wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

HEKASI III- 2ND TERM REVIEW

Total questions: 12

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pagbabago sa mga lalawigan?

a)

Pagkakaroon ng maraming paliparan.

b)

Pagsasaayos ng ng mga kalsada sa iba't ibang lugar.

c)

Pagdiriwang ng Bagong Taon.

2.

Isa sa mga halimbawa ng mga bagay na nananatili at nagpapatuloy sa ating mga lalawigan ay ang kaugalian nating mga Pilipino. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang hindi kabilang dito?

a)

Hindi pagtanggap ng mga panauhin sa bahay.

b)

Pagtutulungan sa oras ng kalamidad at kagipitan ng mga tao sa lalawigan.

c)

Si Joy ay nagmamano sa kaniyang lola bilang paggalang.

3.

Bilang isang bata, alin sa mga ito ang maaari mong gawin habang pinapatupad ang enhanced community quarantine?

a)

Sumama sa “tree planting activity”

b)

Gumawa ng “craft” mula sa bote

c)

Linisin ang kanal malapit sa bahay

4.

Ang estrukturang matatagpuan sa Cotabato na ginamit ng mga sundalong Amerikano at inakupahan ng mga puwersang Hapon noong 1942.

a)

Fort Pikit

b)

Syquia Mansion

c)

Sheikh Karimul Makhdum Mosque

5.

Sila ang pangkat na binansagang " Sea Gypsies" o manlalayag ng dagat.

a)

Badjao

b)

Bisaya

c)

Yakan

6.

Piliin ang pangkat na hindi nabibilang sa grupo.

a)

Itawit

b)

Cebuano

c)

Hiligaynon

7.

Piliin ang pangkat na hindi nabibilang sa grupo.

a)

Ilocano

b)

Ilonggo

c)

Kapampangan

8.

Ang Gitnang Luzon ay tahanan din ng maraming pangkat. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?

a)

Bulakeño

b)

Tarlakeño

c)

Leyteño

9.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Pangkat-Etniko?

a)

Ito ay pangkat ng mga tao na sama-samang naninirahan sa isang lugar na may pagkakakilanlan ang bawat kultura, wika, tradisyon, paraan ng pamumuhay, at kasaysayan.

b)

Ito ay pangkat ng mga tao na hindi sama-samang naninirahan sa isang lugar at walang pagkakakilanlan ang bawat kultura, wika, tradisyon, paraan ng pamumuhay, at kasaysayan.

c)

Ito ay pangkat ng mga tao sa Pilipinas na magkakapareho at walang pinagkaiba sa bawat isa.

10.

Ang _____________ ang may pinakamalaking pangkat sa Gitnang Visayas?

a)

Boholano

b)

Cebuano

c)

Sulod

11.

Ang _______ ay nagmula sa salitang "taga-ilog" na ang ibig sabihin ay nakatira malapit sa ilog.

a)

Tagalog

b)

Tinggian

c)

Kankanay

12.

Ito ang pinakatanyag na pangkat sa Luzon dahil sa angkin nilang galing sa paggawa ng Banaue Rice Terraces.

a)

Bicol

b)

Tagalog

c)

Ifugao