NEW
Font size
WorksheetsIkatlong Lagumang Pagsusulit sa AP 3
Total questions: 30
Worksheet time: 2hrs 30mins
Bakit tanyag ang General Santos City? Dahil ________.
tinagurian itong Tilapia Capital of the Philippines.
maraming iba’t ibang uri ng seafoods dito.
tinagurian itong Tuna Capital of the Philippines.
Bakit dinarayo ng mga tao ang Rehiyon II? Dahil______.
maganda ang mga korales sa karagatan nito.
maraming masasarap at iba’t ibang klase ng seafood dito.
nangunguna ito sa pagkukuha ng Tilapia.
Malawak ang kapatagan ng Gitnang Luzon kaya tinagurian itong _______.
Rice Bowl of the Philippines
Salad Bowl of the Philippines
Sugar Bowl of the Philippines
Pangunahing produkto ng Negros Occidental ang tubo kaya tinatawag ang lalawigang ito bilang ____.
Rice Bowl of the Philippines
Salad Bowl of the Philippines
Sugar Bowl of the Philippines
Dinarayo ang Benguet dahil sa klima nito at malaking sakahan ng strawberry kaya tinagurian itong ____.
Rice Bowl of the Philippines
Salad Bowl of the Philippines
Sugar Bowl of the Philippines
Bakit tanyag ang Tubbataha Reef sa Mindanao? Dahil ____.
maraming Tuna sa dagat na ito.
pinaninirahan ito ng naglalakihang Tilapia.
maraming magagandang korales at iba’t ibang uri ng isda.
Kilala ang Gitnang Luzon sa malawak nitong sakahan. Ano ang pangunahin nilang produkto?
palay
tubo
durian
Aling rehiyon ang tinaguriang Tilapia Capital of the Philippines?
Rehiyon II
Rehiyon VI
Rehiyon VII
Ikinabubuhay ng pamilyang Manayon ang mga produktong nakukuha nila sa kanilang sakahan. Ang mga produktong ito ay tinatawag na ______.
Yamang Lupa
Yamang Tubig
Yamang Mineral
Ang General Santos City ay mayaman sa yamang tubig. Ano ang pangunahing yamang tubig na makukuha rito?
Tilapia
Tuna
Seafoods
Ginagamit ang buhangin sa paggawa ng bahay. Anong uri ng yamang mineral ang buhangin?
Metalik
Di-Metalik
Panggatong
Alin sa sumusunod ang Di-metalik na uri ng yamang mineral?
Bakal
Ginto
Aspalto
Mahalaga ang petrolyo sa ating transportasyon. Anong uri ng yamang mineral ito?
Metalik
Di-Metalik
Panggatong
May plano ang ama mo na gawing lalawigan ang inyong lugar. Ano ang unang hakbang upang mabuo ito?
Isasabatas ang ipinanukalang lalawigan.
Magsasagawa ng Plebisito.
Ipapanukala sa Kongreso.
Bakit mahalaga ang “Kita” ng lugar sa pagbuo ng lalawigan? Tinutukoy nito kung _______.
sapat ba ang bilang ng tao.
magkakalapit ba ang mga lugar na sakop nito.
sapat ba ito upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Nagpupulong ang mga mamamayan ng Sta. Cruz upang
pagbutohan ang pagiging lalawigan ng kanilang lugar. Ang pagpupulong na ito ay tinatawag na______.
Seremonya
Misa
Plebesito
Hinati ang Apayao at Kalinga upang matugunan ang
pangangailangan ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino na naninirahan doon. Anong Saligang Batas ang nagpapatibay nito?
Republic Act No. 7878
Republic Ac No. 4221
Presidential Decree No. 6734
Malayo ang pulo ng Tawi-Tawi sa Sulu kaya inihiwalay ito at binuong isang lalawigan. Aling Saligang Batas ang nagpapabisa nito?
Republic Act No. 7878
Republic Ac No. 4221
Presidential Decree No. 6734
Paano maitatatag ang isang lalawigan? Kung ____.
pumasa ito sa batayang itinakda ng pamahalaan.
sinang-ayunan ito ng mga mamamayan.
Lahat ng nabanggit
Kapag karamihan sa kongreso ay sang-ayon sa panukala na bumuo ng bagong lalawigan, ano ang mangyayari pagkatapos?
Mapapawalang bisa ang pagtatag ng lalawigan.
Maisasabatas ang bagong lalawigan.
Hihingin ang lagda ng pangulo.
Panuto: Piliin ang Sang-ayon kung ang sumusunod na mga sitwasyon ay nagpapakita nang maayos na pangangasiwa ng mga yamang likas at Hindi Sang-ayon kung hindi.
Kinukuha ni Mang Kulas ang mga maliliit na isda kahit hindi pa sapat ang laki nito upang ipagbili sa pampublikong pamilihan.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Nakakita si Mark ng napakalaking agila. Kinuha nya ang gamit pangkuha ng mga ibon at hinuli niya ito.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Ugali ni Maria ang mag re-use, reduce at recycle.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Tinapon ni Lira ang plastik sa sapa dahil wala silang basurahan.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Sumali ako sa aktibidad ng aming komunidad ang Cleanliness Drive.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Pinuputol ni Mang Jose ang mga punong kahoy na may karatulang “No Illegal Logging!”
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Nangunguna ang pamayanang Sta. Cruz sa Tree Planting Activity.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Kinaugalian na ng aming pamilya na ihiwalay ang mga nabubulok at di-nabubulok na mga basura.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Nag-iimbak ng mga buhangin ang tiyohin ni Mae kahit hindi pa nila kailangan ito upang maging lamang sa kapitbahay nila.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Ipinagbabawal ng Mayor ng Alcoy ang paggamit ng cyanide at dinamita sa pangingisda.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
