wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 8 Modyul7

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalagang maturuan ng magulang ang mga anak sa mabuting pagpapasiya? Upang:

a)

walang pagsisisihan

b)

malaya sa pagdedesisyon 

c)

malaman ang tama sa mali

d)

maging matalino sa pagpapasiya    

2.

Bakit mahalagang mahubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?

a)

dahil ang Panginoon ang sentro ng ating buhay

b)

para maging matagumpay ang buhay ng pamilya

c)

para maging masaya ang samahan ng buong pamilya

d)

dahil ang Panginoon ang pinaka

makapangyarihan sa lahat 

3.

Bakit mahalagang mabigyan ng magulang ang anak nang maayos na edukasyon? Dahil ito ang:

a)

susi sa pagyaman

b)

basihan sa paghanap ng trabaho

c)

pinaka

mahalagang gampanin ng magulang

d)

yaman ng magulang na hindi puwedeng nakawin 

4.

May pananagutan ba ang magulang kung hindi niya magampanan ang tungkulin sa anak?

a)

Oo, dahil ito ay kaniyang sariling anak

b)

Oo, sapagkat ito ay dapat nilang gampanan

c)

Oo, sapagkat ito ay tugon sa layon ng Diyos

d)

Oo, dahil ito ay misyon at tungkulin niya bilang magulang 

5.

Dapat bang nakasentro ang buhay ng pamilya sa Diyos?

a)

Oo, sa tuwing mahal na araw

b)

Oo, pero hindi sa lahat ng panahon 

c)

Oo, dahil ang Diyos ang makapangyarihan

d)

Oo, tuwing may problemang hinaharap ang pamilya

6.

Paano mahuhubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?

a)

magbasa ng aklat

b)

sabay-sabay na manalangin

c)

ituro ang daan papuntang simbahan

d)

palaging magsuot ng mahahabang damit 

7.

Bakit itinuturing na bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang ang pagbibigay ng edukasyon? Sapagkat ito ay:

a)

humuhubog sa lahat ng aspeto ng isang tao

b)

basihan ng pagiging isang respetadong indibidwal 

c)

kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho

d)

nauuso sa ngayon na dapat makapagtapos ng pag-aaral  

8.

Bakit kailangang malinang sa mag-aaral ang aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal at ispiritwal sa pagbibigay ng maayos na edukasyon? Upang maging kapaki-pakinabang sa:

a)

lolo at lola

b)

sarili at mga kakilala

c)

lipunang ginagalawan

d)

pamilya at

kamag-anak 

9.

Si Erla ay isang mabait at tahimik na batang lumaki sa probinsya na hindi sanay sa pakikihalubilo sa maraming tao. Isang araw, namasyal silang mag-ina sa mall at saglit siyang iniwan ng ina na pumunta sa palikuran. Habang naghihintay ay may lumapit na lalaki at niyaya siyang manood ng sine. Sasama na sana siya ngunit dumating ang kaniyang ina at napigilan ito. Ano ang nararapat gawin bilang anak sa sitwasyong ito?

a)

magpaalam sa ina bago sumama

b)

huwag nang makinig sa payo ng ina

c)

magdesisyon na lamang nang

mag-isa

d)

sumama na lang sa lalaki dahil libre naman 

e)

huwag sumama kasi di niya kilala ang lalaki

10.

Nagsusumikap sa pagtatrabaho ang magulang ni Lina. Bagama’t hindi lahat ng gusto ng anak ay ibinibigay nila. Sa murang edad ay pinapaintindi ng magulang na kailangang mag-ipon at prayoridad ang pagpapaaral sa kaniya.

Bakit nag-iipon ang magulang ni Lina? Upang:

a)

maipasyal ang anak 

b)

mapagtapos sa pag-aaral ang anak

c)

maibili ng magandang damit ang anak

d)

maibili ng magandang sasakyan ang anak 

11.

Bakit kailangang gabayan ang anak sa pagpapasiya? Upang: 

a)

hindi madapa ang anak

b)

walang pagsisihan sa huli

c)

maging mabuting magulang

d)

maging responsable sa anumang desisyon

12.

Gusto ni Maria na mag-aral sa pribadong paaralan ngunit hindi pa niya tiyak kung anong kurso ang kukunin. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang magabayan ang anak sa pagpapasya?

a)

hayaan na lang malito ang anak

b)

itanong sa anak kung anong gusto niya

c)

magulang ang pipili ng kursong kukunin ng anak

d)

magsuhestiyon na kunin ang kursong gusto ng kaibigan  

13.

Bakit sinasabing ang edukasyon ay tanging pamana ng isang magulang sa anak?

a)

dahil ang edukasyon ay nagpapayaman

b)

dahil ito ay nagpapadagdag ng kaalaman

c)

dahil ang edukasyon ay hindi nananakaw ninuman

d)

dahil ito ay pinto na magbubukas sa pagkamit ng pangarap 

14.

Dating nanampalataya si Lucky sa Panginoon ngunit nang magkasakit ng kanser nag-iba ang kaniyang paniniwala, ni ayaw niyang magsimba. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang muling maibalik ang pananampalataya ni Lucky?

a)

Igalang ang desisyon ng anak

b)

Pagalitan ang anak hanggang sa magbalik-loob

c)

Ipaalala na ang Panginoon ang sentro ng buhay ng tao

d)

Hahayaan ang anak na maniwala na walang Panginoon

15.

Ayaw na ni Max na mag-aral, bilang magulang, paano mo kukumbinsihin ang anak na mag-aral ulit?

a)

Respetuhin ang desisyon ng anak

b)

Hayaan ang anak na gawin ang gusto

c)

Ipagbili ang bagay na gusto niya para lang

mag-aral ulit

d)

Ipauunawa sa anak ang kahihinatnan kung walang

pinag-aralan

16.

 Ang kahirapan ay ang kalimitang banta sa mga magulang na hindi napapaaral

 ang anak

a)

tama

b)

mali

17.

 Ang magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak

a)

tama

b)

mali

18.

Ang pagbibisyo ng anak ay nakatutulong sa pag-aaral

a)

tama

b)

mali

19.

Ang krisis sa pamilya ay banta sa pananampalataya

a)

tama

b)

mali

20.

Malaki ang ginagampanang papel ng kaibigan sa pagpapasiya ng anak

a)

tama

b)

mali