WorksheetsMATH Q1 WEEK 6 WORKSHEETS
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Mag-iisang taong gulang na ang kambal na kapatid ni Ryan. Gapang dito, gapang doon. Pagsamahin ang bilang ng mga maliliit na kamay at paa na gumagapang-gapang sa salas nila Ryan.
7
8
9
10
Tumanggap ng ayuda ang 7 873 senior citizens at 1 627 PWD ( person with disability )mula sa kanilang alkalde. Ilan ang kabuuan ng nabigyan na ayuda?
8490
8640
9490
9500
Nang simulan ang new normal na pamumuhay sa kanilang lugar, tanging pagdedeliber ng sandwich ang naging negosyo ni Aling Dina sa mga malalaking opisina. Noong Lunes ay kumita siya ng Php 4, 020 , sa araw ng Miyerkules ay Php 2 415. Magkano ang kabuuang kita ni Aling Dina sa tatlong araw?
6425
6345
6435
6245
Panahon ng makopa ngayon. Napuno ni Don ang unang basket ng 135 makopa at 203 makopa naman ang ikalawang basket. Ilang makopa lahat ang napitas ni Don sa mga puno ng makopa?
345
338
348
238
10 paa lamang ng pasahero ang umakyat sa dyip dahil sa social distancing. Ilan lahat ang sakay na pasahero nito?
4
5
6
7
May 6 na parisukat na mesa. Ang gaganda ng mesa! Ilan lahat ang mga paa ng mesa?
6
12
18
24
Tanaw ko ang 8 sungay ng kalabaw sa ilalim ng puno ng mangga Ilang kalabaw ang nagpapahinga rito?
1
2
3
4
Pinagmamasdan ni Wil ang mga tutubing nakatigil sa halamanan. Wow 8 pakpak! Ilang tutubi ang naroon sa halamanan?
2
4
6
8
Binilang ni Peter ang mga paa ng alaga niyang pusa. Wow, tatlumput dalawa! Ilan ang alaga niyang pusa?
2
4
6
8
May 10 batang naglalaro. Ang kanang kamay nila ay nakatago sa bulsa. Ilang daliri lahat ang nakalabas?
20
30
40
50
May 5 aso ang tumatahol sa labas ng bahay. Ilan lahat ang paa nito?
4
6
8
10
Nag-igib si kuya ng 10 timbang tubig noong Lunes, 13 na timbang tubig naman noong Miyerkules at 19 naman noong Biyernes. Ilan lahat ang timbang tubig ang naigib ni Kuya?
40
41
42
43
Nagtanim si nanay ng sili. Nagbunga ito ng 127 noong unang bunga, at 254 naman sa ikalawang bunga. Ilan lahat ang bunga ng sili ni nanay?
371
381
391
491
Bumili si nanay ng mga paso. 28 para sa mga mustasa, 16 para sa mga kamatis. Ilan lahat ang paso ni nanay?
41
42
43
44
Maraming alagang manok si tatay. Niluto ni nanay ang 4 manok. Ilan lahat ang paa nito?
2
4
6
8
Namigay ng mga modules ang aming paaralan. Sa unang araw ay nabigyan ng modules ang 560 mag-aaral. Sa ikalawang araw naman ay nabigyan ang 475 mag-aaral. Ilan lahat na mag-aaral ang nabigyan ng modules?
8035
9035
1,035
1135
Maganda ang bentahan ng hipon ni Aling Sonia. Kumita siya noong Lunes ng PhP 2 300 . Noong Martes naman ay kumita siya ng PhP1, 800. Magkano lahat ang kinita ni Aling Sonia sa loob ng dalawang araw?
3800
3900
4000
4100
Sa pamamasada ni CJ ng tricycle noong bakasyon, nakaipon siya ng Php. 6 495. Mula naman ng magbukas ang klase ay namamasada pa rin siya at nakaipon ng PhP 2 300. Magkano na lahat ang naipon ni CJ?
8765
8775
8795
8695
Mayroong ginawa si Red na mga patalastas at inilagay sa social media. Ang unang patalastas ay tungkol sa pagpapatibay ng resistensiya. Ito ay umani ng 3859 views. Samantala ang ikalawang patalastas ay tungkol sa tips ng pag-aaral nang mabuti. Ito ay mayroong 4296 views. Ilan ang kabuuang views ng dalawang patalastas na ginawa ni Red?
8155
8255
8355
8465
Marami pa ring mga pulubi ang nasa lansangan. Tinipon sila ng mga social workers at dinala sa isang bahay panuluyan. Sa distrito 1 ng lungsod ay nakalap ang 2 345 na street dwellers at samantala sa distrito 2 ay 948 . Ilang pulubi lahat ang nadala sa bahay panuluyan?
3193
3293
3393
3493
