Font size
WorksheetsWastong Pangangalaga sa mga Hayop Quiz
Total questions: 7
Worksheet time: 11mins
Si Anna ay may alagang aso. Isang gabi, may kahina-hinalang tao ang umaaligid sa kanilang bahay. Ito ay napansin ng kanyang aso at ito ay tinahulan hanggang sa mapansin ito ng kanilang tatay at dali-dali itong lumabas upang tingnan kung sino ito. Paglabas ng kanyang tatay ay kumaripas na ng takbo ang lalaki. Ano ang kapakinabangang naidulot ng aso ni Anna?
A. Katuwang natin ang mga hayop sa ating mga gawain.
B. Maaari rin silang pagkakitaan.
C. Nagbibigay ng kasiyahan sa atin.
D. Nagpapanatili sila ng ating seguridad.
Mayroong mga alagang baboy, baka at mga manok si Mrs. Reyes, ito ang kabuhayan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagb-breed sa mga ito at kalaunan ay pagbebenta sa mga ito. Ano ang kapakinabangan ang naidulot ng mga hayop na ito kay Mrs. Reyes?
A. Nagpapanatili sila ng ating seguridad.
B. Nagbibigay ng pagkain.
C. Maaari rin silang pagkakitaan.
D. Nagbibigay ng kasiyahan sa atin.
Si Gabriel ay may pangarap na makapunta sa Manila Zoo upang makita ang iba't-ibang klase ng hayop na hindi pa nya nakikita. Ito ay pangarap nya simula pagkabata. Labis ang kaligayahang naramdaman ni Gabriel nang sya ay makapunta rito. Ano ang kapakinabangan ng mga hayop na ito kay Gabriel?
A. Nagbibigay ng kasiyahan sa atin.
B. Maaari rin silang pagkakitaan.
C. Nagpapanatili sila ng ating seguridad.
D. Katuwang natin ang mga hayop sa ating mga gawain.
Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang naglalayong maiwasan ang kalupitan sa mga hayop at nagbibigay ng pansamantalang kanlungan para sa mga aso, pusa at iba pang mga hayop na nailigtas mula sa kalupitan o kapabayaan?
A. City Veterinary Services
B. Philippine Animal Welfare Society
C. Ladybird Animal Sanctuary
D. Pet Family Animal Clinic
Alin sa mga sumusunod na batas ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas?
A. Republic Act 4670
B. Republic Act 8749
C. Republic Act 9275
D. Republic Act 8485
Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga hayop at sa wastong pangangalaga sa mga ito? Ipaliwanag.
Matapos ang talakayan, may nabago ba sa iyong pananaw ukol sa wastong pangangalaga ng mga hayop? Ano ang iyong mga nahinuha? Ibahagi.
