wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SECOND QUARTER TEST PART 2 FILIPINO 7

Total questions: 50

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing o naglalarawan ng pangngalan at panghalip.

a)

pang-abay

b)

pang-uri

c)

pang-ugnay

d)

pandiwa

2.

Ito ay paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit pang mga bagay. Ito rin ay pwedeng magamit sa paglalarawan ng antas o katangian ng tao, hayop, ideya o pangyayari.

a)

pang-uri

b)

panuring

c)

paghahambing

d)

kaantasan

3.

Ito ay ang paghahambing na ginagamit kung ang dalawang inihahambing ay antas na katangian ng isang tao, o bagay, at iba pa.

a)

Lantay

b)

magkatulad

c)

di-magkatulad

d)

pasukdol

4.

aito ay ang paghahambing na ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

di-magkatulad

d)

pasukdol

5.

Ito ay ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

d)

pasahol

6.

Ito ay ang pinakamataas na antas ng paghahambing, nagsasad rin ito ng kasukdulan o katindihan ng katangian.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

di-magkatulad

d)

pasukdol

7.

Inilalarawan nito ang katangian ng isa na nakahihigit o nakalalamang sa inihahambing.

a)

patulad

b)

palamang

c)

pasahol

d)

pasukdol

8.

Ito ay paghahambing na may mahigit na katangiang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing dito.

a)

patulad

b)

palamang

c)

pasahol

d)

pasukdol

9.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Malalim na ang gabi ng umuwi ang mag-asawa.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

10.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Sobrang saya ang naramdaman ko nang umuwi kami ng probinsya.

a)

lantay

b)

pasukdol

c)

palamang

d)

pasahol

11.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Mas selosa ang kanyang asawa kaysa sa asawa ng kanyang kaibigan.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

12.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Sintigas ng bato ang kanyang puso.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

13.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Totoong matalinong bata si Guiller.

a)

lantay

b)

pasahol

c)

palamang

d)

pasukdol

14.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Di lubhang maunlad ang bansang Vietnam gaya ng Japan.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

15.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Gabundok ang labahin ni Aling Marta.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

16.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Malinamnam ang niluto ni nanay na kakanin.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

17.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Higit na malawak ang kabukiran nina Greta kaysa kina Greg.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

18.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Di-gaanong malamig ngayong buwang ito kaysa noong nakaraang taon.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

19.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.

Saksakan ng likot ng batang iyan.

a)

lantay

b)

palamang

c)

pasahol

d)

pasukdol

20.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.


Magkasingputi ang magkakapatid na Santos.

a)

lantay

b)

magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

21.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

a)

sukat

b)

tugma

c)

talinhaga

d)

pantig

22.

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula at nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

a)

sukat

b)

tugma

c)

andante

d)

allegro

23.

Ito ay paraan ng pagtutugma ng tunog kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

a)

assonance

b)

consonance

c)

andante

d)

allegro

24.

Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

a)

talinhaga

b)

idyoma

c)

salawikain

d)

tayutay

25.

Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.

a)

pagpapalit- saklaw

b)

paglilipat- wika

c)

pagpapalit-tawag

d)

pagtatao

26.

Ito ay pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.

a)

anapora

b)

anadiplosis

c)

Empanados

d)

katapora

27.

Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

a)

anapora

b)

anadiplosis

c)

Empanados

d)

katapora

28.

Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

a)

anapora

b)

anadiplosis

c)

Empanados

d)

katapora

29.

Ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.

a)

pag-uulit

b)

anapora

c)

anadiplosis

d)

empanados

30.

Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam.

a)

Eksaherasyon

b)

pag-uyam

c)

pagtatao

d)

pagtanggi

31.

Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.

a)

pagwawangis

b)

pagtatao

c)

paglilipat-wika

d)

pagtawag

32.

Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag- usap sa isang buhay na tao.

a)

pagtawag

b)

pagtatao

c)

paglilipat-wika

d)

Pag-uyam

33.

Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.

a)

paglilipat-wika

b)

pagpapalit-saklaw

c)

pagpapalit-tawag

d)

pagtatao

34.

Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.

a)

pagtutulad

b)

pagwawangis

c)

pagtatao

d)

pag-uyam

35.

Ito ay gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang bagay.

a)

pagtatao

b)

pagpapalit-tawag

c)

pagpapalit-saklaw

d)

paglilipat-wika

36.

Tukuyin ang uri ng tayutay sa mga sumusunod na pangungusap.


Ang bait mo talaga kaya naman marami kang kaaway.

a)

pag-uyam

b)

pagtanggi

c)

pagmamalabis

d)

pagwawangis

37.

Ang buhaya ng tao ay parang gulong, minsan ay nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim.

a)

pagtatao

b)

pagtutulad

c)

pagwawangis

d)

paglilipat-wika

38.

Tukuyin ang uri ng tayutay sa mga sumusunod na pangungusap.


Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati.

a)

pag-uyam

b)

pagtanggi

c)

pagmamalabis

d)

pagwawangis

39.

Gabi, lumayo ka muna at antalahin ang iyong pagdating, marami pa kaming gawaing dapat tapusin.

a)

pagtatao

b)

pagtawag

c)

pagwawangis

d)

paglilipat-wika

40.

Tukuyin ang uri ng tayutay sa mga sumusunod na pangungusap.


Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

a)

paglilipat-wika

b)

pagtatao

c)

pagpapalit saklaw

d)

pagwawangis

41.

Hinalikan ako ng malamig na hangin.

a)

Simile

b)

Metapora

c)

Personipikasyon

d)

Hayperboli

42.

Si Elena ay isang diwata sa ganda.

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis

c)

Pagmamalabis

d)

Pagsasatao

43.

Habang nasa loob ka ng aking bakuran, ako ang masusunod.

a)

Pagtutulad

b)

Pagpapalit-saklaw

c)

Pagwawangis

d)

Pagsasatao

44.

Tukuyin ang tayutay na ginamit sa bawat pangungusap.


Ang mundo ay isang entablado.

a)

Pagtawag

b)

Personipikasyon

c)

pagwawangis

d)

pagtutulad

45.

Tukuyin ang tayutay na ginamit sa bawat pangungusap.


Bumaha ng luha sa NAIA nang dumating ang labi ng kanilang kamag-anak na nagtrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa.

a)

Personipikasyon

b)

Metapora

c)

Pagmamalabis

d)

Simili

46.

Si Prinsipe Howard ang tagapagmana ng korona.

a)

paglilipat- wika

b)

pagpapalit-saklaw

c)

pagpapalit- tawag

d)

pagwawangis

47.

Ang Mindanao ay ang lupang pinangako sapagkat ayon sa panaginip ng magkapatid na Bala-os at Bala-as ay ang pulong ito ang sinabi ni Magbabaya.

a)

tama

b)

mali

c)

di-sigurado

48.

Ang ibig sabihin ng Magbabaya ay Bathala.

a)

tama

b)

mali

c)

di-sigurado

49.

Si Bala-as ay naglakbay patungo sa Silangan upang maghanap ng tubig kaya ito ay nakarating sa Lawa ng Lanao.

a)

Tama

b)

mali

c)

Di-sigurado

50.

Umakyat sa bundok Si Bala-as at nakita niya ang lawa ng Ngisawan na nangangahulugang Ngisaw o Smile.

a)

tama

b)

mali

c)

i-sigurado