NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Markahan: Filipino 9- WISDOM
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ginawa ang Tanka noong ika-8 siglo, ilang pantig na mayroon ang Tanka?
5, 7, 5
7, 7, 5
5-7-5-7-7
Wala sa nabanggit
Ginawa ang Haiku noong ika-15 siglo, ilang pantig na mayroon ang Haiku?
5, 7, 5
7, 7, 5
5-7-5-7-7
Wala sa nabanggit
“MAKIKITA sa MATA ni MARIA ang MASASAYANG nangyari sa kaniya kasama si MARCO.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Aliterasyon
Konsonans
Asonans
Anadiplosis
“IKAW at IKAW ang ISASAMA ko sa plaza kapag nagpunta ako.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Aliterasyon
Konsonans
Asonans
Anadiplosis
“MASAKIT, MAPAIT, punong-puno ng HINANAKIT.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Aliterasyon
Konsonans
Asonans
Anadiplosis
“Ang hubog ng iyong mukha ay kawangis ng iyong ina.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagbibigay Katauhan
“Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.” Anong uri ng tautay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagbibigay Katauhan
“Hari kung mag-utos si Jana” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagbibigay Katauhan
“Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita kong may kasama siyang iba.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagbibigay Katauhan
“MABIGAT NA KRUS ang pinapasan ng babaing iyan” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagpapalit-tawag
Pagpapalit-saklaw
Paglumanay
Panawagan
“Dalawampung kamay ang nagtulong-tulong upang mabuhat ang sirang sasakyan ng aming kapit-bahay.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagpapalit-tawag
Pagpapalit-saklaw
Paglumanay
Panawagan
“Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Nena.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagpapalit-tawag
Pagpapalit-saklaw
Paglumanay
Panawagan
“Tukso! Layuan mo ako!” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Pagpapalit-tawag
Pagpapalit-saklaw
Paglumanay
Panawagan
“Natutulog ba ang Diyos?” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Paghihimig
Pag-uyam
Pagtatambis
Tanong Retorikal
“Kailan nagiging tama ang mali?” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Paghihimig
Pag-uyam
Pagtatambis
Tanong Retorikal
“Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang humahanga. Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Paghihimig
Pag-uyam
Pagtatambis
Tanong Retorikal
“Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.” Anong uri ng tayutay ang tinutukoy ng pahayag?
Paghihimig
Pag-uyam
Pagtatambis
Tanong Retorikal
Siya ay aliping Griyego sa taong 400BC, pangit, tuso, ngunit matalino at mahusay sa pagkukuwento ng pabula. Sino ang tinutukoy ng pahayag?
Rogelio Sikat
Asopo
Esopo
Wala sa nabanggit
Ano ang aral sa tinalakay na akdang “Ang Agila at ang Maya & Ang Kabayo at ang Kalabaw”
Matutong tumulong
Huwag maging mayabang sa kapwa
Matutong magpakita ng kabutihan sa kapwa
Lahat ng nabanggit
Ano ang ikinapit ng mga Budhist sa mga kuwentong nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha?
Childrens Aesop Fables
Jakatas
Panchantara
Pabula
Mula sa pabulang “Ang Kabayo at Ang Kalabaw”, ano ang tema ng akda?
Lahat ng nabanggit
Maging matulungin sa kapwa
Huwag maging makasarli sa kapwa
Maging isang mabuti sa kapwa
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ang pangunahing mga tauhan ay ginagampanan ng mga hayop. Anong uri ng panitikan ang tinutukoy ng pahayag?
Maikling Kwento
Parabula
Pabula
Alamat
Kailan isinulat ang Panchantara at Jatakas?
20 BC
200 BC
10 BC
100 BC
Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang pabula?
Kadalasang mga hayop ang gumaganap na tauhan na sumasalamin sa mga ibang katangian ng tao.
Dapat ay mayroong maayos na daloy ang mga pangyayari.
Ito ay mas magiging epektibo sa mga mambabasa kung ang paksa nito ay napapanahon at may kaugnayan ang kwento sa nagaganap sa paligid.
Lahat ng nabanggit
"Si Andy ay naniningalang pugad." Ano ang talinhaga ng pahayag?
Si Andy ay nag-uumpisa nang magparamdam ng kanyang damdamin sa napupusuan niya. .
Si Andy ay nag-aantay ng himala mula sa itaas.
Si Andy ay naghahanap ng pugad ng ibon.
Lahat ng nabanggit
"Ay naku! Jessa at Ruben lumagay na kayo sa tahimik." Ano ang talinhaga ng pahayag?
Ito ay tumutukoy sa pagnanais nilang sabay tumahimik.
Ito ay tumutukoy sa pagpanaw.
Ito ay tumutukoy sa dalawang tao o magkasintahan na magpapakasal o mag-aasawa na.
Wala sa nabanggit
Ano ang aral na napulot mo sa akdang “Sangdaang Damit?”
Hindi mo kailangang magsinungaling upang tanggapin ka ng iyong mga kaklase.
Maging mapagbigay sa kapwa.
Huwag manlait ng kapwa. Mahirap man o mayaman dapat matutong magbigay respeto.
Lahat ng nabanggit
Ano ang suliranin na naranasan ng batang babae sa akdang “Sangdaang Damit”?
Ang pagdadamot ng batang babae sa kaniyang sangdaang damit sa mga kaklase.
Ang hindi maayos na pakikitungo ng pangunahing tauhan sa kaniyang mga kaklase.
Ang pakikipag-away ng kaniyang mga kaklase sa pangunahing tauhan.
Ang panunukso o diskriminasyon sa batang babae mula sa kanyang mga kaklase.
"Basa na ang aking papel dahil sa iyong ginawa." Ano ang talinhaga ng pahayag?
nabasa ang papel ng tubig
nahuli sa kasinungalingan
nasira ang imahe
Wala sa nabanggit
"Si Mia ay balat-kalabaw kahit saang handaan naroon siya." Ano ang talinhaga ng pahayag?
Magaling makihalubilo
Makapal ang mukha
Makapal ang suot na damit
Wala sa nabanggit
Bakit sinabi ng batang babae na mayroon siyang sangdaang damit? (Sangdaang Damit)
dahil nais niyang ipakita sa kanila na mayaman sila upang siya naman ang manglait ng kaniyang kapwa
dahil nais niyang siya ay tanggapin ng kaniyang mga kamag-aral
dahil nais niyang magyabang sa kaniyang mga kamag-aral
dahil totoong mayroon siyang madaming damit.
Ano ang paksang-diwa sa akdang “Sangdaang Damit.”
Pakikipag-away ng batang babae sa kaniyang mga kamag-aral.
ng batang babae na sila ay mayaman.
Wala sa nabanggit
Pagkukunwari ng batang babae na siya ay mayroong sandaang damit upang matanggap siya ng kanyang mga kaklase
Pagsisisnungaling ng batang babae na sila ay mayaman.
Wala sa nabanggit
Kung ikaw ang batang babae (Sangdaang Damit), gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagpapanggap na mayroon kang sangdaang damit upang tanggapin ka nila?
Oo, upang hindi na nila ako laiitin at alipustahin ng aking mga kaklase.
Hindi, magpapakatotoo ako dahil kung talagang mabait sila at totoong tao tatanggapin nila ako kahit anuman ang estado ko sa buhay.
Hindi, dahil wala akong pakialam sa kanila.
Oo, dahil hindi naman masama ang magsinungaling sa kapwa.
Mula sa akdang “Canal dela Reina”, ilahad ang bisang pangkaisipan.
Kapit sa patalim ang mga taong nakatira sa Canal de la Reina"
Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay nanatiling mahirap”
Bulok na sistema dahil marami ang nagdudusa sa mga taong walang malasakit sa kapwa”
Lahat ng nabanggit
Mula sa akdang “Canal dela Reina” makatwiran ba ang ginawa ni Nyora Tentay sa kaniyang mga kababayan na lumalapit sa kaniya?
Oo, dapat lang na bigyan niya ng malaking interes upang magbayad ang mga umuutang.
Oo, dahil sa panahon noon, wala ng libre.
Hindi, dahil hindi naman ako nakikialam sa buhay nila.
Hindi, dahil masama ang panglalamang sa kapwa dapat matuto rin sa tinatawag na “pakikipagkapwa-tao”
“Ay, nandyan na naman ang mga batang makukulit!” Anong uri ng Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon ang tinutukoy ng pahayag?
Mga Pangungusap na Padamdam
Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao
Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
Maiikling Sambitla
“Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.” Anong uri ng Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon ang tinutukoy ng pahayag?
Mga Pangungusap na Padamdam
Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao
Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
Maiikling Sambitla
“Wala kang utang na loob.” Anong uri ng Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon ang tinutukoy ng pahayag?
Mga Pangungusap na Padamdam
Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao
Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
Maiikling Sambitla
Mula sa akdang “Kailangan Isang Tsaperon”, ano ang kulturang nakapaloob sa dula?
Bawal lumabas ng bahay nang walang kasamang tsaperon kung ang kasama ay lalaki.
Maaaring lumabas ng bahay nang walang kasamang tsaperon.
Sumusugod ang magulang ng lalaki sa bahay ng babae.
Wala sa nabanggit
Bakit mahalaga ang “tsaperon” sa isang dalaga mula sa akdang “Kailangan Isang Tsaperon?”
Mahalaga ito dahil madali lamang masira ang puri ng isang babae.
Mahalaga ito dahil kapag may tsaperon ang isang dalaga, ibig sabihin mayaman sila.
Mahalaga ito dahil kailangan ng isang dalaga na utusan kapag lalabas siya kasama ang kaniyang kaibigan.
Lahat ng nabanggit
Ang paggamit ng “man, naman, kasi, kaya, yata, ba, pa” ay halimbawa ng __________ sa Pagpapalawak ng Pangungusap.
Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
Paggamit ng mga Panuring
Pagsasáma ng mga Pamuno sa Pangngalan
Paglalagay ng Kaugnay na mga Parirala
“Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.” Tukuyin mula sa pahayag ang Pang-uring ginamit bilang Pagpapalawak ng Pangungusap.
Great Wall of China
Makasaysayang
Simbolo
Dinastiyang Ming
“Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ang sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.” Tukuyin mula sa pahayag ang ginamit na Pamuno sa Pangngalan.
Jose Rizal
Pambansang bayani
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Lahat ng nabanggit
Mula sa akdang “Si Pinkaw”, makatwiran ba ang pang-aasar at pambu-bully ng mga bata sa kaniya?
Hindi, dahil masama ang mang-bully sa kapawa.
Hindi, dahil nakakaawa siya sa kaniyang sitwasyon dapat ay tinutulungan siya.
Hindi, dahil kahit wala siya sa katinuan tao pa rin siyang nasasaktan.
Lahat ng nabanggit
Mula sa akdang “Si Pinkaw”, ano ang suliranin sa akda?
Pang-aasar kay Pinkaw ng mga bata
Pagkakasakit ng mga anak ni Pinkaw
Pagkamatay ng kaniyang mga anak.
Lahat ng nabanggit
Ilahad ang isyung panlipunan sa akdang “Si Pinkaw”
Diskriminasyon sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
Ipinapakita rin ang kahirapan.
Kawalan ng respeto sa taong hindi kumpleto ang pag-iisip.
Lahat ng nabanggit
“Pinangunahan ni MANGETCHAY ang pulong sa kalawakan.” Anong uri ng Kaganapan ng Pandiwa ang pahayag?
Kaganapang Tagaganap
Kaganapang Tagatanggap
Kaganapang Layon
Kaganapang Direksyunal
“Namumulot ng kalakal araw-araw si Pinkaw PARA SA KANIYANG MGA ANAK.” Anong uri ng Kaganapan ng Pandiwa ang pahayag?
Kaganapang Tagaganap
Kaganapang Tagatanggap
Kaganapang Layon
Kaganapang Direksyunal
“Sinakay ni Pinkaw ang kaniyang mga nak sa KARITON.” Anong uri ng Kaganapan ng Pandiwa ang pahayag?
Kaganapang Tagaganap
Kaganapang Tagatanggap
Kaganapang Layon
Kaganapang Direksyunal
“NAGTUNGO SI PINKAW SA OSPITAL NG PAMAHALAAN.” Anong uri ng Kaganapan ng Pandiwa ang pahayag?
Kaganapang Tagaganap
Kaganapang Tagatanggap
Kaganapang Layon
Kaganapang Direksyunal
