang pamilya,sa lipunan na kamiyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
Lahat ng nabanggit.
Ano ang obheto ng paggawa?
Kalipunan ng mga gawain,resources,instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,ugnayan at pakikisangkot sa ating kapuwa.
Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
Ngayong panahon ng pandemya. Ang mga sumusunod na gawain ay dapat nating pahalagahan, maliban sa isa.
Pagpapanatiling malinis
Pagdalo sa pagtitipon
Pagpapanatili ng social distancing
Pagsuot ng facemask kapag lalabas ng bahay
Ang batang may pagpapahalaga sa magulang ay may pagkukusa sa mga gawaing bahay. Ito ay pagpapakita ng kakayahang _____________.
makatulong sa mga gawaing bahay.
makadagdag sa pasanin ng magulang.
maglaro lamang.
Sabado ng umaga, maagang namalengke ang iyong ina at ibinilin sayo na ligpitin mo ang higaan. Ano ang dapat mong gawin?
Manonood muna ako ng TV.
Maglilinis at aayusin ang higaan.
magluluto habang naglalaro sa Cellphone.
May mga gawaing bahay na hindi mo pa kayang gawin gaya ng paglalaba at pamamlantsa ng damit. Alin sa mga kakayahan ang magagawa mo ng may pagkukusa at tama.
mag-aral ng mga aralin
paglalaro maghapon
panonood ng TV
Paglalaro ng ML
Tinutukso ka ng kaklase mo na hindi ka marunong magtali ng sintas ng sapatos mo. Ano ang nararapat mong gawin?
Aawayin ko ang kaklase ko para di na niya ako tuksohin.
Magpapaturo ako sa mama ko sa pagsintas ng sapatos.
Tutoksohin ko rin ang kaklase ko.
Hindi na lang ako magsasapatos.
Alin sa mga kakayahan ang sa tingin mo ay dapat pang paunlarin ng isang batang tulad mo?
Paglalaro ng ML
Pag-aaral ng mabuti.
Pakikipaglaro sa mga kaibigan
Panonood ng mga video sa youtube upang matutong sumayaw at kumanta.
Ang kusang loob ng paggawa ng mga gawaing bahay ay ginagawa ng may _____________.
kasiyahan
pagdadabog
paghingi ng reward
hinihinging kondisyon.
Tama bang ipagawa mo sa katulong o kasama sa bahay ang gawain na ibinigay sayo ng mama mo?
Tama po
Marahil ay tama
Hindi po, kasi hindi dapat ipasa sa iba ang gawaing ibinigay sayo at kaya mo namang gawin.
Tama po dahil bata pa ako kaya ipapagawa ko na lang sa mas malaki na sa akin.
Alin sa mga gawain ang dapat mong bigyan ng sapat na pagpapahalaga bilang isang mag-aaral?
Gawin ang Assignments at pagbutihin ang pag-aaral.
Matalino naman ako kaya kaya ko manguna sa klase kahit di gumawa ng Assignment.
Ipaubaya sa mga magulang o kay kuya at ate ang paggawa ng Assignments.
Paano mo pahahalagahan ang kakayahan mo sa paggawa ng mga gawaing bahay.
Gumawa ng may pagkukusa at hindi nagrereklamo.
Madaliin ang mga gawain upang makapaglaro agad.
Ipagpabukas na lang ang ibang gawain para hindi mapagod.
2. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
Lahat ng nabanggit
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
Pagmamahal
Kamalayan sa sarili
Pagmamalasakit
Lahat ng Nabanggit
Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklase na kumakain sa kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
Lalapit at makikinig lamang sa kanilang usapan
Makikinig at magbibigay din ng iyong sariling komento
Lalapitan sila at malumanay na pagsasabihan na mali ang kanilang ginagawa
Wala sa nabanggit
Sobra ang sukli ng tindera sa iyo? Ano ang gagawin mo?
Isasauli ko ang sukli sa tindera
Hindi ko ibabalik dahil hindi naman niya alam na sobra ang sukli
Ibibigay ko sa kaklase kong walang baon.
Pambibili ko ulit ito ng pagkain sa tindahan nila.
Naitulak ka ng iyong kaklase ng hindi niya sinasadya. Ano ang iyong gagawin?
Itutulak ko rin siya dahil itinulak niya ako.
Pagsasabihan ko siya na huwag nya nang ulitin ito.
HIndi ako magagalit dahil hindi naman niya ito sinasadya.
Isusumbong ko siya sa aking guro
Ano ang nagtutulak sa tao na tumulong at maglingkod sa kanyang kapwa-tao?
Kamalayan sa sarili
Konsensiya
Pagmamahal
Paglilingkod
Nasa pampublikong lugar kayo nang bigla kang hagisan ng iyong kaibigan ng laruang hawig ahas at ikaw ay napasigaw ng napakalakas dahil sa gulat. Maaari ka bang panagutin ng alarm and scandal sa naging kilos mo?
Oo, dahil maraming tao ang maaaring naistorbo sa pagsigaw
Hindi, dahil ito ay likas na reaksyon ng pagkagulat at hindi isip o kilos-loob
Hindi, dahil nasa pampublikong lugar lang naman kami
Oo, dahil malakas ang pagsigaw
Nanlaban ka sa snatcher. Nagpambuno kayong dalawa dahil pilit niyang kinukuha sa iyo ang iyong alahas. Di sinadya ay napukpok mo ng batong nahawakan mo ang kanyang ulo. Duguan ang snatcher na tumakbong palayo. Meron ka bang kapanagutan sa iyong kilos?
mayroong pananagutan, sapagkat nakasakit ako ng kapwa
walang pananagutan, sapagkat pinagtanggol ko lamang ang sarili ko sa karahasan
