NEW
Font size
WorksheetsMaikling Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8 pt 3
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Taglay ng kontinenteng ito ang mayamang kultura, maayos na lipunan at organisasyon ng pamahalaan ng mga sinaunang kabihasnan. Patunay dito ang mga Kabihasnan ng Mesopotamia, Indus at Tsino.
Aprika
America
Asya
Europa
Ang naging sentro at lunduyan ng mga sinaunang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia, Indus, Tsino at Ehipto.
Ilog
Ilog – lambak
Kabundukan
Lungsod
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang mga sinaunang tao ay nakalikha ng uri at sistema ng pagsulat?
Bakal, Chariot at Gulong
Compass, Diksyunaryo at Papel
Cuneiform, Calligraphy at Hiroglipiks
Ziggurat, Imperyo at Zoroastrianismo
Ang kabihasnan sa Kanlurang Asya na pinanirahan ng ibat – ibang uri ng pangkat ng tao na may kanyang lipunan, kultura at pamahalaan. Nag – iwan din ito ng mga napakaraming mga ambag o kontribusyon.
Kabihasang Indus
Kabihasnang Tsino
Kabihasnang Ehipto
Kabihasnang Mesopotamia
Isa ang Kodigo ni Hammurabi sa mga natatanging kontribusyong naiwan ng Kabihasnang Babylonian. Paano ito nakatulong sa pamayanan ng mga sinaunang tao?
Nagkaroon ng takot at pangamba ang mga tao.
Nagkaroon ng kalabisan sa pamamahala ng mga pinuno.
Nagkaroon ng kaayusan at pantay na katarungan sa lipunan
Nagkaroon ng mayoryang kapangyarihan ang mga Babylonian sa mga kalapit na pamayanan.
Taglay ng kabihasnang ito ang maayos na pagpaplanong panglungsod na halos katumbas ng mga modernong lungsod
Kabihasang Indus
Kabihasnang Tsino
Kabihasnang Ehipto
Kabihasnang Mesopotamia
Alin sa sumusunod ang mas angkop na naglalarawan sa mga sinaunang tao sa mga sinaunang kabihasnan batay sa kanilang mga nagawa at naiwang pamana sa kasalukuyan?
Simple lamang ang kanilang mga likha.
May angking talino at pagsusumikap ang mga tao
Mas matalino at mahusay ang mga tao sa kasalukuyan.
Mababa lamang ang kalidad ng kanilang mga imbensyon.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na pagpapahalaga sa mga naiwang ambag o pamana ng mga sinaunang tao na nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay noon at sa kasalukuyan?
Gamitin ang orihinal na mga natuklasan at naiwang pamana.
Pasyalan ang mga lugar at bansang pinag – usbungan ng mga sinaunang kabihasnan.
Pasyalan at kuhanan ng mga larawan ang mga bagay na makikita sa mga museo.
Patuloy na paunlarin ang mga bagay sa pamamagitan ng modipikasyon at mga makabagong tuklas.
Ano ang kabuluhan sa kasalukuyan ng mga naiwang kontribusyon o pamana ng mga sinaunang kabihasnan?
Naging palaasa ang kasulukuyang tao sa teknolohiya.
Nakahadlang sa pagkakaroon ng simpleng pamumuhay.
Nagpapaalala ng pagkakaiba ng pamumuhay ng tao noon at sa kasalukuyan
Nagsilbi itong pundasyon at modelo upang mapaunlad pa ang bagay at pamamaraan sa kasalukuyan
Ang Hinduismo, Zoroastrianismo at Kristyanismo ay ilan sa mga relihiyon o paniniwalang nalinang ng mga sinaunang tao. Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa epekto nito sa pamumuhay ng tao?
Nakakaapekto ito sa pagdedesisyon ng mga pinuno.
Nakaapekto ito sa kaunlaran ng mga tao.
Nakaapekto ito sa kapayapaan at katahimikan ng mga pamayanan.
Nakaapekto ito sa pananaw, paniniwala, kilos at gawi at maging sa daloy ng mga pangyayari sa kasaysayan.
