wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Debate

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasulat ng proposisyon?

a)

MGA GUMAGAMIT NG DROGA: KAILANGAN BA NILA NG TULONG O PARUSA?

b)

ANG PAG-IISANG DIBDIB NG MAGKAPAREHONG KASARIAN AY HINDI MAKATARUNGAN

c)

ANG LAHAT NG TAO AY DAPAT MAGKAROON NG KARAPATANG MAGMAY-ARI NG BARIL

d)

HINDI ATA KATANGGAP-TANGGAP ANG ABORSYON SA PILIPINAS

2.

Anong uri ng proposisyon ang "MAS NAKATUTULONG SA BANSANG KOREAN ANG MGA KOREANO NA SUMAILALIM SA MILITARY TRAINING"?

a)

Patakaran

b)

Kahalagahan

c)

Katotohanan

d)

Kasinungalingan

3.

Bakit Patakaran ang Uri ng Proposisyon na nasa ibaba?


ANG BTS AY DAPAT SUMAILALIM SA MILITARY SERVICE TULAD NG IBANG KOREANO

a)

Dahil ang pahayag ay naglalahad ng pagiging bias

b)

Dahil ang pahayag ay nangangailangan ng pagsunod sa batas

c)

Dahil ang pahayag ay mayroong kinalaman sa militar

d)

Dahil ang pahayag ay nagsasabi na dapat tangkilikin ang BTS

4.

Sa Uri ng Proposisyon, alin sa mga sumusunod ang Katotohanan o Fact?

a)

SI JUNGKOOK ANG PINAKAMAHUSAY NA MANG-AAWIT NG BTS

b)

ANG MASS TESTING AY DAPAT UNAHIN

c)

ANG ONLINE LEARNING AY MAS MABUTI KAYSA SA FACE-FACE

d)

ANG SOBRANG PAG-INOM NG ALAK AY MAAARING MAGDULOT NG NG MARAMING SAKIT

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tugma?

a)

Maraming nagawang mali si Buknoy kaya hindi ko papanoorin ang kanyang bagong palabas. - Personal Attack

b)

Maraming youtubers ang gumagawa ng prank sa kanilang vlog kung kaya't ito ang pinakawastong content. - False Authority

c)

Niloko ako ng dalawa kong naging nobyo kung kaya't manloloko ang lahat ng lalake. -Hasty Generalization

d)

Trina: Dapat mo akong ilibre.

Lei: Bakit?

Trina: Bakit hindi?

-Appeal to Ignorance

6.

Bakit hindi wasto ang paggamit ng Personal Attack sa isang debate?

4 lines
7.

Magbigay ng katanggap-tanggap na dahilan kung bakit dapat bumoto ang rehistradong mamamayan ng Pilipinas.

4 lines
8.

Ano-ano ang kategorya ng katotohanan

a)

By Observation

b)

By the Way Nature Works

c)

By Statistics

d)

By Scientific Measurement

9.

Alin ang mga halimbawa ng katanggap-tanggap na ebidensiya para sa usapin ng Pilipinong nagpositibo sa bagong Covid-19 variant sa Hongkong?

a)

Opinyon ni Francisco Duque, DOH Secretary

b)

Resulta ng Covid-19 test bago magtungo sa HK

c)

Obserbasyon sa loob ng 14-day quarantine period

d)

Usapin sa social media na hindi lang nakapasok sa Pilipinas ang bagong variant, kundi nakalabas pa

10.

Ang (a)   ay isang sining gantihan ng katwiran ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa.