wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

q1

Total questions: 20

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

a)

Globalisasyon

b)

Industriyalisasyon

c)

Mekanismo

d)

Teknolohiya

2.

Anyo ng Globalisasyon na kinakakitaan ng malalaking korporasyon na nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging isang bansa.

a)

Politikal

b)

Sosyo- kultural

c)

Ekonomiko

d)

Teknolohiya

3.

Anyo ng globalisasyon na tumutukoy sa mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.

a)

Ekonomiko

b)

Sosyo- kultural

c)

Teknolohiya

d)

Politika

4.

Anyo ng globalisasyon na naglalarawan sa unti unting pagyakap sa ibang kultura o "enculturation".

a)

sosyo- kultural

b)

teknolohiya

c)

ekonomiko

d)

politikal

5.

Anyo ng globalisasyon na nagpapabilis ng daloy ng komunikasyon, transportasyon at kalakalan.

a)

politikal

b)

teknolohiya

c)

sosyo- kultural

d)

ekonomiko

6.

Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?

a)

A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.

b)

B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa.

c)

C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.

d)

D. Pagpaptayo ng ng mga Business Process Outsourcing o call center company sa bansa

7.

Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?

a)

A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag

b)

B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan

c)

C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.

d)

D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya

8.

Kalimitang kumukuha ng mga

manggagawa ang mga MNC’s at TNC’s

sa mga papaunlad na bansa. Ito ay sa

kadahilanang:

a)

Cheap Labor

b)

Masunurin ang mga

manggagawa sa kanilang employer

c)

May malasakit sa kapwa

d)

Skilled ang mga manggagawa

9.

Ang kawalan ng access sa edukasyon

para mapahusay ang skills sa paggamit

ng teknolohiya ay dulot ng ___________.

a)

kahirapang nararanasan ng

mga mamamayan

b)

katamaran ng tao

c)

kawalan ng oportunidad

d)

kawalan ng suporta ng

pamahalaan

10.

Isa sa epekto ng globalisasyon ay ang paghahalo ng kultura ng mga bansa na minsan ay nagdudulot ng pagkalimot o pagkawala ng sariling kultura ng bansa. Paano mo ito maiiwasan?

a)

sa pamamagitan ng pagsunod sa uso

b)

sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasagawa ng mga kinagisnang kultura ng bansa

c)

sa pamamagitan ng araw araw na pag­surf sa internet

d)

sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sariling kultura at pagtalikod sa iba pang kultura

11.

Ang globalisasyon ay sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng lipunan at panig ng daigdig. Maraming maunlad at papaunlad na bansa ang nakararanas ng masamang epekto nito lalo na sa kalakalang panlabas. Ano ang dulot ng globalisasyon na may kaugnayan sa paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng naturang bansa?

a)

ang pag-asenso ng mga local na industriya

b)

ang pagtambak ng labis na produkto

c)

ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakalan

d)

ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mga mamamayan

12.

Alin sa sumusunod ang HINDI mabuting dulot ng mga korporasyong multinasyonal?

a)

Kinukumpitensya nito ang mga lokal na industriya at pinagkukunang yaman ng bansa

b)

Nagkakaloob ito ng empleo sa mga mamamayan at buwis sa pamahalaan

c)

Nakapagbibigay ito ng makabagong kaalaman at teknolohiya sa paglinang ng industriya ng bansa

d)

Ito ay pinagkukunan ng alternatibong pondo ng pamahalaan

13.

Ang pananaw na ito ay nagsasabi na ang globalisasyon ay mauugat sa espesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan

a)

Unang Pananaw ng Perspektibo

b)

Ikalawang Pananaw ng Perspektibo

c)

Ikatlong Pananaw ng Perspektibo

d)

Ikaapat na Pananaw ng Perspektibo

14.

ay nagsasaad na ang globalisasyon ay

nagsimula sa kalagitnaan ng ika – 20 na siglo, kung saan tatlong pangyayari ang may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon

a)

Ikatlong Pananaw ng Perspektibo

b)

Ikalawang Perspektibo

c)

Ikalimang Perspektibo

d)

Unang Perspektibo

15.

Ang Globalisasyon ay naka-ugat o nakatahi sa bawat isa.

a)

Unang Pananaw ng Perspektibo

b)

Ikatlong Pananaw ng Perspektibo

c)

Ikaapat na Pananaw ng Perspektibo

d)

Ikalimang Pananaw ng Perspektibo

16.

ng globalisasyon ay nagsasabi na ang

globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.

a)

Ikalimang pananaw ng Perspektibo

b)

Unang Pananaw ng Perspektibo

c)

Ikalawang Pananaw ng Perspektibo

d)

Ikaapat na Pananaw ng perspektibo

17.

Naniniwalang may anim na “wave o

panahon ang globalisasyon ayon kay Therborn (2005)

a)

Pang-apat na Pananaw ng perspektibo

b)

Ikatlong Pananaw ng Perpektibo

c)

Unang Pananaw ng Perspektibo

d)

Ikalawang Pananaw ng Perspektibo

18.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng globalisayon sa pang araw araw na pamumuhay?

a)

pagtangkilik ng mga local na produkto

b)

paggamit ng mga produkto ng mga dayuhan

c)

pagkahilig sa mga palamuting gawa sa abaka

d)

pagtatayo ng sariling negosyo sa komunidad.

19.

Maraming mga Pilipino ang pumunta sa ibang bansa para maghanapbuhay. Kaya naman nagkakaroon ng brain drain sa mga manggagagawang Pilipino. Ano ang dapat gawin upang mahikayat ang mga Pilipino na manatili at magtrabaho sa bansa?

a)

bigyan ang mga Pilipino ng puhunan upang magsimula ng negosyo

b)

manghikayat ang pamahalaan ng mga mamumuhunan ng sa ganun ay maraming mabigyan ng trabaho

c)

higpitan ang proseso ng pagpapaalis sa mga Pilipino upang hindi na sila umalis pa ng bansa

d)

bigyan pansin ang tamang pagpapasweldo at benepisyo sa mga mangagagwa at ang pagbubukas ng mga trabaho

20.

Bakit higit na mabilis at malawak ang pagdaloy ng mga produkto, serbisyo at pamumuhunan sa pagitan ng mga bansa?

a)

dahil sa mga sistemang pang ekonomiya ng bansa at paglaganap makabagong teknolohiya

b)

ahil sa pagkakaroon ng isang sistemang pang ekonomiya ng mga bansa sa buong mundo

c)

dahil sa paglaganap ng internet na siyang nagpapabilis ng kalakalan

d)

dahil sa pag-usbong ng mga Multinational Corporations