Font size
WorksheetsSi Duglahi: Isang Patak ng Dugo
Total questions: 16
Worksheet time: 8mins
Kaninong katawan unang namuhay at nagpaikot-ikot si Duglahi?
Mang Omeng
Usting Utak
Mrs. Chavez
Apong Dugo
Bakit palaging nakasimangot si Duglahi habang siya ay paikot-ikot sa katawan ni Mang Omeng?
Dahil sa kalungkutan dulot ng pagkakasakit ni Mang Omeng
Dahil sa pagkabagot dulot ng paulit-ulit na pag-ikot sa katawan ni Mang Omeng.
Dahil sa pagod na naramdaman dulot ng pag-iikot nito sa katawan ni Mang Omeng.
Dahil sa galit dulot ng pakikipag-away sa kanya ng ibang mga bahagi ng katawan.
Sino-sino sa mga ito ang naging kaibigan ni Duglahi sa katawan ni Mang Omeng?
Pedrong Puso
Bing Butiki
Apeng Apdo
Usting Utak
Ayon kay Apeng Apdo, ang mga sumusunod ang mangyayari kay Duglahi kung sakaling lalabas siya sa katawan ni Mang Omeng MALIBAN SA ISA. Ano ito?
Matutuyo siya sa sinag ng araw.
Kukupas ang pulang kulay kapag naihipan ng hangin.
Sisipsipin ng bulak kapag nakita.
Magiging malaya at makararanas ng kaginhawaan.
Bakit nais ni Duglahi na makalaya sa katawa ni Mang Omeng?
Nais niyang lumipat at maipasa sa ibang katawan.
Hindi niya makasundo ang ibang mga bahagi ng katawan ni Mang Omeng.
Gusto niyang maranasan kung gaano kasaya ang makapunta ng LRT, SM Megamall, at Karnabal.
Nais niyang makatulong sa mga taong nangangailangan.
Ayon sa mga kaibigan ni Duglahi, ano ang tanging paraan upang siya'y makalabas at makalaya sa katawan ni Mang Omeng?
Kailangang munang masugatan si Mang Omeng.
Kailangang munang abunohan ng dugo si Mang Omeng.
Kailangan munang magkasakit ni Mang Omeng.
Kailangan munang mamatay ni Mang Omeng.
Ayon sa mga kaibigan ni Duglahi, bakit daw napakahalaga ang pakinabang ni Duglahi at ng kanyang mga kalahi sa iba't ibang bahagi ng katawan?
Nagdadala ito ng preskong hangin upang sila ay mabuhay.
Nagdadala ito ng tubig na nakaiiwas sa kanilang pagkauhaw.
Nagbibigay ito ng sigla sa kanilang nanghihinang katawan.
Nagdadala ito ng oksihena sa iba't ibang parte ng katawan.
Sa wakas ay nakalabas na rin si Duglahi sa katawan ni Mang Domeng. Paano nangyari ito?
Naaksidente si Mang Omeng na naging dahilan na siya ay nasugatan.
Nagbigay ng dugo si Mang Omeng sa Red Cross.
Bakit napalitan ang dati'y pananabik ni Duglahi na makalabas sa katawan ni Mang Omeng ng TAKOT at PANGANGAMBA?
Hindi siya komportable sa lugar na kanyang kinalalagyan: nasa plastik, napakalamig.
Hindi niya kilala ang mga kasama niya sa bago niyang kalalagyan; hinahanap niya ang kanyang mga kaibigan.
Bakit kailangang abonohan ng dugo si Mrs. Chavez?
Nagkaroon ng aksidente; nabangga ang dyipni na kanilang sinasakyan.
Komplikado ang kanyang panganganak at maraming dugo ang nawala sa kanya.
Sino ang naging gabay ni Duglahi simula nang nakalabas siya sa katawan ni Mang Omeng?
Apong Apdo
Pedrong Puso
Apo Dugong
Usting Utak
Ano ang sinisimbolo ng LRT, SM Mega Mall, at Karnabal na gustong-gustong mapuntahan ni Duglahi?
Simbolo ng mga pangarap na napakataas at hindi kayang abutin.
Simbolo ng mga hangarin na hindi nagdudulot ng maganda at makasisira sa buhay.
SIno kaya ang sinisimbolo nina Mang Omeng at Mrs. Chavez?
Sinisimbolo nila ang mga taong maaari nating matulungan at gayundin ay nakatutulong rin sa ating kagalingan.
Sinisimbolo nila ang mga taong nakaaawa kaya kailangang tulungan.
Ano naman kaya ang sinisimbolo ng AIDS, Sipilis, at Hepa?
Simbolo ito ng mga hadlang sa pag--abot ng ating mga pangarap. Maaaring mga masasamang gawi o bisyo.
Simbolo ito ng mga masasamang loob sa lipunan na kailangang labanan,
Ano naman ang sinisimbolo ni Apong Dugo sa kuwento ni Duglahi?
Simbolo ng mga taong gumagabay sa pag-abot ng ating mga pangarap.
Simbolo ng mga taong nakikialam at hadlang sa pag-abot ng ating mga pangarap.
Ano naman ang sinisimbolo nina Pedrong Puso, Apeng Apdo, at Usting Utak sa kuwento ni Duglahi?
Simbolo sila ng mga taong humihila sa atin pababa upang hindi natin maabot ang ating mga layunin sa buhay,
Simbolo sila ng mga taong sumusuporta at nagpapaalal sa mahahalagang papel na ginagampanan natin sa buhay.
