wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quarter 2 ESP Week 1 & 2

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

1. Dumating ang iyong kamag-anak galing probinsiya. Mamamalagi sila ng iláng araw sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Hindi ko sila papansinin.

b)

B. Batiin sila nang maayos at patuluyin.

c)

C. Magkunwaring masaya ako sa pagdating nila.

d)

D. Ipapakita ko na hindi ako masaya sa pagdating nila.

2.

2. May bago kayong kamag-aral. Gáling siya sa malayong bayan. Madalas siya ay malungkot sapagkat wala pa siyang kakilala. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Hayaan na lámang siya.

b)

B. Batiin at kaibiganin siya.

c)

C. Huwag siyang pansinin.

d)

D. Sabihan na huwag na lámang siyang pumasok.

3.

3. Pauwi na si Erwin nang may nakasalubong siyang taga-ibang bayan na nagtatanong. Paano niya ito pakikitunguhan?

a)

A. Huwag itong kausapin.

b)

B. Kausapin nang may pagyayabang.

c)

C. Umiling lámang kapag kinakausap.

d)

D. Magiliw na kausapin nang may paggalang.

4.

4. Kapitbahay ninyo ang mag-anak na Cruz. Madalas siláng kapusin sa budget. Ano ang maaari mong gawin?

a)

A. Kausapin ang mga magulang mo na tulungan sila.

b)

B. Ikuwento at pag-usapan ninyong magkakaibigan.

c)

C. Pagtawanan sila.

d)

D. Kutyain sila.

5.

5. Napansin mo ang isang matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Panoorin lámang kung paano makakatawid ang matanda.

b)

B. Magiliw na tulungang tumawid ang matanda.

c)

C. Sigawan ang matanda at takutin ito.

d)

D. Pagtawanan ang matanda.

6.

6. Luis, lumayas ka nga diyan!

a)

TAMA

b)

MALI

7.

7. Magandang umaga, mga kaibigan.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

8. Magandang araw din po, tuloy po kayo!

a)

TAMA

b)

MALI

9.

9. Natutuwa ako sa inyong pagdating, Tiya Elaine.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

10. Narito ang sobra kong pagkain Philip, kunin mo.

a)

TAMA

b)

MALI