NEW
Font size
WorksheetsSubukin: Mahahalagang Konsepto sa Seksuwalidad ng Tao
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ito ay tumutukoy sa pagiging ganap na lalaki at babae ng isang tao.
Abilidad
Personalidad
Seksuwalidad
Talento
Bilang isang ganap na binata o dalaga, nararapat na ___________________.
ikaw ay kumilos nang naaayon sa kasarian.
umiwas ka sa pakikipag-ugnayang seksuwal.
tanggapin mo ang papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
iyong sundin ang mga tagubilin ng mga nakatatanda hinggil sa
pakikipagrelasyon.
Isa sa mga pangunahing isyu na kadalasang hinaharap ngayon ng mga
kabataang babae ay ang ____________.
pornograpiya
maagang pakikipagtalik
maagang pagbubuntis
relasyon sa kaparehong kasarian
Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO tungkol sa seksuwalidad?
Tumutukoy ito sa kasarian ng isang lalaki o babae.
Ito ay ang pagiging bukod-tangi at ganap na lalaki at lalaki.
Ito ay isang paghahanda para sa susunod na yugto ng buhay.
Tumutukoy ito sa pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng isang tao.
Kinausap ka ng iyong kasintahan at hiningi ang iyong pasya tungkol sa
isang ugnayang seksuwal. Paano ka tutugon sa sitwasyong ito?
Magtatanong at kukunsulta ako sa aking mga kaibigan tungkol dito.
Makikipaghiwalay ako sa aking kasintahan dahil hindi pa ako handa
sa hinihingi niya.
Isusumbong ko siya sa kaniyang mga magulang upang hindi siya
mapapariwara sa buhay.
Kakausapin ko siya at sasabihin na kami ay nasa murang edad pa
lamang at hindi pa handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
Alin sa mga sumusunod ang dapat na tugunan ng isang dalaga o binata
sa yugtong ito?
Magtrabaho upang makatulong sa magulang.
Pagpupursigi na makapagtapos ng pag-aaral.
Pag-iipon ng pera upang matustusan ang pag-aaral.
Panatilihin ang mabuting samahan sa barkada at kaibigan.
Matagal na sanang aaminin ni James ang kaniyang pagtingin kay Marie
ngunit mayroon itong ibang napupusuan. Kung ikaw si James, ano ang
gagawin mo?
Hindi ko na lang ipagpatuloy ang aking nararamdaman sa kaniya.
Babalewalain ko na lang ang aking nararamdaman para sa kaniya.
Kakausapin siya at sasabihin sa kanya ang aking tunay na
nararamdaman.
Hihingi ako ng payo sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat
gawin.
Alin ang pinakamahalagang paalaala na dapat isaisip ng mga kabataan sa
pagkakaibigan sa katapat na kasarian?
Tama lamang ang pagkakaibigang ito dahil naihahanda nito ang sarili
para sa pag-aasawa.
Walang masama sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian sapagkat
normal na karanasan ito ng isang masayang kabataan.
Nararapat na sundin ang limitasyon sa pagkakaibigang ito nang
maiwasan ang mga di magandang pangyayari na maaaring pagsisihan.
Hindi dapat bigyan ng malisya ng ibang tao ang ganitong uri ng
ugnayan dahil ito ay bahagi ng pagpapalalim ng pagkakaibigan.
Para sa bilang na ito, piliin sa mga sumusunod ang HINDI tumutugma sa
pahayag.
“Isang moral na hamon sa tao ang pagbubuo ng seksuwalidad at
pagkatao upang maging ganap ang pagkalalaki o pagkababae”.
Ang lalaki ay dapat na lalaki sa seksuwalidad at pagkatao, ganoon din
ang mga babae.
Maaaring hindi magtugma ang seksuwalidad at pagkatao ng tao.
Hindi moral ang taong hindi buo ang seksuwalidad at pagkatao.
Mahalagang behikulo ng pagkatao ang seksuwalidad.
Para sa bilang na ito, piliin sa mga sumusunod ang HINDI tumutugma sa
pahayag.
Ang seksuwalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao- lalaki o
babae- na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na
kakanyahan lamang.
Ang seksuwalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
Isang daan upang maging ganap na tao ang seksuwalidad.
Maaari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o
karera balang araw.
