wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

9FILQ3 REVIEWER

Total questions: 55

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.
Ito'y mga kuwentong nagsasaad ng mga makatotohanang pangyayari at aral mula sa mga banal na kasulatan.
a)
Pabula
b)
Sawikain
c)
Parabula
d)
Talinghaga
2.
Ang tinutukoy na may-ari ng ubasan sa parabulang "Ang talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan" ay _____.
a)
Amo
b)
Diyos
c)
Manggagawa
d)
Tagapamahala
3.
Ang metaporikal na pakahulugan sa UBASAN sa parabulang "Ang talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan" ay _____.
a)
Tungkulin ng Diyos
b)
Kabutihan ng Diyos
c)
Kaharian ng Diyos
d)
Kalooban ng Diyos
4.
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng literal na pakahulugan sa isang salita.
a)
Konotatibo
b)
Denotatibo
c)
Etimolohiya
d)
Metaporikal
5.
Ang metaporikal na kahulugan sa upang isang salaping pilak sa akdang "Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan."
a)
Upa
b)
Multa
c)
Kabayaran
d)
Biyayang kaligtasan
6.
Ang mga manggagawa sa ubasan ay binayaran ng may-ari ayon sa kanilang napagkasunduan. Ang simbolikong kahulugan ng salitang nakasalungguhit ay _____.
a)
Disipulo
b)
Tagasunod
c)
Trabahador
d)
Mananampalataya
7.
Napatunayan sa parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan" na ang Diyos ay _____.
a)
Mapagbigay
b)
Mapagmahal
c)
Makatarungan
d)
Lahat ng nabanggit
8.
Ang kahulugan ng pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli.”
a)
Ang oras ay mahalaga sa paggawa
b)
Ang unang dumating siya ring unang aalis
c)
Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
d)
Lahat ay may pantay na karapatan sa kaharian ng Diyos
9.
Ang pinakaangkop na pagpapakahulugan ng pagkakapantay-pantay batay sa akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan."
a)
Pagbibigay tulong sa lahat
b)
Patas ang bilang ng oras sa paggawa
c)
Pagbibigay-tulong ayon sa pangangailangan
d)
Pagkakapareho ng bayad kahit iba-iba ang oras ng pagtatrabaho
10.
May isang suwail na anak na hiningi sa ama ang kanyang mana, matapos lustayin ang lahat ay muling bumalik na malugod namang tinanggap muli ng mapagmahal na ama. Ito’y hinango sa parabulang _____.
a)
Parabula ng Banga
b)
Ang Alibughang Anak
c)
Ang Mabuting Samaritano
d)
Parabula ng Walong Dalaga
11.
Sa "Parabula ng Banga," ang mga bangang gawa sa lupa at sa porselana ay tumutukoy sa _____.
a)
Iba-ibang lahi
b)
Babae at Lalaki
c)
Mabuti at masama
d)
Mahirap at Mayaman
12.
Ang layunin ng pahayag na “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa” ay _____.
a)
Nagpupugay
b)
Nagpapasaya
c)
Nagpapaalala
d)
Nagmamalasakit
13.
Batay sa aral ng akdang "Parabula ng Banga," alin sa sumusunod ang maaaring magpakita ng kaugnayan nito sa tunay na buhay.
a)
Ang pagiging mapagpakumbaba kapag nagkasala
b)
Ang hindi pagkakaintindihan ng anak at ina sa kanyang gawa
c)
Ang pagpapaalala ng ina tungkol sa mabuting pag-uugali sa harap ng kapwa
d)
Ang pagpapaalala ng ina sa anak na pag-iwas sa masamang impluwensiya ng barkada
14.
"Ang malakas na alon na naging sanhi ng pagkabanggaan ng mga bangang gawa sa lupa at porselana ang dahilan ng unti-unting pagbibitak-bitak at tuluyang paglubog ng bangang gawa sa lupa, dito niya naalala niya ang pangaral ng kanyang ina." Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a)
Habang may buhay maging masaya
b)
Batid ng magulang ang ikabubuti ng anak
c)
Walang magandang idudulot ang pansariling kagustuhan
d)
Pag-iwas sa mga bagay na may kinalaman sa kapahamakan
15.
Ano ang tanging naiwan? Nakakuwadrong mga larawang guhit, poster at kinunang larawan Aklat talaarawan at mga damit Wala nang dapat pang ayusin Isang ulilang teheras Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran --“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” Alin sa elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga kaisipang mabubuo tungkol sa nais iparating ng akda sa mambabasa?
a)
Tema
b)
Wika
c)
Tauhan
d)
Kaugalian
16.
Ang katangian ng elehiya na pagiging mapag-alala at mapagparangal sa mahal sa buhay na yumao ay may sumusunod na himig, MALIBAN SA _____.
a)
Matimpi
b)
Di-masintahin
c)
Kagaspangan
d)
Mapagmuni-muni
17.
Ang tulang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o pag-aalaala patungkol sa isang yumaong mahal sa buhay at nagpapakita ng masidhing damdamin ay ang _____.
a)
Awit
b)
Liriko
c)
Soneto
d)
Elehiya
18.
Ang elehiyang tinalakay mula sa bansang Bhutan ay pag-alaala ng persona sa kanyang _____.
a)
Kapatid
b)
Kaibigan
c)
Magulang
d)
Kasintahan
19.
Ano ang tanging naiwan? Nakakuwadrong mga larawang guhit, poster at kinunang larawan Aklat talaarawan at mga damit Wala nang dapat pang ayusin Isang ulilang teheras Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran --“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” Ang mga salitang may salungguhit salita ay sumisimbolo sa mga _____.
a)
Alaala
b)
Pangarap
c)
Kabuhayan
d)
Lahat ng nabanggit
20.
Alin sa elemento ng elehiya ang tumutukoy sa emosyong nakapaloob sa tula?
a)
Tema
b)
Persona
c)
Kaugalian
d)
Damdamin
21.
"Masakit ang naramdaman ng kanyang kapatid sa kanyang paglisan ngunit kailanman ang iniwang alaala ay hindi mawawala sa puso’t isipan nito." Anong elemento ng elehiya ang lumulutang sa pahayag?
a)
Wika
b)
Simbolo
c)
Kaugalian
d)
Damdamin
22.
Ang tema ng akdang "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya."
a)
Paglisan ng kaibigan
b)
Pag-iwan ng kasintahan
c)
Pangungulila ng magulang sa anak
d)
Pagkamatay ng minamahal sa buhay
23.
Ang tulang "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya" ay mula sa bansang _____.
a)
India
b)
Bhutan
c)
Thailand
d)
Pilipinas
24.
1 - Nasisiyahan 2 - Naliligayahan 3 - Nagagalak 4 - Natutuwa
a)
1324
b)
2341
c)
3214
d)
4123
25.
1 - Ganid 2 - Suwapang 3 - Maramot 4 - Gahaman
a)
2134
b)
3214
c)
4312
d)
2314
26.
1 - Kalungkutan 2 - Kapighatian 3 - Kasawian
a)
132
b)
231
c)
213
d)
321
27.
1 - Poot 2 - Inis 3 - galit 4 - Asar
a)
4231
b)
1234
c)
2431
d)
2314
28.
1 - Naniniwala 2 - Nananalig 3 - Nananampalataya
a)
123
b)
213
c)
321
d)
132
29.
1 - Kahabag-habag 2 - Kalunus-lunos 3 - Kaawa-awa
a)
312
b)
231
c)
123
d)
321
30.
Ang akdang "Nang Minsang Naligaw si Adrian" ay isang _____.
a)
Tula
b)
Alamat
c)
Sanaysay
d)
Maikling kuwento
31.
Ang salitang rebolusyon ay nagmula sa salitang revolucion. Anong wika ang pinagmulan nito?
a)
Ingles
b)
Bisaya
c)
Espanyol
d)
Chavacano
32.
Sa binasang "Nang Minsang Naligaw si Adrian," alin sa sumusunod ang reponsibilidad ng pangunahing tauhan?
a)
Pangangalaga sa sarili
b)
Pangangalaga sa mga kapatid
c)
Pangangalaga sa kanyang ama
d)
Pangangalaga sa mga may-sakit
33.
Nakaramdam ng pagkainggit sa mga kasabayang doktor si Adrian kung kaya naisipan niyang _____.
a)
iligaw sa gubat ang ama
b)
ipasyal ang ama sa parke
c)
Dalhin sa home for the aged ang ama
d)
dalhin muna sa mga kapatid ang ama
34.
Ano ang ipinahihiwatig ng ginawa ng ama ni Adrian na pag-iiwan ng mga kaputol na sanga sa daan?
a)
pagkamuhi ng ama sa anak
b)
Makauwi ng ligtas ang anak
c)
Labis ang pagmamahal niya sa anak
d)
Galit siya sa anak dahil sa kawalan nito ng utang na loob
35.
Alin sa sumusunod ang pangunahing ginagamit upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
a)
Pandiwa
b)
Pantukoy
c)
Pang-abay
d)
Pang-ugnay
36.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pag-aaral ng mga salita, kung paano nag-iba ang anyo at ang pinagmulan nito.
a)
Ponema
b)
Etimolohiya
c)
Pagpapasidhi
d)
Transitional devices
37.
Anong tunggalian ang sa maikling kuwento ang tumutukoy sa paglaban sa mga sariling paniniwala ng pangunahing tauhan?
a)
Tao laban sa Tao
b)
Tao laban sa sarili
c)
Tao laban sa lipunan
d)
Tao laban sa kalikasan
38.
Sinigawan niya ang kanyang nakatatandang kapatid dahil nais niyang mapag-isa sa kanyang ginagawa. Ito’y nagpapakita ng tunggaliang _____.
a)
Tao laban sa Tao
b)
Tao laban sa sarili
c)
Tao laban sa lipunan
d)
Tao laban sa kalikasan
39.
Sa akdang "Alamat ni Prinsesa Manorah," mahihinuhang ang Kahariang Krairat ay _____.
a)
Nakakatakot na lugar
b)
Malayo sa katotohanan
c)
May nakatirang ermitanyo
d)
Hindi puntahan ng mga tao
40.
Ang salitang ”kinnaree” ay nangangahulugang _____.
a)
Isang Ermitanyo
b)
Katutubong Thai
c)
Kabilugan ng buwan
d)
Kalahating tao, kalahating sisne
41.
Uri ng pagpapahayag na kadalasang ginagamit sa mga alamat.
a)
Paglalahad
b)
Paglalarawan
c)
Pagsasalaysay
d)
Pangangatwiran
42.
Ang pitong magkakapatid na kinnaree na kalahating tao at kalahating sisne ay patunay na sa alamat ay _____.
a)
makatotohanan ang mga pangyayari
b)
nagpapakita ng mga kultura at tradisyon
c)
nakabatay sa kasaysayan ang mga naganap
d)
may mga pangyayarung hindi makatotohanan
43.
Ibigay ang wastong pagkakasunod-sunod: 1 - Pagbintang ng maybahay na nagdala ng Mia-noi ang mangingisda 2 - Pagkagalit ng ama ng mangingisda sa kaniya 3 - Pagbili ng mangingisda ng mga bilin ng kanyang pamilya 4 - Pagluwas ng mangingisda sa kabayanan 5 - Pagbasag ng lolo ng bata sa salamin
a)
43125
b)
34125
c)
12345
d)
25341
44.
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila sa kaharian ng Ayodha. Ang salitang may salungguhit ay kasingkahulugan ng salitang _____.
a)
Itinakwil
b)
Pinalayas
c)
Pinasama
d)
Pinaampon
45.
Hindi nila alam na nagpapanggap lamang ang babae. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang _____.
a)
Nagagalit
b)
Nagbabadya
c)
Nagmamalasakit
d)
Nagbabalatkayo
46.
Ang pagtanggi ni Sita sa pangungumbinsi ni Ravana na mahalin siya at ibibigay sa kanya ang lahat ng kayamanan ay patunay na _____.
a)
naghahangad siya ng kayamanan
b)
naging taksil siya sa kanyang asawa
c)
naghahangad siya ng higit na kapangyarihan
d)
tapat at wagas ang pagmamahal niya sa asawa
47.
Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?
a)
Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ang tauhan
b)
Makikita ang supernatural na katangian ng tauhan
c)
Ipinakikita ang pinagmulan ng isang bagay
d)
Ito’y isang tulang pasalaysay
48.
Sa epikong "Rama at Sita" makikita ang pagtutulungan at pagmamahalan nila sa bawat isa, ang ganitong pagpapahalaga ay masasalamin din sa mga bansa sa Asya. Ano ang mabubuong konklusyon tungkol dito?
a)
Masakit ang mawalan ng pamilya
b)
Pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya
c)
Ipinagtatanggol ang pamilya kahit nasa maling panig ito
d)
Ang maayos na relasyon ng pamilya ay nagdudulot ito ng kapangyarihan
49.
Kung ang bansang India ay may Rama at Sita, ang Pilipinas ay may _____.
a)
Gilgamesh
b)
Ramayana
c)
Mahabharata
d)
Biag ni Lam-ang
50.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paglalarawan?
a)
Humingi ng tulong si Rama sa Hari
b)
Bihagin mo si Sita upang maging asawa mo
c)
Niyakap ni Rama si Sita kaya’t nagselos si Surpanaka
d)
Nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat
51.
Alin sa sumusunod ang kabilang sa paniniwalang Hindu?
a)
Katalinuhan
b)
Kagandahan
c)
Katotohanan
d)
Lahat ng nabanggit
52.
Sa paanong paraan naiiba ang epiko sa ibang genre o uri ng panitikan?
a)
Binibigkas ng paindayog
b)
Masining na pagsasalaysay
c)
Isinasayaw ang epiko na pangyayari
d)
Mayaman sa supernatural na pangyayari
53.
“Huwag mong iwan si Sita anumang mangyari bantayan mo siya,” sabi ni Rama kay Lakshamanan. Ang pahayag ay _____.
a)
Nag-uutos
b)
Nakikiusap
c)
Nagpapaunawa
d)
Nagmamakaawa
54.
Nagdasal si Sita nang siya’y nabihag ni Ravana upang mailigtas siya ng kanyang asawa. Anong pagpapahalagang Pilipino ang maihahambing sa ikinilos ng tauhan?
a)
Pag-iisip sa mga tao
b)
Pag-asa sa tadhana
c)
Ang hindi pagbitaw sa Diyos
d)
Ang pagiging matulungin sa iba
55.
Ang hiningan ng tulong ng magkapatid na si Ravana at Surpanaka upang kalabanin ang mag-asawang Rama at Sita ay si _____.
a)
Dragon
b)
Maritsa
c)
Higante
d)
Ermitanyo