Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 9 - Aralin 5

Total questions: 39

Worksheet time: 1hrs 3mins

Name
Class
Date
1.

Pangalan:______________________________________

Baitang at Pangkat:__________

4 lines
2.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

1. Sino ang persona o ang nagsasalita sa tula?

a)

A. makata

b)

B. Olivia P. Dantes

c)

C. asawang lalaki

d)

D. asawang babae

3.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

2. Ano ang angkop na kahulugan ng pagpanaw sa unang saknong?

a)

A. umalis

b)

B. lumayo

c)

C. naglakbay

d)

D. namatay

4.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

3. Anong damdamin ang nangingibabaw sa ikalimang saknong?

"Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan

At iniwan akong sawing – kapalaran

Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay

At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?"

a)

A. pagkabalisa

b)

B. pagkahabag

c)

C. paghihinagpis

d)

D. pagkalito

5.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

4. Aling saknong ang nagpapakita ng pahayag na imposibleng mangyari?

a)

A. saknong 4

b)

B. saknong 6

c)

C. saknong 7

d)

D. saknong 9

6.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

5. Alin sa mga taludtod ang may pahayag na magkasingkahulugan?

a)

A. Kaya aking mahal, sa iyong pagpanaw

b)

B. Hindi mamamatay, walang katapusanbuhay

c)

C. Ang ating pagsintang masidhi’t marangaly

d)

D. Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay

7.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

6. Ano sa mga pahayag ng piling saknong ang magkasingkahulugan?

a)

A. (6) Upang sa isipa’y hindi ka tumanda,

manatiling maganda at bata

b)

B. (7) kung nagkaedad na,

puting buhok di makikita

c)

C. (8) Lalaging buhay’,

lalaging sariwa

d)

D. (9) sa iyong pagpanaw,

hindi mamamatay

8.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

7. Bakit nasabi ng persona na sila’y nagtagumpay sa dupok ng buhay?

a)

A. Dahil mayroon silang malaking bahay

b)

B. Dahil naging masaya sila sa kanilang pagsasama

c)

C. Dahil namatay ang babae nang bata at maganda

d)

D. Dahil masidhi pa rin ang kanilang pagmamahalan nang pumanaw ang asawa

9.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

8. Ano ang paksa ng tula?

a)

A. Pag-alaala sa minamahal na asawang pumanaw na

b)

B. Pag-alaala sa masasayang karanasan sa buhay

c)

C. Paggugunita sa itsura ng minamahal

d)

D. Pagsunod sa kaugalian

10.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

9. Bukod sa pagkakaroon ng sukat at tugma, ano pang katangian ang ipinakikita ng tula?

a)

A. Mayroon itong isang banghay at tagpuan.

b)

B. Naglalaman ito ng mga dayalogo.

c)

C. Nagpapahayag ito ng masidhing damdamin.

d)

D. Marami itong tauhan at magkakaugnay na mga pangyayari.

11.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti at unawain. Piliin ang tamang sagot.

10. Anong uri ng tula ang iyong nabasa?

a)

A. elehiya

b)

B. soneto

c)

C. oda

d)

D. tulang pasalaysay

12.

Balik-tanaw

Piliin ang tunggaliang tinutukoy sa bawat pangungusap.

1. Nagdadalawang-isip ang tauhan kung tama ba o mali ang kanyang gagawing pag-iwan sa mga anak.

a)

A. Tao laban sa Tao

b)

B. Tao laban sa lipunan

c)

C. Tao laban sa sarili

d)

D. Tao laban sa kalikasan

13.

Balik-tanaw

Piliin ang tunggaliang tinutukoy sa bawat pangungusap.

2. Nais agawin ng sariling tiyuhin ang trono ng batang hari.

a)

A. Tao laban sa Tao

b)

B. Tao laban sa lipunan

c)

C. Tao laban sa sarili

d)

D. Tao laban sa kalikasan

14.

Balik-tanaw

Piliin ang tunggaliang tinutukoy sa bawat pangungusap.

3. Hirap iligtas ng sundalong bida ang mga taga-Urk dahil sa patuloy na pagyanig ng lupa.

a)

A. Tao laban sa Tao

b)

B. Tao laban sa lipunan

c)

C. Tao laban sa sarili

d)

D. Tao laban sa kalikasan

15.

Balik-tanaw

Piliin ang tunggaliang tinutukoy sa bawat pangungusap.

4. Alam ni Kap. Ri na ang hukbong sandatahan ng Timog Korea ang bago niyang kalaban.

a)

A. Tao laban sa Tao

b)

B. Tao laban sa lipunan

c)

C. Tao laban sa sarili

d)

D. Tao laban sa kalikasan

16.

Balik-tanaw

Piliin ang tunggaliang tinutukoy sa bawat pangungusap.

5. Ayaw sanang gamutin ni Dr. Kang ang lider ng sindikato ngunit patuloy namang ipinapaala ng kanyang isip ang pangakong sinumpaan bilang isang doktor.

a)

A. Tao laban sa Tao

b)

B. Tao laban sa lipunan

c)

C. Tao laban sa sarili

d)

D. Tao laban sa kalikasan

17.

4 lines
18.

4 lines
19.

4 lines
20.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

1. Tungkol saan ang binasa mong tula? Ano ang masasabi mo sa paksang tulad nito ng mga tulang Asyano?

4 lines
21.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

2. Ano ang sinisimbolo ng kalapati? Bakit kaya ito ang ginamit ng may-akda bilang simbolismo?

4 lines
22.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

3. Pareho ba kayo ng ninanais ng may-akda para sa bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4 lines
23.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

4. Anong damdamin ang litaw sa piling saknong?

Ano naman ang iyong nadarama tungkol dito?

Saknong 3:

"Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala

Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula

Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan

Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan."


Damdamin sa saknong:____________________________________

Damdamin mo:______________________________________________

4 lines
24.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

4. Anong damdamin ang litaw sa piling saknong?

Ano naman ang iyong nadarama tungkol dito?

Saknong 4:

"Ngunit ikaw na palamara

Tulad ng alabok, humayo ka't mawala

Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na"


Damdamin sa saknong:____________________________________

Damdamin mo:______________________________________________

4 lines
25.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

5. Sa panahon mo ngayon, ano-ano ang nagiging sagabal sa kapayapaan ng iyong komunidad? 

Paano ito nakakaapekto sa iyo?

4 lines
26.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

6. Kilalanin mo sa iyong lipunan ang mga bayaning gumagawa para sa kapayapaan at ang mga palamarang sumisira nito?


Bayani:________________________________________________________

Ginawa:_______________________________________________________

4 lines
27.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

6. Kilalanin mo sa iyong lipunan ang mga bayaning gumagawa para sa kapayapaan at ang mga palamarang sumisira nito?


Palamara:____________________________________________________

Ginawa:_______________________________________________________

4 lines
28.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

7. Ngayong nauunawaan mo ang marubdob na pag-asang mayroon ang makata sa pagnanais magkaroon ng kapayapaan, anong uri ng tula ang iyong nabasa?

4 lines
29.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang kaisipang ipinahahayag sa unang saknong?

"Sino ka upang hamunin ang lahing Kayumanggi?

na sa mga unos ng buhay hindi nagpagapi?

Maging bagyo man o lindol 'di umobra sa amin.

Covid ka lang, 'di mo kami kayang gibain."

a)

A. Mahirap talunin ang mga problema sa buhay.

b)

B. Matatag ang lahing Kayumanggi sa mga pagsubok sa buhay.

c)

C. Hindi umuurong sa anomang gulo ang lahing Kayumanggi.

d)

D. Nakakatakot ang COVID-19.

30.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

2. Ipinakikita ng unang saknong ang damdaming ____________.

"Sino ka upang hamunin ang lahing Kayumanggi?

na sa mga unos ng buhay hindi nagpagapi?

Maging bagyo man o lindol 'di umobra sa amin.

Covid ka lang, 'di mo kami kayang gibain."

a)

A. kalungkutan

b)

B. panghihinayang

c)

C. katatagan

d)

D. kayabangan

31.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

3. Aling salita sa mga pahayag ang magkasingkahulugan?

a)

A. nagkakaisa / sama-sama

b)

B. panalangin/pangangailangan

c)

C. tulong-tulong/nagkakaisa

d)

D. araw/pag-asa

32.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

4. Ano ang emosyong nangingibabaw sa ikalawang saknong?

"May takot man mananatili kaming nagkakaisa.

Sa bawat araw, puno lagi ng pag-asa.

Narinig mo ba ang panalanging sama-sama?

Tulong-tulong sa pagbibigay ng pangangailangan ng iba."

a)

A. natatakot

b)

B. nagmamalaki

c)

C.nanunumbat

d)

D. umaasa

33.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

5. Ano ang tinutukoy na nagbibigay ng panik sa lahat?

a)

A. pagpapatuloy ng edukasyon

b)

B. pangangailangan ng mamamayan

c)

C. pagkalat ng COVID-19

d)

D. Serbisyo ng frontliners

34.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

6. Ano ang katotohanang ipinahayag ng ikatlong saknong?

"Kaya mo lang magbigay ng panik sa lahat!

Ngunit, bayaning frontliners sa amin ay sapat.

Kagalingan at kaayusang bigay, serbisyong tapat.

Husto sa bawat mamamayan, higit sa nararapat."

a)

A. Nagpapanik ang lahat ng tao at nawawalan ng pag-asa

b)

B..Maraming gumagaling at nagiging maayos ang bansa sa panahon ng pandemya

c)

C. One is to one ang bilang ng mga pasyente at frontliners

d)

D. Nababawasan ang takot ng lahat dahil sa serbisyong bigay ng mga frontliners

35.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

7. Alin sa mga sumusunod na damdamin ang litaw sa panghuling saknong?

"Covid ka lang! Pilipino kaming handa nang sumulong.

Sa patuloy na edukasyon lahat kami'y hindi uurong.

Ekonomiya nami'y ready na sa pagbangon.

Lahing Pilipino sa tagumpay paroroon."

a)

A. determinado

b)

B. nagdududa

c)

C. umaasa

d)

D. katapangan

36.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

8. Alin sa mga tambalang pahayag ang magkasingkahulugan?

a)

A. Ready sa pagbangon - handa nang sumulong

b)

B. Sa tagumpay paroroon - hindi uurong

c)

C. Handa nang sumulong - kami’y hindi uurong

d)

D. Patuloy na edukasyon - ekonomiya’y babangon

37.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

9. Bakit ito maituturing na tulang liriko?

a)

A. Litaw ang masidhing damdamin at kaisipan ng may-akda

b)

B. Nagsasalaysay ng isang pangyayari

c)

C. Mayroong tauhang nabanggit sa tula

d)

D. May indayog at aliw-iw

38.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

10. Ang mga sumusunod ay katangian ng tulang binasa maliban sa isa.

a)

A. Binubuo ng 14 na taludturan

b)

B. May sukat at tugma

c)

C. Ginamitan ng matatalinhagang salita

d)

D. Nagpapahayag ng pagbulay-bulay ng may-akda sa kaganapan sa kaniyang kapaligiran

39.

Para sa Pag-alam sa mga Natutuhan at Pagninilay.

Alamin sa inyong modyul ang mga batayan sa paglikha ng sariling tula at isulat ang sagot sa papel.

4 lines