wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangwakas na Pagtataya para sa Unang Markahan (Filipino 9)

Total questions: 50

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Elemento na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Simbolismo

d)

Tema

2.

Elemento na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Damdamin

3.

Ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng kanyang kapwa.

a)

tao vs. sarili

b)

tao vs. kalikasan

c)

tao vs. tao

d)

tao vs. lipunan

4.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili?

a)

"Lalabas ba ako o hindi? Sobrang lakas ng ulan at nakita ko sa balita kanina na may paparating na bagyo, baka magkasakit ako."

b)

Humampas ang malakas na alon sa kanilang sinasakyang barko

c)

Sinabunutan ni Keziah ang kapitbahay niyang si Mikyla dahil sa kaniyang pagkabungangera.

d)

Pinaratangan siyang isang mangkukulam kaya dinala siya upang doon ay patawan ng kamatayan.

5.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs. tao?

a)

Hindi malaman ni Arnold ang gagawin nang malaman niyang niloloko lang pala siya ng kaniyang kaibigan.

b)

Kinaiinisan ng lahat si Roberto dahil sa kaniyang kapilyuhan.

c)

Nagdadalawang-isip si Raj na tanggapin ang tulong ng kaniyang kamag-anak.

d)

Nangungunyapit siya sa sanga o kahit anomang bagay na mahawakan upang hindi matangay sa rumaragasang baha na dulot ng bagyo.

6.

Sa pangungusap na, "Si Sisa ang pangunahing tauhan sa kabanata 16 ng nobelang Noli Me Tangere.", ito ay nagpapakita isang halimbawa ng _______________.

a)

katotohanan

b)

tunggalian

c)

opinyon

d)

simbolismo

7.

Suriin ang pangungusap na, "Lubos kong pinaniniwalaan na ang edukasyon ang susi sa magandang buhay.", anong salita ang nagpapakita ng opinyon?

(a)  

8.

Ang mga sumusunod na salita o pahayag ay nagpapakita ng opinyon maliban sa ___________.

a)

Talagang magandang tumira sa probinsya.

b)

Hindi ako sumasang-ayon na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

c)

Lubos kong pinaniniwalaan na ang edukasyon ang susi sa magandang buhay.

d)

Si Bob Ong ang sumulat ng ABNKKBSNPLAko?!

9.

Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng emosyon ng tauhan.

a)

Kakalasan

b)

Saglit na Kasiglahan

c)

Kalutasan

d)

Kasukdulan

10.

Sa kuwentong "Ang Ama" na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang naging magandang wakas nito?

a)

Marami ang nakiramay at nagbigay tulong.

b)

Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.

c)

Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siya ay magbabago na.

d)

Namatay ang batang si Mui Mui.

11.

Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawan ng iba't ibang lugar sa kuwento. Pinupukaw nito ang imahinasyon ng mga mambabasa.

a)

Panimulang Pangyayari

b)

Tauhan

c)

Tagpuan

d)

Tunggalian

12.

Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema. Isang halimbawa nito ay ang tao laban sa tao.

a)

Suliranin

b)

Tunggalian

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

13.

Siya ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento".

a)

Deogracias Rosario

b)

Lope K. Santos

c)

Edgar Allan Poe

d)

Severino Reyes

14.

Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa, maliban sa:

a)

nagbibigay ito ng kabutihang-asal.

b)

nagsisilbing gabay sa buhay.

c)

nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.

d)

napapalawak nito ang imahinasyon.

15.

Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dahil dito makikita ang ganda at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

a)

Panimula

b)

Wakas

c)

Gitna

d)

Banghay ng maikling kuwento

16.

Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa:

a)

pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.

b)

pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento.

c)

pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.

d)

pagkilala kung kailan naganap, nagaganap o gaganapin ang kilos o pangyayari.

17.

Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na _________.

a)

panlinaw

b)

pantuwang

c)

pananhi

d)

panapos

18.

Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ___________.

a)

pangkayarian

b)

pantukoy

c)

pananda

d)

pangawing

19.

_________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay _________.

a)

Kung

b)

Sa

c)

Kapag

d)

Simula

20.

Sa mga pangungusap na, "Nagugutom si Raj" at "Nagluto si Umar ng pansit", ano ang angkop na gamiting pangatnig upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?

a)

kaya

b)

subalit

c)

palibhasa

d)

datapwat

21.

Sa maikling kuwentong "Anim na Sabado ng Beyblade", ano ang hiling ng batang si Rebo?

a)

Hiniling na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.

b)

Mangumbida ng mga kaibigan at bisita.

c)

Nais ni Rebo na magkaroon ng maraming laruan at mga regalo.

d)

Maging maayos ang kaniyang kalagayan.

22.

Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga ___________.

a)

pantukoy

b)

pandiwa

c)

pangatnig

d)

pang-abay

23.

Ang mga sumusunod ay mga pangatnig maliban sa ________.

a)

at

b)

ngunit

c)

-ng

d)

o

24.

Ang mga pang-ugnay ay mga salitang ________.

a)

naglalarawan sa pangngalan.

b)

nag-uugnay sa mga salita sa loob ng pangungusap.

c)

panghalili sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.

d)

pangawing

25.

Ano ang nangyari kay Rebo sa ika-anim na Sabado?

a)

Si Rebo ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa araw.

b)

Nilisan na ng bata ang mundo.

c)

Lumabas na sa bahay-pagamutan ang batang si Rebo.

d)

Namasyal sa isang karnabal kasama ang ama.

26.

Ang isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.

a)

Maikling Kuwento

b)

Nobela

c)

Sanaysay

d)

Tula

27.

Hanapin ang salitang magkasingkahulugan sa taludtod na nasa ibaba.


Ang kultura'y pinayayabong

Nang may halong sigla at tuwa

(a)  

28.

Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagmungkahi ng makata o akda sa isang pook o pangyayari ay tinatawag na tulang __________.

a)

mapang-uroy

b)

mapaglarawan

c)

mapang-aliw

d)

mapangpanuto

29.

Sayang, kung alam ko lang na ganito ang tingin nila sa amin, 'di na sana ako umalis ng bansa.

Anong damdamin ang ipinahahayag sa pangungusap?

a)

pagkagalit

b)

panghihinayang

c)

pagkatuwa

d)

pasasalamat

30.

"Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw,

Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw..."

Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng ________.

a)

pagdurusa

b)

kaligayahan

c)

kalutasan

d)

kalungkutan

31.

Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na "Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan" ay nagpapahiwatig na ang kultura ay __________.

a)

nagbabago

b)

di nagpapalit

c)

naaalis

d)

di itinuturo

32.

"Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay."

Batay sa pahayag, ano ang karanasang dinanas ng nagsasalaysay?

a)

malaya

b)

masaya

c)

walang kalayaan

d)

takot

33.

Ito ay ang aktwal na kahulugan o kahulugang pandiksyunaryo.

(a)  

34.

Ang kahulugan ng salita ay ayon sa gamit at pagkakaugnay na ipinahihiwatig sa ibang salita.

(a)  

35.

Bihira sa mga babaeng moderno ang naniniwala sa kasagraduhan ng kasal. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a)

makabago

b)

mapagmataas

c)

malaya

d)

maagap

36.

Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman ay tinatawag na________.

a)

naglalarawan

b)

pormal

c)

nangungutya

d)

nang-aaliw

37.

Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga ________.

a)

pantukoy

b)

pangatnig

c)

pandiwa

d)

pang-abay

38.

Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, "Ayon kay Micah, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw."?

a)

pananda

b)

pangatnig

c)

pang-ukol

d)

pantukoy

39.

Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa sa alinmang akda. Ito ay naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda.

a)

Epiko

b)

Nobela

c)

Sanaysay

d)

Tula

40.

Ano ang angkop na kahulugan ng pahayag na makikita sa ibaba?


"May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan?"

a)

Alam niya sa kaniyang sarili na may ibang mundo siyang nais galawan.

b)

Ang kinagisnang paniniwalang kailangang sundin sa ayaw man o sa hindi niya gusto.

c)

Di niya magagawang suwayin ang mga taong nagmamahal sa kaniya.

d)

Mistulang bilanggo ang mundo ng prinsesa dahil sa kanilang tradisyon.

41.

Mataas na uri ng panitikan sa Pilipinas na saklaw ang katotohanan at ang sigwang napupukol sa pagitan ng pamumuhay ng tao at ng lipunan.

a)

Dula

b)

Maikling Kuwento

c)

Nobela

d)

Tula

42.

Isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento, pabula, parabula at alamat. Nakasalalay rito ang maayos at makatotohanang pagkahabi upang maging epektibo ang akda.

a)

Diyalogo

b)

Iskrip

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

43.

Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa kaniya umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa wakas.

a)

Katunggaling Tauhan

b)

Pantulong na Tauhan

c)

Pangunahing Tauhan

d)

Pangalawang Tauhan

44.

Mahalaga ang papel na kaniyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaling ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.

a)

Katunggaling Tauhan

b)

Pangunahing Tauhan

c)

Pantulong na Tauhan

d)

Pangalawang Tauhan

45.

Isang dulang nagtataglay ng malungkot na pangyayari. Ito ay makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mabubuti at mababait na tauhan sa dula.

a)

Melodrama

b)

Parodiya

c)

Saynete

d)

Trahedya

46.

Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na nasa ibaba?


"At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?"

a)

pagkabagot

b)

pagkadismaya

c)

pagkasuklam

d)

pagkagalit

47.

Araw ng pangingilin


Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

a)

pagsimba

b)

pananampalataya

c)

nabendisyunan

d)

patay

48.

Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumuporta sa pangunahing tauhan.

a)

Katunggaling Tauhan

b)

Pantulong na Tauhan

c)

tauhang bilog

d)

tauhang lapad

49.

Ito ay uri ng tauhan na nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuuan ng akda.

a)

Tauhang Bilog

b)

Tauhang Lapad

c)

Pangunahing Tauhan

d)

Pantulong na Tauhan

50.

Ito ay uri ng tauhan na hindi nagbabago ang kaniyang pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda.

a)

Tauhang Bilog

b)

Tauhang Lapad

c)

Pangunahing Tauhan

d)

Pantulong na Tauhan