Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7 (2nd Quarter)

Total questions: 30

Worksheet time: 2hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:

a)

Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.

b)

Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.

c)

Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.

d)

Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay

2.

Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a)

mag-isip

b)

umunawa

c)

magpasya

d)

magtimbang ng esensya ng mga

bagay

3.

Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob :

a)

kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos

b)

kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili

c)

kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya

d)

kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

4.

Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos

b)

Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.

c)

Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.

d)

Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

5.

Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang .

a)

kabutihan

b)

kaalaman

c)

katotohanan

d)

karunungan

6.

Bakit kaylangan pag-isipan ang anumang pasya na isasagawa ng isang indibidual?

a)

Sapagkat ang tao ay may kakayahang ganito.

b)

Sapagkat kailangang timbangin ang mga bagay-bagay bago magpasya.

c)

Sapagkat baka magkamali ng pasya.

d)

Sapagkat hindi pa dapat magbigay pasya nang hindi mag-iisip muna.

7.

Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina

b)

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob

c)

Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili

d)

Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

8.

Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan

b)

Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama

c)

Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin

d)

Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

9.

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao

b)

Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama

d)

Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

10.

Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?

a. Tamang konsensya

a)

tamang konsensya

b)

Purong konsensya

c)

Maling konsensya

d)

Mabuting konsensya

11.

Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a)

Obhektibo

b)

Unibersal

c)

walang hanggan

d)

di nagbabago

12.

Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.

b)

Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan.

c)

Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay.

d)

Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

13.

Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?

a)

Mapalalaganap ang kabutihan

b)

Makakamit ng tao ang tagumpay

c)

Maabot ng tao ang kanyang kaganapan

d)

Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

14.

Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:

a)

Obhektibo

b)

Unibersal

c)

Walang hanggan

d)

Di nagbabago

15.

Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:

a)

Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

b)

Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.

c)

Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

d)

Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

16.

Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyo na ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:

a)

May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.

b)

Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.

c)

Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.

d)

May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

17.

Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a)

Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya.

b)

Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

c)

Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral.

d)

Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.

18.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:

a)

Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.

b)

Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.

c)

Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan.

d)

Lahat ng nabanggit.

19.

Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang ___________________.

a)

Isip

b)

Dignidad

c)

Kilos-loob

d)

Konsensya

20.

Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang ______________.

a)

Karapatang pantao

b)

Dignidad bilang tao

c)

Panloob na kalayaan

d)

Panlabas na Kalayaan

21.

”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.

b)

Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.

c)

Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao.

d)

Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.

22.

Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?

a)

isip

b)

konsensya

c)

batas moral

d)

dignidad

23.

Ang Kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:

a)

Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.

b)

Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.

c)

Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais.

d)

Lahat ng nabanggit.

24.

Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

a)

Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.

b)

Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.

c)

Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.

d)

Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.

25.

Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?

a)

Sa paningin ng Diyos at ng lipunan

b)

Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya

c)

Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito

d)

Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

26.

Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad

maliban sa:

a)

Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

b)

Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

c)

Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.

d)

Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

27.

Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?

a)

Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.

b)

Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.

c)

Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.

d)

Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.

28.

Sino anghindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

a)

Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na.

b)

Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong.

c)

Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.

d)

Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.

29.

Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil tinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.

b)

Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.

d)

Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.

30.

Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?

a)

Kapag siya ay naging masamang tao.

b)

Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.

c)

Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao.

d)

Wala sa nabanggit.