WorksheetsEPP Part II
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Pumunta si Layla sa palikuran para umihi. Napansin niyang naninilaw at madumi ang inidoro. Naisipan niyang linisin ang inidoro. Ano ang angkop na kagamitan niyang gagamitin para sa paglilinis?
vacuum
tooth brush
toilet brush
mop
Nais maglinis ni Hilda ng kanilang carpet sa bahay sapagkat napansin niyang maalikabok na ito. Ano ang angkop na kagamitan ang kaniyang gagamitin para sa paglilinis ng alikabok?
vacuum
tooth brush
toilet brush
mop
Inutusang magligpit ng mga pinagkainan si Gusion dahil pupunta ang kaniyang nanay na si Aling Miya sa palengke ng Trece Martires. Ang angkop na kagamitang gagamitin ni Gusion sa paghuhugas ng mga gamit pangkain ay _______?
spray bottle
toilet brush
paper towel
dishwashing liquid
Maglilinis si Esmeralda ng lababo, mga mesa sa kusina, toilet, shower at tubs. Natutunan niya kasi sa modyul ng EPP na pwedeng makatanggal ng mikrobyo at amag ang _______ kung gagamitin niya ito?
baking soda
vacuum
puting suka
spray bottle
Naubusan ng panlinis para sa mga lugar na mahirap linisan katulad ng tiles at kalan si Rafaela. Naisipan niyang pumunta sa kusina, nakakita siya ng isang resealable container. Kumuha siya ng _____ at nilagyan niya ng tamang dami ng tubig para maging paste. Ano ang sangkap na inihalo ni Esmeralda para may magamit siya sa paglilinis ng tiles at kalan?
baking soda
vacuum
puting suka
spray bottle
Mag-aalaga ng aso si Roger dahil nais niyang magkaroon ng tagapagbantay sa kanilang bahay. Ano ang unang pangangailangan na dapat niyang ibigay sa kanyang alaga?
laruan
sabong pampaligo
malinis na tahanan
shampoo
Nalilibang na makipaglaro si Helcurt sa kanyang mga alagang pusa at tuwang – tuwa din siya kapag nakakahuli ang mga ito ng mga daga kaya ipinaggawa niya ang mga ito ng bahay. Pumunta si Helcurt sa probinsya dahil pinaasikaso ng kanyang mga magulang ang kanilang bukid. Naiwan at napabayaan niya ang mga alagang pusa pati na rin ang tirahan ng mga ito. Ano kaya ang maaring mangyari sa mga alaga niya kung ang tirahan ng kanyang mga alaga ay hindi na nalilinis at maayos?
magkakasakit
magiging malalakas
magiging matatapang
magiging mabait
Pinag-aralan ni Eudora ang mga bagay katulad ng pest control at mold prevention. Ano ang tawag sa gabay na ito na pwedeng gawin ni Eudora bilang tagapagtaguyod?
maging mapagpasensya
maging positibo
maging practical
maging maalam
Isa sa mga ginagawa ni Alucard ay ang tulungan ang mga tao na maintindihan na ang pagkakaroon ng malinis na tahanan ay magbibigay ng magandang resulta sa kanilang buhay. Ano ang tawag sa gabay na ito na pwedeng gawin ni Alucard bilang tagapagtaguyod?
maging mapagpasensya
maging positibo
maging practical
maging maalam
Inihihiwalay ni Masha ang mga basura na nasa kanilang bahay. Saan kayang basurahan dapat ilagay niya ang mga basurang kagaya ng dry cells o baterya, mercury thermometer, basag na fluorescent lamps?
A. recyclable plastics
mga nasusunog na basura
hazardous o delikadong basura
recyclable items
Magtatapon ng mga diyaryo, magasin, libro, karton, papel at tela si Varus. Saan kayang basurahan dapat niyang ilagay ang mga nabanggit na patapong bagay?
malalaking basura
mga nasusunog na basura
hazardous o delikadong basura
recyclable items
Ang mga bagay na katulad ng ceramic, salaming basag, mga baso, plato, botelya ng cosmetics, CD casettes, aluminum foil ay nais nang itapon ni Ezreal. Saan kaya angkop ilagay na basurahan ang mga nabanggit?
malalaking basura
hindi nasusunog na basura
hazardous o delikadong basura
mga nasusunog na basura
Galing sa palengke ng Lungsod ng Trece Martires si Ginang Gemma sapagkat ang
kanyang anak na si Maribel ay humiling na lutuin ang paborito niyang ulam na pinakbet at fried chicken. Paano makatutulong si Maribel sa paghahanda ng kanilang pagkain?
Kaagad niyang hihiwain ang mga sangkap na gulay ng pinakbet at karne ng manok.
Huhugasan muna ang mga sangkap na gulay ng pinakbet at karne ng manok
Pagsasama-samahing ang mga sangkap na gulay at karne ng manok
Hindi na maghuhugas ng kamay bago maghanda ng pagkain
Magkakaroon ng isang salu-salo ang magkakaibigang Thano, Eric, Rolly, Romuel at Jeff. Napagkaisahan nila na ang bawat isa ay magdadala ng kanya-kanyang putahe. Naghanda si Romuel ng pork pata teem na ulam. Alin sa mga sumusunod ang tamang ginawa niya sa
paghahanda ng pagkain?
Ang paligid ng paglulutuan ay hindi niya nilinis bago magsimulang magluto
Bumili siya ng botcha na karne ng baboy upang makatipid
Hindi niya niluto ng maayos ang karne ng baboy
Pagkatapos niyang magluto, nilinis kaagad ang lugar ng pinaggawaan
Mahilig kumain ng mga prutas, gulay, karne ng baboy,manok,isda at kanin si Jayce. Pinanatili niyang balanse ang pagkain ng mga ito. Ano kaya ang maaaring mangyari sa kanyang katawan?
magkakaroon ng high blood
magiging malusog
magiging sakitin
magiging matamlay
Galing sa doktor si Taric at kanyang nalaman na ang pagkain ng marami o kaunti ay parehong hindi maganda ang resulta sa ating katawan. Pinayuhan siya ng doctor kung ano ang kanyang dapat na gawin. Ano kaya ang sinabi sa kanya?
kumain ng madami
kumain ng kaunti
kumain ng sapat
huwag nang kumain
Inimbitahan sa birthday party ni Corazon ang kanyang mga kaibigan na sina Lei, Jovita at Maricel. Nang dumating ang kanyang mga kaibigan ay kaagad na tinawag sila sa hapag- kainan. Sino sa kanila ang wastong paraan ang paggamit sa mga kubyertos?
Tinidor at sandok ang ginamit ni Lei bilang pamalit sa kutsilyo sa tuwing may puputuling pagkain
Kung may sopas o sabaw, ginagamit ni Jovita ang gilid ng kutsara nang paiwas sa kanya at hinihigop niya nang matunog ang sabaw.
Nagsusubo ng katamtamang dami ng pagkain si Maricel gamit ang gilid ng kutsara at hindi ang dulo nito.
Lahat ng nabanggit
Mahalaga sa pamilya ni Caitlyn pagkain ng ________ sa hapag-kainan. Isa itong masayang tagpo sa kanya na patuloy na pinagyayaman ng bawat kasapi sa kanilang mag-anak. Marami kasing magagandang bagay ang kanilang napapag-usapan habang sila ay kumakain.
hiwa-hiwalay
magkakabukod
sabay-sabay
walang pakialam
Matapos kumain ng masarap na hapunan ang mag-anak ni Aling Rency ay inutusan niyang magligpit ang kanyang anak. Napakasaya ni Shirley sapagkat siya ang naatasan ng kanyang ina na magligpit. Alin sa mga sumusunod ang isa sa tamang paraan na ginawa niya sa mga baso, kubyertos at plato?
Hinugasan niya ang mga plato sa mainit at masabon na tubig sa unang lababo
Binanlawan lang niya ang mga baso, kubyertos at plato sa lababo
Sinabon niya kaagad ang mga plato, baso, kubyertos at gumamamit na lang ng towel para maalis ang mga sabon
Hindi na niya sinabon ang mga plato, baso, kubyertos sa halip ay ibinabad na lang sa lababo na puno ng maligamgam na tubig at inaprubahang sanitizer.
Tinalakay sa asignatura ng Edukasyong Pantahanan at Pangkalusugan ng Baitang IV ang wastong pagkakasunod-sunod sa paghuhugas ng mga pinagkainan sa pamamagitan ng kamay. Alin sa mga hakbang ang tama ang pagkakasunod-sunod?
Banlawan, linisin, tiktikin,hugasan, patuyuin sa hangin, mag-sanitize
Hugasan, linisin, tiktikin,banlawan, patuyuin sa hangin, mag-sanitize
Linisin, tiktikin,hugasan,banlawan, mag-sanitize, patuyuin sa hangin
Tiktikin, linisin, hugasan,nbanlawan, mag-sanitize, patuyuin sa hangin
