wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FilipinoQ2 Week 2 - Paghihinuha

Total questions: 10

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Binigyan ka ng regalo ng ninong mo noong pasko. Gustong gusto mo ang damit na ibinigay niya. Ano ang iyong mararamdaman?

a)

iiyak

b)

masaya

c)

magwawala

2.

Mainit ang panahon. Hindi mo diniligan ang tanim sa paso. Ano ang maaaring mangyari?

a)

malalanta ang halaman

b)

magiging mabunga ang halaman

c)

magiging masaya ang halaman

3.

May maliit na ibon sa puno. Binato ito ng lalaki at tinamaan. Ano ang mangyayari sa ibon?

a)

masaya ang ibon

b)

mauhulog ang ibon

c)

malulungkot ang ibon

4.

Napakabilis ng takbo ng motorsiklo ni Ariel. Ano ang maaaring mangyari kay Ariel?

a)

siya ay madidisgrasya

b)

siya ay magiging masaya

c)

siya ay hindi mapapahamak

5.

Nasobrahan ang kain ni Marco ng kendi. Ayaw niyang kumain ng kanin at lutong ulam sa bahay nila.

a)

Matibay ang ngipin ni Marco.

b)

Malusog na bata si Marco.

c)

Matamlay ang pangangatawan ni Marco.

6.

Masipag si Helen. Inaalagaan niya ng mabuti ang kanyang mga bulaklak.

a)

Nalanta ang kaniyang mga pananim.

b)

Matataba ang kanyang mga bulaklak.

c)

Maraming mga ligaw na damo ang kaniyang tanim.

7.

Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng telebisyon si Gab. Pinatutulog na siya ng ina ngunit ayaw niyang sumunod.

a)

Maagang nagising si Gab.

b)

Nasiyahan ang nanay ni Gab.

c)

Nahuli sa pagpasok si Gab.

8.

May dalang mainit na sabaw na mangkok si Aling Cora. habang naglalakad, natapilok siya.

a)

Hindi napaso si Aling Cora.

b)

Naibigay niya ang sabaw sa kapitbahay.

c)

Natapon ang sabaw at napaso ang kamay ni Aling Cora.

9.

May butas na ang bubong ng bahay nina Aling Nena. Hindi niya ito naipagawa sa kaniyang asawa. isang araw, bumuhos ang malakas na ulan.

a)

Nagsasawalang bahala si Aling Nena.

b)

Basa ang ibang mga gamit sa loob ng bahay.

c)

Naitago nila ang mga gamit sa kabinet.

10.

Hindi nag-aral si Melissa ng kaniyang aralin at kinabukasan ay mayroong pagsusulit.

a)

Mababa ang makukuha niya sa pagsusulit.

b)

Makakapasa siya sa pagsusulit.

c)

Gaganahan siyang kumuha ng pagsusulit.