NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO3-Q2-W1- Magagalang na Salita
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Binilhan ka ng iyong tatay ng lobo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
Maraming salamat po.
Bakit dalawa lang ito?
Binilhan ka ng iyong lolo ng paborito mong laruan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
Maraming salamat po.
Bakit dalawa lang ito?
Pupunta ang iyong ate sa palengke.
Ano ang sasabihin mo sa kanya?
Bumili ka nga ng pasalubong ko.
Ate maari mo ba akong bilhan ng pasalubong?
Nabali mo ang lapis na iyong hiniram.
Ano ang sasabihin mo sa iyong pinaghiraman?
Pasensiya ka na hindi ko sinasadya at naputol ang lapis mo.
Ang pangit ng lapis mo, putol agad.
Binigyan mo ng regalo ang iyong kuya at nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang isasagot mo sa kanya?
Walang ano man po.
Bayaran mo ako.
Nais mong dumaan ngunit ang guro mo at ang kanyang kausap ay nakaharang. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Makikiraan po.
Tumabi kayo.
Kagigising mo pa lamang nang pumasok sa iyong kwarto ang iyong nanay. Paano mo siya babatiin?
Magandang umaga po nay.
Ano ang niluto nyong ulam?
Isang hapon ay nakasalubong mo sa parke ang iyong kapitbahay. Paano mo siya babatiin?
Magandang hapon po.
Magandang gabi po.
May naghahanap sa iyong tatay ngunit wala siya sa inyong bahay. Ano ang sasabihin mo sa taong naghahanap?
Wala ang tatay ko, umalis na kayo.
Wala po ang tatay ko, bumalik na lang po kayo mamaya.
Dumating ang nanay mo galing palengke, maramin syang bitbit, ano ang gagawin mo?
Nay tulungan ko na po kayo.
Kaya mo yan ma, malakas naman kayo.
