wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Pagsusulit - Filipino (Capella)

Total questions: 40

Worksheet time: 1hrs 22mins

Name
Class
Date
1.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng kanilang ama na kaluwagang-palad nito. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang nasasalungguhitan?

a)

buong puso

b)

labag sa kalooban

c)

malapad na palad

d)

nais na kapalaran

2.

Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito’y nakabubulahaw na sisigaw at kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Ano ang konotatibong pagpapakahulugan sa mga salitang nasasalungguhitan?

a)

nagpapakaba

b)

nagpapagalit

c)

nagpapatakot

d)

nagpapasindak

3.

Ibigay ang kahulugan ng nasasalungguhitang salita sa pahayag na, “Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.”

a)

mabuting ama

b)

nasaktan

c)

umasa

d)

umiral ang pagmamahal

4.

Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahihinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas na loob pero mabait na tao, na noon di’y nagdesisiyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. Ibigay ang kahulugan ng nasasalungguhitang salita.

a)

kabiguan

b)

hindi maunawain

c)

masama

d)

pambubugbog

5.

Sa kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade”, sino ang pangunahing tauhan?

a)

ang ama

b)

Ferdinand

c)

Jarin

d)

Rebo

6.

Ano ang sakit na dinaramdam ng bata sa kuwento?

a)

Asthma

b)

COVID-19

c)

kanser

d)

Ulcer

7.

Ilarawan ang carnibal na pinasyalan ni Rebo at ng kaniyang ama batay sa binasang akda.

a)

may maliliit na helicopter na tumataas at bumababa na tila oktupos na galamay na bakal

b)

maraming tao at maraming maingay na bata

c)

nagiging masaya ang mga bata dito

d)

masaya ang paligid

8.

Paano namatay si Rebo sa ika-anim na Sabado?

a)

Namatay siya habang tangan sa bisig ng ama.

b)

Hindi na niya kaya pang ipasok ang pisi ng beyblade.

c)

Pumunta siya sa mga pinsan at doon niya pinakawalan ang huling hininga.

d)

Huling nakita si Rebo sa ospital, kaya naman nagpaalam na lamang ang ama.

9.

Panuto: Tukuyin mula sa bilang I-V ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari mula sa ”Anim na Sabado ng Beyblade”.

I. Naki-bertdey si Rebo at naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan.

II. Tuluyan na siyang nakalbo at kusang nalagas ang kanyang buhok. At sa kanyang pagkairita ay sinabunutan niya ang kanyang sarili.

III. Humiling si Rebo na magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.

IV. Huling Sabado ng Pebrero, ibinuga niya na ang huling hininga.

V. Huling Sabado na masisilayan si Rebo at Beyblade nito. Tahimik na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Alin sa mga sumusunod ang unang pangyayari sa Anim na Sabado ng Beyblade?

a)

V

b)

II

c)

IV

d)

III

10.

I. Naki-bertdey si Rebo at naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan.

II. Tuluyan na siyang nakalbo at kusang nalagas ang kanyang buhok. At sa kanyang pagkairita ay sinabunutan niya ang kanyang sarili.

III. Humiling si Rebo na magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.

IV. Huling Sabado ng Pebrero, ibinuga niya na ang huling hininga.

V. Huling Sabado na masisilayan si Rebo at Beyblade nito. Tahimik na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa Anim na Sabado ng Beyblade.

a)

I, II, III, IV, V

b)

III, I, II, IV, V

c)

V, IV, III ,II, I

d)

IV, II, I, V, III

11.

I. Naki-bertdey si Rebo at naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan.

II. Tuluyan na siyang nakalbo at kusang nalagas ang kanyang buhok. At sa kanyang pagkairita ay sinabunutan niya ang kanyang sarili.

III. Humiling si Rebo na magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.

IV. Huling Sabado ng Pebrero, ibinuga niya na ang huling hininga.

V. Huling Sabado na masisilayan si Rebo at Beyblade nito. Tahimik na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Alin sa mga sumusunod ang huling nangyari sa maikling kuwento?

a)

V

b)

II

c)

I

d)

IV

12.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng huling pamamaalam ni Rebo?

a)

V

b)

I

c)

IV

d)

II

13.

Sa maikling kuwentong “Anim na Sabado ng Beybalde”, ano ang hiling ng batang si Rebo?

a)

Hiling na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.

b)

Nais ni Rebo na magkaroon ng mraming laruan at mga regalo.

c)

Mangumbida ng mga kaibigan at bisita.

d)

Maging maayos ang kaniyang kalagayan.

14.

Ano ang nangyari kay Rebo sa ika-anim na Sabado?

a)

Si Rebo ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa araw.

b)

Lumabas na sa bahay-pagamutan ang batang si Rebo.

c)

Nilisan na ng bata ang mundo.

d)

Nagpahinga lamang ang bata ng kaunting panahon

15.

Panuto: Piliin ang tinutukoy na kahulugan at tamang gamit ng pang-ugnay sa pangungusap.

Ito ay ginagamit na mayroong pamimili, pagtatangi at pag-aalinlangan sa pangungusap

a)

ni

b)

pero

c)

samantala

d)

subalit

16.

Panuto: Piliin ang tinutukoy na kahulugan at tamang gamit ng pang-ugnay sa pangungusap. Isang halimbawa ng pangatnig na panlinaw ang ______.

a)

dahil sa

b)

ngunit

c)

samakatuwid

d)

sa wakas

17.

Panuto: Piliin ang tinutukoy na kahulugan at tamang gamit ng pang-ugnay sa pangungusap. Ang mga sumusunod ay mga pangatnig maliban sa ____________.

a)

at

b)

–ng

c)

ngunit

d)

o

18.

Piliin ang tinutukoy na kahulugan at tamang gamit ng pang-ugnay sa pangungusap. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at Nagluto si Mulong ng pansit, ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?

a)

kaya

b)

palibhasa

c)

subalit

d)

datapwat

19.

__ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ano ang salitang nawawala sa pangungusap?

a)

kung

b)

kapag

c)

sa

d)

simula

20.

Alin sa sumusunod ang tamang gamit ng pangatnig na "maging"?

a)

Mahal kita maging sino ka man.

b)

Gusto kong maging piloto balang araw.

c)

Ang pansit maging ang litson ay paborito kong pagkain.

d)

Ayaw kong maging katulad niya bala-araw.

21.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang gamit ng pangatnig na "samantala"?

a)

Ako ay nagluluto, samantala, siya naman ay naglilinis ng bahay.

b)

Pansamantala muna na dito siya titira sa bahay.

c)

Samantala, mali naman ang ginawa.

d)

Maraming tao na mapagsamantala.

22.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang gamit ng pangatnig na "dahil sa"?

a)

Nang dahil sa malimit kong paglalaro ng online games, hindi na ako nakakasali sa online classes.

b)

Dahil sa malakas siya.

c)

Marami siyang anak dahil kulang sa pagpaplano ng pamilya.

d)

Ang COVID-19 ay dahil may virus na mabagsik.

23.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang gamit ng pangatnig na "sa wakas"?

a)

Sa wakas, ikinasal na siya.

b)

Nakikita ko siya sa wakas.

c)

Kailan kaya magwawakas ang pandemyang ito?

d)

Gusto ko nang maranasang muli ang sa wakas na pagtatapos ng COVID-19 na pandemya.

24.

Alin sa sumusunod na eksena ng “ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong”, ang nagpapakita ng pinakamasidhing katotohanan ng buhay?

a)

maraming problema sa paaralan

b)

suliraning pampamilya

c)

pag-aaway ng magkasintahan

d)

tipikal na buhay ng isang estudyante

25.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kagandahang asal mula sa nobela?

a)

paghingi ng tawad ni Roberto sa ina

b)

pagsuporta ni Roberto sa kagustuhan ng nobya

c)

pag-eskapo ni Roberto sa klase

d)

paggawa ng isang pekeng “excuse letter”

26.

Kung ikaw si Roberto, paano ka magpapakita ng paggalang sa iyong ina?

a)

pagsagot ng pabalang

b)

pasigaw na pagsagot

c)

pagsagot ng po at opo

d)

hindi pag-imik

27.

Bilang isang estudyante, paano ka magpapakita ng pagmamahal sa iyong pamilya?

a)

laging pasaway

b)

paghahanap-buhay para sa pamilya

c)

pagbutihin ang pag-aaral

d)

walang pakialam

28.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kabutihan sa nobela?

a)

pagiging “matiyaga” ni Roberto sa pag-aaral at pagiging mabuting kaibigan

b)

pagkakaroon ng maraming nobyo ni “Special Someone”

c)

pagiging bigo sa pag-ibig ni Portia kay Roberto

d)

pagsuway sa magulang

29.

Isang tunggalian ng nobela na masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.

a)

tao vs kalikasan

b)

tao vs lipunan

c)

tao vs sarili

d)

tao vs tao

30.

Panuto: Suriin ang mga ipinapahiwatig ng taludtod mula sa tulang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”.

Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay ________.

a)

di itinuturo

b)

di nagpapalit

c)

naaalis

d)

nagbabago

31.

Suriin ang mga ipinapahiwatig ng taludtod mula sa tulang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”. Nag-uumapaw sa ating diwa, nagbabanyos sa ating damdamin.

a)

kaalaman

b)

kaisipan

c)

kamalayan

d)

katalinuhan

32.

Suriin ang mga ipinapahiwatig ng taludtod mula sa tulang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”. Inalay sa mga bagong sibol ng panahon,

Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian.

a)

Pagpapanatili ng kultura

b)

Pagpapayaman ng kultura

c)

Pagpapahalaga sa ating kultura

d)

Pamana ng kultura para sa bagong henerasyon

33.

Alin sa sumusunod na katangian ang nakakaimpluwensiya nang lubos sa buhay ng isang tao?

a)

malungkutin

b)

ang pagiging maka-Diyos

c)

pagiging mahusay na mang-aawit

d)

ang mapagkawanggawa kapag may nakatingin

34.

Sa pagsusulat ng isang blog tungkol sa ating pagka-Pilipino, anong komentaryo ang nararapat na ilahad sa ating kultura, paniniwala at pagpapahalaga?

a)

Ang ating kultura sa pagsasayaw ay unti-unti nang napapalitan ng K-Pop.

b)

Mayaman ang mga Pilipino sa kultura tulad ng pag-awit, pagsayaw at lambing ng panunuyo.

c)

Hindi natin dapat na kinakalimutan ang mga pamahiin ng ating ninuno kahit na ito’y labag sa ating kalooban.

d)

Sa kasamaang palad, ang ating kultura ay sinisira ng makabagong teknolohiya dulot na rin ng pagpapabaya ng mga tao.

35.

Sa pangungusap na, “Hindi naging ______ ang pagkilos ni Sitti sa pagbibigay ng tulong sa

mamamayan bilang balik-biyaya sa kaniyang mga natanggap”. Ano ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang pahayag?

a)

mabagal

b)

malamyos

c)

matayog

d)

matulin

36.

Ano ang angkop na salitang naglalarawan sa pangungusap na ito? Hindi masamang magkaroon ng

______ na pangarap katulad ng ginawa ni Sitti Nurhaliza.

a)

matagumpay

b)

matangkad

c)

matayog

d)

matinis

37.

Mahigpit na niyakap ng mga Pilipino ang sariling kultura. Ang sinalungguhitang salita ba ay pang-uri? Ipaliwanag.

a)

Hindi, ito ay pang-abay.

b)

Oo, dahil binibigyang-turing nito ang “Pilipino” na pangangalan

c)

Oo, sapagkat inilalarawan nito kung paano ang pagyakap sa kultura.

d)

Hindi, dahil binibigyang-turing nito ay ang salitang “niyakap” na pandiwa.

38.

Sa pangungusap na, “Si Sitti Nurhaliza ay magalang na nakikipag-usap sa mga magulang”. Ang

salitang magalang ba ay salitang naglalarawan? Bakit?

a)

Oo, dahil inilalarawan nito ang pangngalan na “Sitti Nurhaliza”.

b)

Oo, dahil ang magalang ay binibigyang-turing ang panghalip na “si”.

c)

Hindi, sapagkat ang binibigyang-turing nito ay si Sitti na isang panghalip.

d)

Hindi, dahil ang salitang magalang ay nagbibigay-turing sa salitang nakikipag-usap. Ito ay pang-abay.

39.

Kapag ikaw ay sumusulat ng sariling talaraawan, anong uri ng sanaysay napabibilang ang sinulat?

a)

hindi matukoy

b)

impersonal

c)

personal

d)

walang uri

40.

Para sa iyo, alin sa sumusunod ang pinakamabuting ideya upang matakasan ang kultura hinggil sa

“arrange marriage”?

a)

Tumakas sa bahay at magbagong-buhay.

b)

Sundin ang mga magulang para sa ikabubuti ng lahat.

c)

Ipaliwanag nang maayos sa magulang ang kahalagahan ng respeto sa iyong desisyon.

d)

Magpakulong na lamang habambuhay sa isang pangyayari na labag naman sa iyong kalooban.