wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP VI

Total questions: 50

Worksheet time: 53mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.

a)

malikhaing pag-iisip

b)

pagkabukas ng isipan

c)

mapanuring pag-iisip

d)

pagsusuring personal

2.

Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili maliban sa:

a)

Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba

b)

Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon

c)

May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan

d)

Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon

3.

Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.

a)

pagkabukas ng isipan

b)

mapanuring pagsusuri

c)

malikhaing pag-iisip

d)

pagsusuring personal

4.

Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?

a)

Nakakatulog ka ng mahimbing

b)

Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga.

c)

Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.

d)

Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.

5.

Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera?

I. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.

II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.

III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon mo na sa elementarya.

IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit upang makatulong sa pamilya.

V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

a)

I, II, at III

b)

II, IV, at V

c)

II, III, at V

d)

III, IV, at V

6.

Kung ikaw ay may kakayahang magsuri ng mga bagay at pangyayari na may kinalaman sa iyo, nagiging malinaw ang mga bagay-bagay kaya’t ikaw ay nakakabuo ng ___________________.

a)

pagkabukas ng isipan

b)

tamang desisyon

c)

mapanuring pag-iisip

d)

pagsusuring personal

7.

Aksidenteng nabagsak mo ang paboritong vase ng iyong ina. Walang nakakita sa pangyayari. Ano ang gagawin mo?

a)

Aalis ka agad sa lugar na pinangyarihan upang hindi ka mapagalitan ng nanay mo.

b)

Hahayaan mo na lang ang nabasag na vase at itatanggi mo na lang na ikaw ang may gawa nito.

c)

Sasabihin mo sa nanay mo ang totoo at sasabihing hindi mo sinasadya ang pagkabasag nito.

d)

Ituturo mo ang iyong isang taong gulang na kapatid na syang may gawa nito, tutal hindi pa naman ito nakakapagsalita.

8.

Nakita mong nandaraya sa pagsusulit ang iyong kamag-aaral. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasabihin mo sa iyong guro ang kanyang ginawa.

b)

Lalapit ka sa kanya at mangongopya sa kanya.

c)

Hindi ka na lang iimik at baka magalit siya sa iyo.

d)

Hahayaan mo na lang siya sa kanyang ginagawa.

9.

Hindi mo nagawa ang iyong asignatura sa Matematika dahil napuyat ka sa panonood ng paborito mong palabas sa telebisyon. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi ka nalang papasok dahil mapapagalitan ka naman ng iyong guro.

b)

Sasabihin mo na lang sa iyong guro na umalis ang pamilya mo kagabi kaya hindi ka nakagawa ng asignatura.

c)

Sasabihin mo sa iyong guro ang totoong naganap at mangangakong hindi na ito uulitin pang muli.

d)

Mangongopya ka na lang ng asignatura sa kaklase mo.

10.

Nabagsak mo ang cellphone ng nakakatanda mong kapatid na naging sanhi ng pagkasira nito. Batid mong magagalit ito sa oras na malaman ang nangyari sa kanyang cellphone. Ano ang gagawin mo?

a)

Itatapon mo ang cellphone nya at palalabasing ninakaw ito.

b)

Aantayin mong dumaan ang kapatid mo saka mo ibabagsak muli ang cellphone nya para mapalabas mong sya ang nakabagsak nito.

c)

Ipapahawak ang cellphone sa nakakabata mong kapatid para siya ang mapagbintangang nakasira ng cellphone.

d)

Aaminin mo sa iyong kapatid ang nangyari at hihingi ng paumanhin sa iyong nagawa.

11.

Labag sa alituntunin ng inyong paaralan ang pagsusulat sa dingding. Nakita mong sinusulatan ng ilang kamag-aaral mo ang dingding. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipapaalam mo sa iyong guro ang kanilang ginawa.

b)

Hahayaan mo na lang sila sa kanilang ginagawa.

c)

Sasali ka sa kanilang ginagawa.

d)

Aawayin mo sila dahil labag sa alituntunin ang kanilang ginagawa.

12.

Nagkaroon ng pangkatang gawain ang inyong section sa inyong baitang. Nanghingi ng opinyon ang inyong lider kung ano ang magandang proyekto na inyong gagawin. May naisip kang proyekto na iyong inihain sa pulong ngunit may naisip ding proyekto ang isa sa iyong kamag-aral. Dahil dito nagkaroon ng botohan kung anong proyekto ang inyong gagawin. Napili ng nakakarami ang proyekto ng iyong kamag-aral. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipipilit mo ang iyong proyekto dahil sa iyong palagay higit itong maganda at mas mabibigyan ng mas mataas na marka ng inyong guro.

b)

Sasabihin mong mag-isip pa ng ibang proyekto at wag na lang gamitin ang dalawang naunang proyekto.

c)

Hahayaan mo nalang na gawin ng grupo ang proyektong naisip ng iyong kamag-aral dahil ito ang napagpasyahan ng nakakarami.

d)

Aalis ka sa pagpupulong dahil hindi napili ang iyong naisip na proyekto.

13.

Napili ka ng iyong kamag-aral na pamunuan ang isang espesyal na proyekto ng inyo section upang ipresenta sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?

a)

Tatanggihan mo ito dahil makakadagdag pa ito sa iyong mga gawain.

b)

Tatanggapin mo ito ngunit hindi ka kikilos dahil hindi mo naman ito kagustuhan.

c)

Tatanggapin mo ito dahil malaki ang tiwala ng iyong kamag-aral sa iyo.

d)

Ipapasa mo nalang sa iba ang tungkuling ipinagkatiwala sa iyo ng grupo.

14.

Nagwalk-out ang iyong kamag-aral dahil hindi sinang-ayunan ng inyong grupo ang nais niyang proyekto para sa inyong pangkat. Ano ang gagawin mo?

a)

Susundan mo sya at dadamayan siya sa kanyang ginawa dahil nauunawaan mo ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.

b)

Susundan mo sya upang ipaliwanag sa kanya na dapat sundin ang pasya ng mas nakakarami.

c)

Kakausapin mo sya na gumawa na lang ng ibang grupo para masunod ang proyektong naisip nya.

d)

Hahayaan mo na lang syang magwalk-out tutal sya naman ang mawawalan ng marka sa ginawa nya.

15.

Hindi tinanggap ng inyong pangkat ang ideyang naisip mo noong huli kayong nagpulong para sa pangkatang report na gagawin ninyo sa inyong asignatura. Magkakaroon muli ng isa pang pagpupulong para isapinal ang inyong gagawin. Ano ang iyong gagawin?

a)

Dadalo ka at ipagpipilitan ang ideya na naisip mo.

b)

Hindi ka na lang dadalo dahil hindi napili ang ideya mo.

c)

Dadalo ka pa rin dahil iyon naman ang napagkasunduan ng mas marami sa grupo.

d)

Hindi ka na lang makikiisa sa grupo at magrereport ka na lang ng solo mo.

16.

Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagkilala ng tamang impormasyon?

a)

ano ang mayroon

b)

larawan

c)

datos at patotoo

d)

lugar kung saan nakuha

17.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakatutulong?

a)

Palagi si Jared nanonood sa Youtube.

b)

Si Loida ay nakinig ng usapan ng kapitbahay.

c)

Sumunod si Nazareen sa ipinag-uutos ng mga frontliners.

d)

Mas pinahalagahan ni Zion ang sabi ng kaibigan na hindi alam kung totoo.

18.

Alin ang nagsasaad na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon?

a)

Nanood si Alvin ng sine.

b)

Naglaro si Kyle ng mobile legend.

c)

Si Jude ay gumamit ng Google upang makatulong sa kanyang mga aralin.

d)

Si Paula ay nagtanong sa kanyang ate ng tamang sagot sa kanyang gawaing bahay.

19.

Paano ang wastong paggamit ng social media?

a)

mag-tiktok

b)

maglalaan ng oras sa paggamit

c)

maglalaro ng online games

d)

buong araw naka-online

20.

Nabalitaan mo na ang simula ng klase ay maaaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito totoo, ano ang gagawin mo?

a)

magtatanong sa iyong kaklase

b)

magtatanong sa iyong guro

c)

ipamamalita sa kapitbahay

d)

ipopost sa facebook

21.

Kinausap si Brent ng kanyang ina na uunahin muna niyang ibili ng gamit ang kanyang kapatid dahil bukod sa kapos ang kanilang pera, magtatapos na ang kanyang kapatid sa kolehiyo. Nangako naman ang ina na siya naman ang ibibili sa susunod na pagsahod. Naunawaan naman ito ni Brent.

a)

OPO, nagpapakita ito ng bukas na pag-iisip.

b)

HINDI PO ito nagpapakita ng bukas na pag-iisip.

22.

Nangako ang ama ni Marcus na ibibili sya ng bagong cellphone pagdating ng sahod nito. Subalit ng dumating ang araw ng pagsahod, may biglaang pinagbayaran ang kanyang ama kaya hindi ito nakabili. Nagtampo at nagkulong sa silid si Marcus.

a)

OPO, nagpapakita ito ng bukas na pag-iisip.

b)

HINDI PO ito nagpapakita ng bukas na pag-iisip.

23.

Kinailangang mapahinto sa pag-aaral si Micaih dahil nagkasakit ang kanyang ama at kailangan magpahinga sa pagtatrabaho. Dahil gustong makapag-ipon sa pag-aaral at para makatulong na rin sa pamilya, tumanggap siya ng mga partime job.

a)

OPO, nagpapakita ito ng bukas na pag-iisip.

b)

HINDI PO ito nagpapakita ng bukas na pag-iisip.

24.

Sinisisi ni Darryl ang kanyang magulang dahil sa pagiging mahirap ng kanilang buhay. Aniya kung nagsikap lamang sana ang mga ito ay hindi magiging ganoon ang kanilang buhay.

a)

OPO, nagpapakita ito ng bukas na pag-iisip.

b)

HINDI PO ito nagpapakita ng bukas na pag-iisip.

25.

Hindi nakamit ni Sofia ang unang karangalan sa kanilang paaralan. Ipinaliwanag ng kanyang guro ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanyang pwesto. Naunawaan naman ito ni Sofia.

a)

OPO, nagpapakita ito ng bukas na pag-iisip.

b)

HINDI PO ito nagpapakita ng bukas na pag-iisip.

26.

Nasira ng nakababatang kapatid mo ang iyong proyekto sa EPP. Isang linggo mo itong pinaghirapang gawin. Pinili mong huwag magalit dahil alam mong bata pa ito at hindi pa niya nauunawaan ang kanyang ginawa.

a)

Nagpamalas ng pagkamahinahon

b)

Hindi nagpamalas ng pagkamahinahon

27.

Nagkaroon ng malakas na lindol sa inyong lugar. Marami ang natakot at nataranta sa pangyayari. Naalala mo ang ginawa ninyo sa inyong earthquake drill at ginamit mo ito.

a)

Nagpamalas ng pagkamahinahon

b)

Hindi nagpamalas ng pagkamahinahon

28.

Nabuhusan ng iyong kapatid ng toyo ang paborito mong damit. Nagalit ka at pinalo ang iyong kapatid.

a)

Nagpamalas ng pagkamahinahon

b)

Hindi nagpamalas ng pagkamahinahon

29.

Sinabi ng mga kaibigan mo na pinagsasalitaan ka ng masama ng isa sa iyong mga kaklase sa tuwing nakatalikod ka. Minabuti mong kausapin sya ng mahinahon at itinanong kung ano ang problema nito sa iyo.

a)

Nagpamalas ng pagkamahinahon

b)

Hindi nagpamalas ng pagkamahinahon

30.

Hindi mo nagustuhan ang ipinagawa mong proyekto sa iyong pinsan dahil hindi nito sinunod ang iyong sinabi. Kaya ibinato mo ito sa labas.

a)

Nagpamalas ng pagkamahinahon

b)

Hindi nagpamalas ng pagkamahinahon

31.

Ang tamang impormasyon ay nakakatulong sa tamang pagdedesisyon.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Dapat mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon lalo na kung panahon ng krisis.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang fake news ay nakapaghahatid ng kapahamakan sa kapwa.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ang radyo ay isa sa nakukunan natin ng impormasyon.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Agarang magbigay ng desisyon para malunasan ang suliranin.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Isipin nang tama ang lahat ng sasabihin para mabigyan ng tamang desisyon ang anumang problema.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Iasa palagi sa lider ang desisyon kapag may pangkatang gawain.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Timbangin ang bawat detalye sa solusyon ng bawat problema bago magpasya.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Ayaw lumagda ni Uzumika sa isang petisyon sapagkat hindi pa niya napag-aaralan kung ano ang magiging epekto nito sa nakararami.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Nakikiayon sa pasiya ng nakararami para sa ikaaayos ng suliranin.

a)

Tama

b)

Mali

41.

Nagagalit kapag hindi pumapanig sa gusto niyang mangyari ang kanyang kagrupo.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Iniisip ang mga sasabihin bago magsalita upang hindi makasakit ng damdamin.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Mahinahong makisama sa mga kasama sa grupo.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Mahalagang sumangguni muna at alamin ang opinyon sa iba bago magdesisyon.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Marunong umunawa sa sitwasyon at nagdedesisyon ng may paninindigan para sa kapwa.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Ibinigay ni Irish ang kanyang naipon para tulungan ang mga walang makain at nagugutom sa panahon ng pandemya.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Nakipagsiksikan si Marco sa maraming tao para lamang makakuha ng ayuda.

a)

Tama

b)

Mali

48.

Tumulong sa pamamahagi ng relief goods at sumunod sa safety protocol upang hindi mahawahan ng virus.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Pinagtawanan ni Juan ang mga umiiyak na apektado ng pandemya.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Naghatid ng tulong si Arianne sa mga lugar na apektado ng COVID 19.

a)

Tama

b)

Mali