WorksheetsESP Online Quiz Week 2 - Pagiging magiliwin at palakaibigan
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Luis, lumayas ka nga diyan!
Ito ba ay nagpapakita ng pagiging magiliwin at palakaibigan?
Opo
Hindi
Magandang umaga, mga kaibigan.
Ito ba ay nagpapakita ng pagiging magiliwin at palakaibigan?
Opo
Hindi
Magandang araw din po, tuloy po kayo!
Ito ba ay nagpapakita ng pagiging magiliwin at palakaibigan?
Opo
Hindi
Natutuwa ako sa inyong pagdating, Tiya Elaine.
Ito ba ay nagpapakita ng pagiging magiliwin at palakaibigan?
Opo
Hindi
Huwag ka makipaglaro sa akin, hindi kita gusto.
Ito ba ay nagpapakita ng pagiging magiliwin at palakaibigan?
Opo
Hindi
Dumating ang iyong kamag-anak galing probinsiya. Mamamalagi sila ng ilang araw sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko sila papansinin.
Batiin sila nang maayos at patuluyin.
Magkunwaring masaya ako sa pagdating nila.
May bago kayong kamag-aral. Gáling siya sa malayong bayan. Madalas siya ay malungkot sapagkat wala pa siyang kakilala. Ano ang dapat mong gawin?
Hayaan na lámang siya.
Huwag siyang pansinin.
Batiin at kaibiganin siya.
Pauwi na si Erwin nang may nakasalubong siyang taga-ibang bayan na nagtatanong. Paano niya ito pakikitunguhan?
Huwag itong kausapin.
Kausapin nang may pagyayabang.
Magiliw na kausapin nang may paggalang.
Kapitbahay ninyo ang mag-anak na Cruz. Madalas siláng kapusin sa budget. Ano ang maaari mong gawin?
Kausapin ang mga magulang mo na tulungan sila.
Ikuwento at pag-usapan ninyong magkakaibigan.
Pagtawanan sila.
Napansin mo ang isang matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?
Panoorin lámang kung paano makakatawid ang matanda.
Magiliw na tulungang tumawid ang matanda.
Sigawan ang matanda at takutin ito.
