wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSUSULIT 2.1 TULA (IKALAWANG MARKAHAN)

Total questions: 25

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.

a)

PANITIKAN

b)

TULA

c)

SAKNONG

d)

TALUDTOD

2.

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan

a)

TRADISYUNAL

b)

BERSO BLANGKO

c)

MALAYANG TALUDTURAN

d)

TULA

3.

Tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga kabataan.

a)

TRADISYUNAL

b)

BERSO BLANGKO

c)

MALAYANG TALUDTURAN

d)

TULA

4.

Tulang may sukat bagamat walang tugma.

a)

TRADISYUNAL

b)

BERSO BLANGKO

c)

MALAYANG TALUDTURAN

d)

TULA

5.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ

Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,

Sino ang may-akda ng linyang ito?

a)

Jose Rizal

b)

Amado V. Hernandez

c)

Alejandro G. Abadilla

d)

Juan Miguel Severo

6.

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali...

Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo

Iniibig kita, at ubos na ubos na ako...."

Sino ay may-akda sa tulang ito?

a)

Jose Rizal

b)

Amado V. Hernandez

c)

Alejandro G. Abadilla

d)

Juan Miguel Severo

7.

Lipad, lipad

Kaya mong lumipad

Sa sipag at tiyaga

Abot mo ang iyong pngarap

Kahit anong lakas ng hangin

Ay hindi mo susukuan

Dahil ang pangarap mo’y

Kailanman hindi susukuan

Sino ang may-akda ng tulang "PANGARAP"?

a)

Anthony Vasquez

b)

Anthony Marquez

c)

Anthony Enriquez

d)

Anthony Perez

8.

Lipad, lipad

Kaya mong lumipad

Sa sipag at tiyaga

Abot mo ang iyong pngarap

Kahit anong lakas ng hangin

Ay hindi mo susukuan

Dahil ang pangarap mo’y

Kailanman hindi susukuan

Sa anong anyo ng tula kabilang ito?

a)

TRADISYUNAL

b)

BERSO BLANGKO

c)

MALAYANG TALUDTURAN

d)

SESURA

9.

Ang tula ay bahagi na ng buhay ng tao. Nagbibigay ito sa atin nang wastong damdamin, karanasan, karunungan at kawilihan. Ginagamitan din natin ito ng iba't ibang estilo at pamamaraan. Kaya naman, ang tula ay maituturing ______.

a)

tayutay

b)

anyo

c)

kayamanan

d)

sining

10.

Ang kahit na nila kitlin ang buhay ko’t biyakin ang bungo

sa bungo ko’y buong nakalimbag pa rin sa sariwang dugo:

“Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko!”

Sino ang may-akda ng tulang ito?

a)

Jose Rizal

b)

Amado V. Hernandez

c)

Alejandro G. Abadilla

d)

Juan Miguel Severo

11.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod

(a)  

12.

Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

(a)  

13.

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Ang tunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod.

(a)  

14.

Ito ay ang saglit na pagtigil o paghinto sa pagbigkas ng tula.

(a)  

15.

Ito'y elemento ng tula na kailangang magtaglay ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

(a)  

16.

Ito ang nagsasalita sa tula. Maaaring nasa una, ikalawa o ikatlong panauhan.

(a)  

17.

Ito ang diwa ng tula. Maaring malungkot, kapighatian, pag-asa, masaya o pangangaral.

(a)  

18.

Magandang basahin ang tulang 'di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang elemento ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula. Ginagamitan ng mga tayutay.

(a)  

19.

Paraan ng patutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig. Tinatawag ding Assonance sa Ingles.

(a)  

20.

Paraan ng patutugma ng tunog kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig. Tinatawag ding Consonance sa Ingles.

(a)  

21.

Uri ng saknong na may dalawang linya

a)

couplet

b)

tercet

c)

quatrain

d)

quintet

22.

Uri ng saknong na may pitong linya.

a)

couplet

b)

sestet

c)

octave

d)

septet

23.

Uri ng saknong na may tatlong linya.

a)

couplet

b)

tercet

c)

quatrain

d)

sestet

24.

Uri ng saknong na may anim na linya.

a)

quatrain

b)

quintet

c)

sestet

d)

septet

25.

Uri ng saknong na may apat na linya.

a)

quatrain

b)

quintet

c)

sestet

d)

septet