wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 Quarter 4 Week 3

Total questions: 12

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang samahan ng mga bansa na naitatag bilang unang hakbang para makamtan ang kapayapaang pandaigdig, pagkatapos ng unang digmaan. Ang pagkatatag nito ay isang mahalagang probisyon ng Treaty of Versailles.

a)

League of Nations

b)

United Nations

c)

Atlantic Charter

2.

Ito ang kapangyarihang tutulan ang pagpapatupad ng isang batas o anumang pagbabago o desisyon.

a)

Expert Power

b)

Coercive Power

c)

Veto Power

3.

Ito ang samahan ng mga bansa na itinatag matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

League of Nations

b)

United Nations

c)

Atlantic Charter

4.

Ito ang bansang hindi sumali sa League of Nations dahil sa patakaran nitong isolationism.

a)

Italy

b)

Germany

c)

USA

5.

Ang deklarasyon na binalangkas nina Pangulong Franklin D. Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill, na nagsilbing saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa (United Nations).

a)

League of Nations

b)

United Nations

c)

Atlantic Charter

6.

Ang limang permanenteng miyembro ng Security Council ng United Nations ay ang mga bansang _______________.

a)

USA, Germany, France, Russia, China

b)

USA, UK, Russia, France, China

c)

UK, Russia, France, Japan, China

7.

Piliin ang HINDI kabilang sa mga layunin ng United Nations.

a)

 Pangangalaga sa kapaligiran

b)

 Pagpapalaganap ng komunismo

c)

Pagsugpo sa nuclear arms proliferation

d)

Pagpapanatili ng kapayapaan sa daigdig

8.

Enero 10, 1920 ang petsa ng opisyal na pagkatatag ng United Nations.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Kung si Woodrow Wilson ang pangulo ng United States nang itatag ang League of Nations, si Franklin D. Roosevelt naman ang pangulo ng United States nang itatag ang United Nations.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang General Assembly ang sangay na tagapagbatas ng United Nations, samantalang ang Security Council naman ang sangay tagapagpaganap nito.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Ang kauna-unahang Sekretaryo-Heneral ng United Nations ay si Boutros Boutros-Ghali.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Suriin ang kambal na pahayag sa ibaba. Tukuyin kung alin sa mga pagpipilian sa ibaba nito ang naglalarawan sa mga pahayag na ito. Piliin at isulat ang LETRA ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

I.                 Pinamahalaan ng League of Nations ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.

II.                Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) at Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay dalawa sa mga pangunahing sangay ng United Nations.

a)

Tama ang unang pangungusap

b)

Tama ang ikalawang pangungusap

c)

Tama ang una at ikalawang pangungusap

d)

Mali ang una at ikalawang pangungusap