Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP Part I

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Si Renz ay galing sa simbahan. Pagdating niya sa kanilang bahay ay kaagad niyang hinubad ang kanyang bestida. Binasa ang bestida, pagkatapos ay kanyang ibinabad sa pulbos na sabon at kinusot. Ano ang kanyang ginagawa upang mapangalagaan ang sariling niyang kasuotan?

a)

pagwawalis

b)

pagluluto

c)

paglalaba

d)

pamamalantsa

2.

Maagang gumising si Thano upang maging maayos ang kanyang kasuotang pamasok sa opisina. Kiinuha niya sa laundry basket ang nakatuping uniporme at kaagad niyang inihanda ang plantsahan(kabayo), hanger at plantsa. Ano ang kanyang gagawin upang mapangalagaan ang sariling niyang kasuotan?

a)

pagwawalis

b)

pagluluto

c)

paglalaba

d)

pamamalantsa

3.

Maglalaba si Inoj kaya pumunta siya sa Waltermart Trece upang bumili ng sabong panlaba. Binasa niya ang mga sangkap sa sabong panglaba. Nalaman niya na may pangunahing sangkap ang sabong panlaba na nag-aalis ng dumi at mantsa sa tela ng hindi kinakailangan ng todong kusutan. Ano ang tawag sa sangkap na ito ng sabong panlaba?

a)

sebo ng hayop at lye

b)

alkalies

c)

colorant o dyes (Tina)

d)

surfactants

4.

Isa sa mga tinalakay sa EPP ang mga sangkap ng sabong panlaba. Nalaman ni Hermy na may sangkap ang sabong panlaba na nagpapalambot, nag-aalis ng dumi sa damit, inihahalo nito ang dumi sa tubig kaya mapapansin natin na ang tubig na pinagbabaran natin ng damit ay dumumi kahit hindi natin ginagalaw ito. Ano ang tawag sa sangkap na ito ng sabong panlaba upang mapanatiling malinis ang kasuotan?

a)

sebo ng hayop at lye

b)

alkalies

c)

catalytic enzymes

d)

surfactants

5.

Sa isang aralin ng Home Economis ng Baitang IV ay tinalakay doon na ginagamit ang sangkap na ito sa sabong panlaba sapagkat ang mga dumi sa damit na kasing liit ng molecule ay pinaghihiwalay-hiwalay nito upang madali itong matanggal. Ano ang tawag sa sangkap na ito ng sabong panlaba upang mapanatiling malinis ang mga damit?

a)

surfactants

b)

catalytic Enzymes

c)

fragrance

d)

sebo ng hayop at lye

6.

Sa pagbabasa ng mga modyul ni Shee ay nalaman niya sa asignaturang EPP 4 na may sangkap ang sabon na ginagamit sa paglalaba upang madagdagan lamang kulay ng damit para magmukhang bago. Walang paglilinis na nililikha ito sa damit. Ano ang tawag sa sangkap na ito ng sabong panlaba?

a)

surfactants

b)

catalytic Enzymes

c)

fragrance

d)

colorant or dyes (tina)

7.

Anong sabong panlaba ang ginagamit ng mga tao noong taong 1700”s?

a)

sebo ng hayop at lye

b)

catalytic Enzymes

c)

fragrance

d)

colorant or dyes (tina)

8.

Nalaman ni Cora sa aralin ng EPP na ang mga tinatawag na synthetic detergents o sabong gawa sa mga kemikal na lalong nagpaganda ng resulta sa paglalaba ng mga damit noong taong _____?

a)

1980’s

b)

1960’s

c)

1950’s

d)

1970’s

9.

Ito ay isa sa mga aktibong materyal ng laundry detergent para lalong pumuti ang damit habang nakasampay sa init ng araw o pagkukula. Ano ang tawag sa sangkap na ito?

a)

suds control

b)

water conditioners

c)

preservatives

d)

optical brighteners

10.

Nalaman ni Moneth na ang inilalagay na aktibong materyal sa laundry detergent para mapigilan ang sobrang bula ng sabon ay ang tinatawag na _______ ayon sa modyul ng EPP.

a)

pH modifiers

b)

water conditioners

c)

preservatives

d)

suds control

11.

Ginagamit ang aktibong material na ito sa laundry detergent para hindi mabulok ang binabad na damit,pamatay ng mga mikrobyo at mapigilan ang pagdami nito. ang tawag sa sangkap na ito ay _____?

a)

pH modifiers

b)

water conditioners

c)

preservatives

d)

suds control

12.

Ang ______ ay aktibong material sa laundry detergent na ito upang maiangkop ang sabon sa anumang uri ng tubig.

a)

pH modifiers

b)

suds control

c)

preservatives

d)

water conditioners

13.

May tamang paraan si Bonj kung pipili siya ng sabong panlaba; una, kung inaakala niya na ang mga damit ay hindi masyadong madumi ay bumibili lamang siya ng _____________?

a)

mamahaling sabon

b)

suds control

c)

preservatives

d)

mumurahing sabon

14.

Ang ikalawa ay kung si Bonj na mga damit na masyadong marumi dahil sa kanyang aktibidad at trabaho, may amoy, at may mantsa, kailangan niyang bumili ng _________________ na may mabisang stain remover.

a)

mamahaling sabon

b)

suds control

c)

preservatives

d)

mumurahing sabon

15.

Si Gemz ay magaling sa paglalaba ng mga damit. Lumipas ang maraming taon ay nakaramdam na siya ng pananakit ng kanyang likod. Nagpasuri siya sa doctor at nakakukuha siya ng sakit na ito sa pagbubuhat ng mga mabibigat na palanggana kapag siya ay naglalaba o ng kahit anong bagay na mabigat. Ano ang kaya ang tawag sa sakit na maaaring nakuha niya dito?

a)

A. carpal tunnel syndrome

b)

carpa funnel syndrome

c)

slipped disc

d)

compact disc

16.

Si Maricel ay nakaramdam ng papapanhid ng mga kamay habang siya ay naglalaba. Napag-aralan niya sa asignaturang EPP na ito ay isang sakit na dulot ng matagalang paggamit ng kamay para magkusot at magpiga ng labahin. Ano ang tawag sa sakit na ito?

a)

A. carpal tunnel syndrome

b)

carpal funnel syndrome

c)

slipped disc

d)

compact disc

17.

Araw ng Linggo kaya muling naghanda si Jovy ng kanyang mga gagamitin sa pamamalantsa. Isa sa mga inihanda niyang kagamitan ay ang ginagawang sabitan ng mga bagong plantsa na damit. Ano ang tawag sa kagamitang ito?

a)

laundry basket

b)

plantsahan (kabayo)

c)

plantsa

d)

hanger

18.

Maaaring de-kuryente o nilalagyan ng baga ng uling ang kagamitang ito. Sa tuwing mamamalantsa ang nanay ni Romuel ay ito ang ginagamit niya upang maging maayos tingnan ang mga damit. Ano ang tawag sa kagamitang ito?

a)

laundry basket

b)

plantsahan (kabayo)

c)

plantsa

d)

hanger

19.

Malimit marinig ito sa mga radio noon at ang mga ama ng tahanan na tulad ni Aling Freya ang palaging nanonood sa larong ito. Ang mga ina naman ng tahanan ang gumagamit nito tuwing sila ay mamamalantsa sapagkat ito ang sumusuporta sa plantsa. Tinatawag ang kagamitang ito na _______?

a)

laundry basket

b)

plantsahan (kabayo)

c)

plantsa

d)

hanger

20.

Minsan ginagamit na basketball ring ni Bhel ang mga damit na paplantsahin ni Aling Lei. Dito nakalagay ang mga hindi pa napaplantsa na mga damit na isusuot. Ano ang tawag sa kagamitang ito?

a)

laundry basket

b)

plantsahan (kabayo)

c)

plantsa

d)

hanger