NEW
Font size
WorksheetsAP 9 QUARTER 2 PERFORMANCE
Total questions: 65
Worksheet time: 2hrs 10mins
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Demand function
Demand
Demand schedule
Demand curve
Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t – ibang presyo.
Demand function
Demand
Demand schedule
Demand curve
Ito ay mabubuo kung ilalapat ang demand schedule sa isang grap.
Demand function
Demand
Demand schedule
Demand curve
Ito ay isang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Demand function
Demand slope
Demand schedule
Demand curve
Makikita sa tabi ang kurba ng demand. Alin sa sumusunod ang naglalarawan nito?
Downward Slope
Sideward Slope
Upward Slope
Backward Slope
Kung panahon ng tag-ulan, ano ang mangyayari sa demand ng mga produktong kapote at payong?
A. B. C. D.
Mananatili
Bababa
Tataas
Iregular
Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang demand ng Pork Siomai. Ano ang tawag sa produktong kwek-kwek?
Pamalit
Komplemetaryo
Temporaryo
Maliit
Tuwang-tuwa si Aleng Nena dahil dumami ang nagpapa-load sa kanya sapagkat halos lahat ng tao sa kanilang barangay ay may cellphone na. Ano ang tawag sa mga produktong ito?
Pamalit
Komplemetaryo
Temporaryo
Maliit
Bilang isang mag-aaral mahalagang maisabuhay mo ang batas ng demand. Papano mo ito gagawin?
Marunong nang mag-ipon para sa gusto mong gadget.
Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagbili.
Gagastos ayon sa pangangailangan.
Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.
Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na
maubusan ng produkto para sa kaligtasang pangkalusugan. Ano ang
mangyayari sa demand ng face mask?
Mananatili ang pangangailangan ng face mask.
Bababa ang pangangailangan ng face mask.
Tataas ang pangangailangan ng face mask
Regular ang pangangailangan ng face mask.
Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit naapektuhan ang kanyang benta?
Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan
Dahil marami ang nawalan ng trabaho
Dahil bawal na lumabas
Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan
Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili. Kung kayo ay may negosyong pater, ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?
Tataasan ko ang presyo ng pater
Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili
Mamimigay ako ng libreng sample
Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa amingtindahan
Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang nobya kahit sa susunod na linggo pa ang araw ng mga puso. Bakit nagdesisyon si Samuel na gawin ito?
Dahil sa dami ng mamimili
Dahil sa kanyang panlasa
Dahil sa inaasahang niyang kiita
Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito
Gamit ang Demand Function Equation, Qd = 50 – 2P, Ilan ang Quantity Demanded kung ang presyo ng isang pirasong mansanas ay 15php?
10
15
20
25
Alin sa mga sumusunod na datos ang kukumpleto sa schedule batay sa demand function na: Qd = 50 – 2P.
(1.)6, 2.)34, 3.)10,4.) 26, 5.)14)
(1.)7, 2.)35, 3.)11,4.) 27, 5.)15)
(1.)8, 2.)36, 3.)12,4.) 28, 5.)16)
(1.)9, 2.)37, 3.)13, 4.)29, 5.)17)
Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang presyo ay __________________.
tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa quantity demanded.
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
Shortage
Surplus
Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied.
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
Shortage
Surplus
Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa quantity demanded.
Shortage
Surplus
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o serbisyo?
Mananatili
Bababa ang presyo
Mawawala ang halaga
Tataas ang presyo
Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.
Ekwilibriyong presyo
Diskwentong presyo
Disekwilibriyong presyo
Surplus na presyo
Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________
kung saan nagsisimula ang demand curve.
kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.
kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.
kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.
Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na Qs ay 1,200?
3
4
5
10
Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang Qd?
400
500
600
800
Ano ang sitwasyon ng pamilihan na itinatakda ng mga function na Qd = 3000 - 500P at Qs = 500P, kung saan ang P ay Php3?
May shortage ng supply
May ekwilibriyo
May surplus ng supply
May disekwilibriyo
May mga pagkakataon na nagiging mahal ang presyo ng mga bilihin. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
Tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas dahil sa okasyon kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
Nagkakasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
Mandato ng pamahalaan na itaas ang presyo dahil sa kasiyahang natatamo ng mga konsyumer.
Itinatago ng mga prodyuser ang kanilang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
May mga bansa tulad ng Amerika na mataas ang kanilang demand sa ilang manggagawa tulad ng mga guro. Ano ang inaasahan sa kanilang inaalok na pasweldo?
Mataas
Mababa
Katamtaman
Di malaman
Ang panahon ng El Nino o tagtuyot ay nagdudulot ng pagbaba sa dami ng bigas na mabibili ng mga konsyumers. Ano ang inaasahan mong mangyayari?
Ang suplay ng bigas ay tataas
Ang demand ng bigas ay bababa
Ang presyo ng bigas ay tataas
Ang presyo ng bigas ay bababa
Nagkaroon ng Bird Flu outbreak sa Region 10. Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Iligan sa panganib na maaring idulot mula sa pagkain ng karneng manok na kontaminado ng Bird Flu virus. Ano ang inaasahang mangyayari sa presyo ng mga itinitindang karneng manok sa nasabing lungsod?
A. Di magbabago ang presyo dahil may ekwilbriyo sa pamilihan.
Tataas ang presyo dahil bababa ang demand.
Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.
Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.
Bababa ang presyo dahil bababa ang demand
1. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kung pantay ang dami ng quantity demanded at quantity supplied sa iisang presyo. Ano ang implikasyon ng kalagayang ito sa pamilihan?
A.
Parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
May labis na quantity supplied sapagkat magtataas ng presyo ang mga prodyuser na magbibigay ng malaking kita.
Parehong nasiyahan ang mga konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
Hindi masaya ang konsyumer dahil ang quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quantity supplied.
Ang bumibili ng mga produkto sa pamilihan.
Konsyumer
Demand
Presyo
Supply
Sila ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga tao sa lipunan.
A. Konsyumer B. C. D.
Konsyumer
Prodyuser
PresyoProdyuser
Entreprenyur
Ang tawag sa isang sitwasyon kung saan itatago ng mga nagtitinda ang mga produkto.
Hoarding
Kompetisyon
Ebalwasyon
Pamilihan
Ito ay isang instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng prodyuser at konsyumer.
Produkto
Presyo
Prodyuser
Konsyumer
Ang presyo ay mabisang batayan sa maayos na bentahan sa pamilihan. Bakit mahalaga ang partisipasyon nito sa ugnayan ng prodyuser at konsyumer?
Hudyat sa paglago ng kaunlarang pang-ekonomiya.
Nagiging ganap at legal ang palitan ng parodukto at serbisyo.
Katapatan ng pamahalaan sa serbisyong pang-ekonomiya.
Magandang hangarin sa pagpapataw ng buwis.
Ang langis ay produktong nanggaling sa Middle East na inaangkat o ini-import sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Bakit itinuturing na ginto at sobrang mahalaga ang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado?
Dahil ito ay nagdudulot ng suliraning pangkapaligiran.
Dahil hindi maiwasan ang malawakang suliraning pang ekonomiya.
Dahil nagkaroon ng kompyansa ang mga mayayamang bansa kaysa mahihirap.
Dahil ginagamit ito sa pagsulong ng industriyalisasyon
Ang monopolyo ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser ng isang produkto o serbisyo na hindi maaring palitan ng ibang uri ng produkto. Bakit hindi mabuti ang monopolyo na estrutura ng pamilihan
Mahina ang kompetisyon sa pagitan ng prodyuser at konsyumer
Sa pagtatakda ng presyo nabuksan ang limitasyon ng produksyon.
Maaring makontrol ng isang prodyuser ang pagtatakda ng presyo.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga konsyumer sa pagbebenta ng produkto.
Ang ganap na kompetisyon ay uri ng pamilihang kinikilala bilang ideal o naayon na kung saan malaya ang prodyuser at konsyumer sa pamilihan. Bakit naging pinakamainam ang ganap na kompetisyon?
Walang sino sa kanila ang may kontrol sa takbo ng pamilihan lalo na sa
pagtakda ng presyo ng mga produkto.
Mas makapangyarihan ang prodyuser sa pagpapataw ng presyo sa mga
produkto.
Mahina ang partisipasyon ng konsyumer sa bentahan ng mga produkto
sa pamilihan.
Matibay ang pagtatakda ng presyo ng mga produkto sa bawat partisipasyon ng prodyuser at konsyumer sa presyohan.
Ang trademark ay ang pagmamarka sa isang produkto o serbisyo bilang pagkakakilanlan ng prodyuser o tagagawa nito. Bakit mahalaga ang pagmamarka ng isang produkto?
Maisawan ang pamemeke ng mga produkto.
May kalayaan ang bawat mamamayan sa paglikha ng produkto.
Pinahihintulutan ang mga pamimirata.
Mabawasan ang mga produktong yari sa ibang bansa.
Ang Intellectual Property Rights ay ang karapatang pagmamay-ari ng isang tao tulad ng tula o komposisyon ng kanta. Bakit mahalaga ang pagpapatupad ng Intellectual Property Rights?
Kailangang maging malikhain sa pagsulat ng mga tula o komposisyon ng kanta.
Maiwasan ang ilegal na pagkopya sa nilikhang mga tula o komposisyon ng kanta.
Masusing sinusuri ang pagsulat ng mga tula at kanta.
Malaya ang bawat tao maipahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng tula at awitin.
Nauuso ngayon sa buong mundo ang online shop. Paano naaapektuhan nito ang kompetisyon sa pamilihang lokal?
Naging mahina ang mga lokal na pamilihan.
Walang pagbabago ang naganap sa pagitan ng bentahan.
Malakas pa rin ang takbo ng negosyo ng mga lokal na negosyante
Matibay ang bentahan sa lokal kay sa internasyunal na pamilihan.
Nagaganap sa pamilihan ang bentahan ng mga produkto mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. Kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas, paano mo maaaring mabigyan ng proteksyon ang ugnayan sa pagitan ng prodyuser at konsyumer?
Sisikapin mahuli ang maabusong prodyuser.
Isasagawang legal ang transaksyon sa bentahan.
Idulog sa Korte Suprema ang lumabag sa pagbabayad ng buwis.
Ipawalang-bisa ang pagpapataw ng taripa.
Ang sari-sari store ay isang uri ng lokal na pamilihan. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong na mapanatiling kapakipakinabang ito sa pag-angat ng ekonomiya sa isang lugar?
Tatangkilikilin ang mga produktong ibenebenta.
Sisiguraduhing mabiling mabili ang mga produkto.
Malayang bumili ng mga produkto sa ibang lugar
Iwasan ang pagbili ng mga produktong mumurahin.
Labis na naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas lalo na sa pamilihang lokal dahil sa epidemyang COVID-2019. Kung ikaw si Pangulong Rodrigo R. Duterte, ano ang iyong pangunahing batas na ipatutupad tungkol sa krisis na ito?
Batas na magibibigay kalayaan sa lahat ng mga mamamahayag.
Batas na mapangangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili lalo na ang mga mahihirap.
Batas na maglilitis sa mga taong hindi sumusunod sa utos ng Mayor.
Batas na magpapalakas sa Pambasang Sandatahan laban sa mga masasamang elemento.
Sa panahon ng pandemya, naging malawak ang suliranin ng mga prodyuser dahil sa limitasyon sa paggalaw ng kanilang mga ibenibentang mga produkto sa pamilihan. Bilang isang konsyumer, paano ka maaaring makatulong sa suliraning ito?
Iwasan ang pagbili ng higit sa iyong kailangan
Hayaang bilhin lahat na mga produkto kahit bulok na.
Ipahuli sa mga pulis ang nagbebenta sa matataas na presyo
Isumbong sa DTI ang mga abusadong namumuhunan.
Ano ang tawag sa lugar kung saan nagtatagpo ang mga nagbibili at mamimili at nagkakaroon ng palitan ng produkto sa pamamagitan ng itinakdang presyo?
Granex
Pilmico
One Republic
Pamilihan
Aling ahensya ng pamahalaan ang may tungkuling palawigin ang sistema ng kalakalan at industriya ng bansa?
BFAD
BIR
DTI
DOLE
Ang aklat na “Principles of Economics” na nagsasaad na bagamat ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya mayroong mga panahon na nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Sino ang may akda nito?
Adam Smith
Gunnar Myrdal
Karl Marx
Nicholas Gregory Mankiw
Ang pamahalaan ay nanghihimasok sa mga mapang-abusong gawain ng mga negosyante sa pamamagitan ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto at serbisyo. Ano ang tawag sa patakarang ito?
Price Clearing
Price Ceiling
Price Support
Price Floor
Alin sa mga sumusunod na patakaran ng pamahalaan ang nagtatakda ng mababang presyo ng mga produkto at serbiyo?
Equilibrium price
Price floor
Surplus
Price Ceiling
Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?
Pagtaas sa sahod ng mga manggagawa
Paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan
Pag-imbita ng mga banyaga ng mangangalakal sa bansa
Paggawa ng mga industriya na magbibigay hanapbuhay sa mga tao
Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang magkaroon ng
gabay sa presyo ng bilihin.
Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid
Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga
konsyumer
Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang
negosyo
Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang pamahalaan ay may pangunahing tungkulin na pangalagaan at paglingkuran ang sambayan. Ang pagsasaad na ito ay masisilayan at pinapabulaan ng:
Artikulo V Seksyon 8
RA 3565
Artikulo II Seksyon 4
PD 1872
Paano nanghihimasok ang pamahalaan sa kita ng mga negosyante?
Pagkontrol ng presyo
Pagbibigay ng subsidy
Pagtatakda ng buwis
Pagbibigay ng mataas na sweldo
Bakit kailangan ng ating pamahalaan na tulungan ang mga maliliit na
negosyante?
Upang magbigay ng subsidy
Upang kontrolin ang presyo ng mga produkto at serbisyo
Upang magtakda ng buwis
Upang magpatupad ng price ceiling at price floor
Tumutukoy sa estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o may iilan lamang na prodyuser na parehong nagbibili ng magkapareho o magka-ugnay na produko at serbisyo.
monopolyo
oligopolyo
petrolyo
monopsonyo
Karapatang pagmamay-ari ng isang tao, tulad ng tula o komposisyon ng kanta na kabilang sa Intellectual Property Rights.
trademark
copyright
patent
lahat na nabanggit
Uri ng pamilihang kinikilala bilang ideal o naaayon na kung saan malaya ang prodyuser at konsyumer sa pamilihan.
monopsonyo
market players
perfectly competitive market
imperfectly competitive market
Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser ng isang produkto o serbisyo na hindi maaaring palitan ng ibang uri ng produkto tulad ng ILPI sa lungsod ng Iligan.
monopsonyo
monopolyo
oligopolyo
hoarding
Ito ay pagtatago ng produkto na nagdudulot ng pagliit ng supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
boarding
hoarding
keeping
dealing
Produktong nanggagaling sa Middle East na iniaangkat at ini-import sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Repolyo
Niyog
Petrolyo
Kamote
Katawagan sa mga prodyuser at konsyumer sa pamilihan.
suki
customers
Market Players
dealer
Isang uri ng pamilihan na nag-iisang bumibili ng mga produkto at serbisyo mula sa iba’t-ibang prodyuser.
oligopolyo
monopsonyo
monopolyo
wala sa sa nabanggit
Pagmamarka sa isang produkto o serbisyo bilang pagkakakilanlan ng prodyuser o tagagawa nito.
trademark
copyright
emblem
Ang ganitong estruktura ng pamilihan ay binubuo ng mga mayayaman at makapangyarihang prodyuser na may kakayahang baguhin ang mga itinatakdang presyo sa mga produkto at serbisyong ipinagbibili.
perfectly competitive market
imperfectly competitive market
command market
wala sa nabanggit
